"Freyja, gising na."
Napatingin ako sa pinto ng aking silid. Ang tatlong katok mula roon ay senyales na kailangan ko nanamang pilitin ang sarili kong mabuhay.
"Gising na po!" sigaw ko pabalik.
Hindi nanaman pala ako nakatulog. Paano ba naman, sobrang ganda ng buwan kaya naman pinagmasdan ko ito magdamag. Iyon ang hilig kong gawin noon pa lang dahil alam kong darating ang panahon na hindi ko na ulit ito makikita pa.
Binuksan ko ang pinto mula sa balkonahe ng aking kwarto. Ito ang pinagawa ng aking ama noon dahil alam niyang hilig kong pagmasdan ang buwan.
Naligo na ako at gumayak para sa araw na ito. Isang puting t-shirt at pantalon lang ang suot ko. Wala naman na kaming gaanong ginagawa kung hindi ang mag practice para sa graduation namin.
"Ang ganda ganda naman ng pamangkin ko!" nakangiting salubong sa akin ni Tiya Morie nang makita akong pababa sa hagdan. "Manang mana ka talaga sa akin!"
Isang tipid na ngiti lang ang iginawad ko sa kaniya.
"Si Ate Gretta po?" tanong ko habang kumakain ng almusal. Si Ate Gretta ay ang anak ni Tiya Morie. Dito na rin sila nakatira dahil iyon ang kagustuhan nila Mama at Papa.
"Maagang pumasok hindi ko nga alam kung bakit. Siguro may nobyo na kaya ganoon." saad nito. "May nobyo ka na rin ba, Freyja?"
"Wala po akong oras para sa ganiyan, Tiya."
"Ganiyan din ang sinabi ko noon pero tignan mo naman!" natatawang saad niya.
Nang paalis na ako ng bahay ay inalok ako ni Tiya Morie na ihatid sa eskwelahan pero ako na rin mismo ang tumanggi. Malayo ang opisina niya mula roon at ayoko naman siyang ma-late sa trabaho niya.
"Freyja!" napalingon ako sa aking likuran nang may tumawag sa akin. "Kanina pa kita tinatawag!"
"Pasensiya ka na, ha? God bless." pabiro kong saad.
"Sira ka talaga!" naiiling niyang saad. "May plano ka na ba next week? Binigyan tayo ng one week break ng principal. Naiinggit nga 'yung mga hindi graduating e."
Napakunot ang aking noo sa narinig. "Bakit? Ga-graduate din naman sila."
Hindi pa kami nakakapasok sa classroom ay rinig na rinig na ang ingay na nagmumula roon. Nangingibabaw ang boses ng ilan sa mga kaklase naming babae.
"Magpapa-picture talaga ako kay Blake!"
"Ako rin 'no! Last na 'to, e!"
"Saan kaya siya magc-college?"
Napailing na lang ako. Sobrang sikat talaga ni Blake na pati rito sa building namin ay pinaguusapan siya.
"So may plano ka nga?" pangungulit sa akin ni Aly. Siya ang kaibigan ko simula noong pumasok ako sa eskwelahan na ito. Kaming dalawa lang at wala nang iba. Hindi tulad ng iba na may grupo talaga ng magkakaibigan.
"Wala nga. Magpapahinga lang siguro dahil iyon naman 'yung purpose ng one week break na binigay sa atin."
"How about after ng graduation? May plano ka?"
Napatawa ako ng mahina. "Kailan ba ako nagkaroon ng plano para sa sarili ko? Ultimo eskwelahan na papasukan ko sa college ay wala pa akong plano."
"Ayaw mo kasing mag plano!"
"Hindi ko naman nakikita ang sarili ko sa mga bagay bagay. Ewan ko nga, e. Ang weird!"
BINABASA MO ANG
The Moon's Death
Teen FictionEveryone thought that Blake's life is perfect. He is famous. He is rich. He can get whatever he wants. They envy him for having that "perfect life" but they were wrong. Hindi perpekto ang buhay niya at hindi nila alam 'yon... maliban sa isang tao. H...