Chapter 24

20 9 20
                                    

__Hannah Noelle Ferraz__
"Anak, this is it!. Ga-graduate na ang doctor naming!" Gigil at excited na banggit ni mama at saka ako binigyan ng mahigpit na yakap sa 'kin. Finally, dumating na rin ang araw na pinaka-hihintay ko. This day, is the day wherein I will reap everything I sowed.


"Ready na ba ang speech ng aming munting prinsesa?" Nakarinig kami ni mama ng mahinang pagsara ng pinto at Nakita ko si papa na papalapit sa amin.


"Pa naman eh! 'Di na nga ako bata!" Inis at natatawang banggit ko sa kaniya. He smiled from what I said, making his mood lightened up.


"Eh, ang ganda ganda kaya ng babaeng nakaupo at nakaharap sa salamin. She looks just like a princess. Mas maganda pa kesa kay Cinderella." Aba! Nagawa pa ngang mambola ng ama! Kita ko namang napahagikhik si mama. Alam niya kasing nambobola lang si papa.


"Pa kasi eh! 'Yung make-up ko masisira!" Ang sabi ko sa kaniya, at saka tumayo sa kinauupuan at niyakap siya.


"Mahal naman, pinaghirapan ko 'yung make-up niya. Alam mo namang 'di ako ganun kagaling kaya 'wag mo nang paiyakin si Noelle." Saad ni mama kaya lalong lumawak ang ngiti ni papa. Maya-maya pa'y tumayo si mama at saka sumama sa yakapaan namin.


Sabay-sabay naming sinariwa ang panenermon ni mama nung elementary pa lang ako, at ang walang hanggang panenermon ni papa nung highschool ako tungkol sa mga bad influence. He said that I should choose friends na kahit hindi sila maganda sa tingin ng tao, pero maganda ang kanilang kalooban at may takot sila sa Diyos.


And gladly, I found one, named Patrisha Leycojan. Baliw man at madaldal sa labas, napatunayan ko naman na mabait siya at maaasahan, at higit sa lahat, may takot sa Diyos. Bukod kina mama at papa, wala nang ibang tao pa ang nakaka-alam sa buong buhay ko kung 'di si Pat. She was with me in my happiest moments, and she was also there to comfort me in my down moments. Pat is a family for me. And I am happy na siya ang binigay ni Lord sa 'kin.


Pero bukod sa isang dosenang librong natanggap ko from Pat, sa isang libro na puro tula na ginawa para sa 'kin ni Shiloh, sa bagong sapatos at ang pinamana sa 'kin ni mama na hikaw at kuwintas, at sa apartment na ibinigay sa 'kin ni papa, may isa pa sana akong grad gift na gusting matupad. Isang pangarap na, matagal ko na talagang gusto. Kaso, napaka-raming bagay ang humahadlang. Pero, kahit imposible, kahit, parang wala nang pag-asa, aasa ako. Gusto ko siyang makita ulit. Kahit sa malayo nalang. Basta, naaninag ko lang 'yung mukha niya ng maayos. Basta nakikita ko pa 'yung ngiti niya. At maririnig ko pa rin 'yung boses niya. Okay na 'ko dun. Masaya na 'ko-


"Oh, Hannah? Are you okay? Let's go na?" Naputol ang mga iniisip ko nang tanungin ako ni mama. I shook my head off to say I'm fine. Ngumiti naman si mama at niyaya na 'kong lumabas ng kuwarto. Nasa baba na pala si papa at pinapa-andar na ang sasakyan. I grabbed my things and followed mama pababa sa hagdan. I smiled. So bitterly. Everything, is so impossible para matupad ang huling kahilingan na 'yon.


I stared blanky at the window of the car as I watch every tree we passed by. Natutuwa ako. Pero nalulungkot. Naeexcite ako pero, parang kulang pa rin. Parang hindi pa rin kumpleto ang lahat. Nabasa kaya niya ang mga sulat ko? Natanggap ba niya kaya 'yung niregalo niya ko sa kaniya? Kamusta na ba siya? Nabigay kaya niya 'yong anchor necklace kay Liah? Masaya kaya siya ngayon?

After LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon