Chapter 10

66 29 47
                                    


Me: I'm sorry love, mukhang di ko na ikaw kayang hintayin pa. But.. I'll come back tomorrow, sa shop niyo okay? eto kasing si Pat ansarap sapakin. Alam mo naman ugali nito. Take Care. Love you. SO much. Still waiting.


Sinend ko muna ang text message, bago pumasok. 


"Hannah Noelle Ferrez," Ang tinig na sumalubong sa akin. Napapikit ako ng mariin. Ay chicha! Bakit ba hanggang nagyon nakakakilabot parin yang boses mong ganyan Pat! Arghh! May araw ka rin!


"Hello Patty," Alanganing ngiti ko ng makita ko ang di maipintang itsura niya sa kusina. 


'Patay Hannah! Arghh! Bat kasi nakakatakot siyang magalit! Siya lang naman si Pat eh!'


"Ang sabi mo" at nagsimula na siyang lumakad palapit sakin, habang ang hintuturo niya ay binabaybay ang countertable. Napalunok ako ng laway. 


"Uuwi. Ka. Agad. Anong oras na?! 12? Tanghali na uy! Tignan mo yung lasagna, lasug na! Ano ba naman yan! Kahit kelan talaga Hannah eh! Pag sinabi mong mabilis ka lang, antagal tagal mo. Pag sinabi mo namang matagal yun, maya-maya, andayn ka na..." Nagpatuloy lang siya sa pagdadada. 


Ayun, nakarinig nanaman ako ng walang prenong sermon. Hayss. Sa bagay, kasalanan ko rin naman yun eh. Psh. Ayss. 


Tumigil siya sa harap ko at ipinakita ang matals niyang paningin. Pagkatapos ng ilang segundo ay bumigay din siya, yumuko, at bumaling na muli pabalik sa kusina palapit sa lamesa. Huminga ako ng maluwag, at saka siya nagsalita,


"Halika na nga, ginambala mo na ang beauty rest ko ng mga nakaraan, pati ba naman dugo ko papataasin mo pa. Kumain na tayo." 


Akala ko nagbibiro lang siya at baka mamaya eh masapak ako diyan. Pero nung nakita kong pumunta siya sa lababo at kumuha ng plato, I simply sneaked and walked carefully papunta sa lamesa.


Nakita ko ang lasagna na ginawa niya. Medyo malamig na. Lumungkot ng onti ang mukha ko. Mukhang pinagpaguran nga niyang gawin toh. Saming dalawa, siya ang mas mahilig mag bake. At ang pinaka favorite niyang gawin, ay walang iba kundi lasagna. Kaya, lagi kaming may stock dito ng ingredients ng lasagna niya. Don't get me wrong, never akong naumay sa lasagna niya. ansarap kaya. Try niyo.


"Oh ayan, na, kumain ka na." Sabi niya, sabay hati nung lasagna na niluto niya at nilagyan ako sa plato.


"Thank you Pat." Sambit ko. Yoko na magsabi ng kung ano ano pa. Baka mamaya barahan ako neto na puro flowery words ang lumalabas para lang di niya ako mapagalitan. Magaling kais tong maka-amoy na niloloko siya. Tss. Sana ako rin may ganung talent.


Sa kalagitnaan ng pagkain namin, bigla nanaman siyang nagsalita, dahilan para mabasag ang nakabibinging katahimikang bumabalot samin kanina pa.


"Ano, nakausap mo naman na si Eden sa oras na wala ka diba?" Halos padabog na banggit ni Pat ng nakatungo at naka-focus sa pagkain. I sighed. Hayss. Kelan ba toh mag mamature?? I erased those thoughts by shaking my head a bit at inayos ang sarili ko para sagutin ang tanong niya. Nga pala, di niya alam ang tunay na dahilan kung bakit nga ba ako umalis. Bigla ko nalang narealize, buti nalang, at nagkauntugan kami ni Eden. Kung hindi, Patay, nganga ako dito sa babaeng toh ngayon.

After LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon