Chapter 14

42 20 21
                                    

Napa-awang ang labi ko. Nananaginip ba ako? Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko, at dahan-dahang iminulat at saka tinignan ang cellphone na nakapatay. Huminga ako ng malalim. Binuksan ko ang phone at lumabas ang...


1 new message: Lemuel Barkads


Unti-unting bumaba ang balikat ko. Muli kong ipinikit ang mata ko. Pagkamulat ko, ay tinignan ko ulit ang notification sa screen. Si Lemuel nga ang nag-text. Dismayado kong binuksan ang message niya.


Lemuel: Hello mga gaiz! Wazzup na kayo sa layf? I'll have a mini party sa bahay namin sa Sat! Barkada lang natin! Don't worry, texted you all! Sasama kayo o papatayin ko kayo sa panaginip? Joke. Huy punta kayo ha. Ilang buwan na tayo di nagkikita! Masyado kasi kayo nagaaral. Look @ me, chill lang sa layf. Lab yu all barkads!


Matapos ang ilang buwang pananahimik ng barkada namin, biglaang sumulpot itong si Lem. Tss. Bigla na lamang ako napangisi. Huling labas naming barkada 3 months ago pa. Nagpunta kami sa Hunter's, tapos dumaan sa bookstore, tapos gumala gala sa department store para bumili ng wala, tapos nanood kami ng movie. Hay. Brings back good memories.


Me: Ano nanamang pakulo to Lem? Lakas ng loob mo ah haha  q(≧▽≦q)


Umakyat na ako sa taas at saka napatigil sa harap ng guest room. Andito si Patrisha. Nareceive kaya niya yung text ni Lem? Hahawakan ko sana ang door knob para buksan ang pinto pero pinigilan ko ang sarili ko.  Bagkus idinikit ko nalang ang aking tenga sa pinto at pilit pinapakinggan ang mga tunog na nagmumula sa kwarto. 

'Anlakas naman nito tumawa. Tss. Mas malakas akong tumawa 'no! Tss, makatawa parang walang-'


"Anak anong ginagawa mo riyan?" Napatalon ang buong sistema ko kasabay nang paghawak ko sa dibdib ko sa gulat. I faced the person talking at si papa pala iyon. Namuo na ang mga pawis sa noo ko at kasabay noon ang panlalamig ng kamay at paa ko. Shet!


"Ah, pa, kasi, ano, si-" Di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil biglang bumukas ang pinto ng guestroom at iniluwa noon si Patrisha.


"T-tito."Gulantang na banggit niya at saka ibinaling ang tingin sa akin. Shet! Mas lalo pang naging awkward.


"Bakit tito? Narinig ko po kasi na nagsalita kayo." Sabi pa niya, habang kinukusot kusot ang mga mata niya. Tss. Sarap sapakin ng babaeng 'toh! Maka-acting parang inosenteng-


"Eh, eto kasing si Hannah, nakita kong nasa harap ng pintuan kaya tinanong ko." Oh shet! Marahan kong minamasahe ang pupulsuhan ko.


"Ahh ganun po ba," Kita ko ang bahagya niyang pag ngisi. Bwiset! Bakit ba 'di ako makabawi sa babaeng 'toh?!

After LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon