Chapter 15

38 18 21
                                    

They can say, they can say it all sounds crazy

They can say they can say I've lost my mind

I don't care, I don't care, so call me crazy

We can live in a world that we design-


Natigilan ako nang biglang tumigil ang music nung pinapanood naming movie. Napasubo ako ng ice cream at saka tinignan ang tv sa kwarto. Kakapatay palang ng tv. Kumunot bigla ang noo ko. Ibinaling ko ang tingin kay Patrisha at nakita kong kakapatay palang niya ng tv.


"Ba't mo pinatay?" Inis na tanong ko sa kaniya. Padabog naman akong napasubo sa ice cream na hawak ko kaya naman parang isinalpak sa bibig ko ang ice cream. Nakita ko naman si Pat na 'di napigilan ang tawa kaya sinamaan ko siya ng tingin.


"Oh, bakit?" Irritante kong tanong sa kaniya.


"Eh kasi, Hahahaha, ikaw kasi eh. Hahaha," Sabi niya, habang 'di parin mapigilan ang tawa niya.


"Tss. Manahimik ka na nga d'yan, at buhayin mo nalang ang tv. Ang ganda na nung kumakanta na sila eh!"


"Tss. May mas maganda akong dapat panoorin." Sabi niya pa sa akin, at binigyan ako ng isang mapanakot na tingin. Bigla akong napalunok ng laway. Aba't-


"Sige, papanoorin ko muna ngayon yung ngiti mo kanina." Sabi niya at saka sumubo ng isang kutsarang cereal na may gatas.


"Hah? Anong ngiti yang pinagsasasabi mo?" Tanggi ko, at saka ako sumubo ulit ng isang malaking kutsarang ice cream.


"Sige, tanggi pa Hannah. Tss. Eh ako lang naman ang nag eenjoy sa panonood ng Greatest Showman tapos ikaw, ayan, nakatitig sa ceiling napapangiti. Edi ititigil ko na muna ang palabas ikaw papanoorin ko. Sakto, nagluto si tita ng popcorn, live film 'to." Sarkastiko niyang sabi. Nahihiyang napababa ako ng tingin. 


'Oo nga pala, imibistigador itong kasama ko rito.'  Gusto ko na tuloy sampalin ang sarili ko ngayon na.


"Oh ano? Magk-kwento ka ba?" 


"Opo na po, opo na po." I said, raising my hands as a sign of surrender. 


"Good, start ka na." Iginaya pa niya ang mga kamay niya parra sabihing magsimula na ako. Porket may bago lang na kwento nanahimik na agad? Parang kumbaga, 'The Stage Is Yours Sis'. I rolled my eyes and looked down. Nagsimula na ako magkwento.

After LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon