Salamat, sa pagbibigay ng isa pang pagkakataon.
Salamat, at siya na talaga ang makakasama ko.
Wala naman kasi akong nakalimutan._________________
10 months after...
Bumaba ako at saglit na pumunta sa salas. Lumabas ako at inamoy ang mga bulaklak na inaalagaan ni mama. Naging plantita na rin kasi siya. Sabi kasi ng doctor ko, maganda raw sa'kin na may nakikitang mga halaman.
It's been 4 months since nung na-discharge ako sa hospital. I was diagnosed with Selective Amnesia or mas kilala sa tawag na Dissociative Amnesia. Halos anim na buwan akong naka-confine sa hospital dahil sa napakaraming tests na kinakailangang gawin para matukoy ang sakit ko.
Ayon kasi sa doctor, kakaunti lang daw ang mga nagkakaroon ng ganitong klaseng amnesia. Ang Selective o Dissociative Amnesia ay isang klase ng amnesia na pili lang ang memory na 'di naaalala ng isang tao. Naaalala ko pa nga ang sarili ko nung sinabi ng doctor ang sakit kong 'yon. Wala naman kasi akong nakalimutan. Like, kabisadong kabisado ko ang mga nangyari simula pagkabata hanggang sa nung panahon na 'yon.
Sinubukan na rin ako ni mama at ni papa. Sinuggest rin kasi 'yun ni Doc. Ang sabi niya, magtanong daw ng mga events sa buhay ko. At kapag hindi ko nai-describe at hindi ko maalala, then possibly, 'yun ang mga piling memories na nakalimutan ko. And we did that boring thing for like, almost 3 weeks. Araw-araw silang nagtatanong at araw-araw akong nababaliw sa mga tanong nila. Alam kong lahat ng 'yon! Hindi ako makakalimutin.
Kinausap nila ulit si Doc noon at nakaka-curious lang kasi hindi nila ako sinama. After nilang bumalik, I'm good to go na raw. P'wede na raw akong i-discharge. Pero kahit gano'n na wala naman na talaga akong nararamdamang sakit sa ulo, or like pumipitik, kailangan ko pa ring uminom ng gamot.
At isa pa, araw-araw akong binibisita ni Troy at ni Shiloh. Ewan ko ba sa kanila at bakit kapag nagkakasabay sila ay parang sumisimangot ang mga mukha nila. Those men were the best I can have. Bukod syempre, sa nag-iisang kaibigan ko na si Patrisha, These two people really made me feel loved habang nasa ospital ako.
Lalo na si Troy. Maka-alaga kala mo mamamatay ako. Halos hindi na umuwi mabantayan lang ako. But now, everything's different. Masaya na 'ko sa nangyari sa'kin. It was all worth the wait kumbaga. Masaya na kami. Sinagot ko na ang lalaking pinaka-mamahal ko. Just 3 months ago. And now, we are happily in love. Mas lalo kong napatunayang mahal niya ako. I smiled with my thoughts.
"Hannah! Kakain na! Ako nagluto niyan ahhh!" Biglaan akong niyakap ni Pat kaya naman na-out of balance ako at muntikan pang madapa.
"Ano ba 'yan Leycojan ka! Kainis! Nananahimik ako dito tapos ginaganyan mo 'ko. Ano bang meron sa araw mo ha?" Singhal ko sa kaniya.
"Hoy, hoy! Hannah Noelle Ferraz! Nakakailan ka na ah! Kung 'di lang talaga nagparequest si—" Bumaling ako sa kaniya at tinignan ng masama.
"Sige sige, sino 'yong nagsabing mangharot ka sa'kin? Ha? Sasapukin ko talaga 'yun! Ughh! Nakakakulo ng dugo!"
"Girl, umamin ka nga! Meron ka ba ngayon?"
BINABASA MO ANG
After Lifetime
Novela Juvenil[AFTER SERIES #1 | COMPLETED] [MAJOR EDITING] A destiny shaped from prayers and hardships can still fall out of love after all. Everything Hannah wished for was already there. She just couldn't get whether she misshaped or misunderstood the whisper...