02

9 1 0
                                    

8:30


Nasaan na ba 'yon? Maaga akong pumunta rito mag-isa tapos wala pa rin siya? Anong oras na, oh!


Luminga-linga ako sa paligid. Kitang kita ang buwan mula sa itaas dahil sa liwanag nito. Kita ko rin ang mga ilaw mula sa mga gusali at mga sasakyan sa high way. Ang mga taong dumaraan ay wala ring pakielam sa presensya ko.


"Balut!" sigaw ni Kuya na nagbebenta ng balut. "Balut!"


"Kuya pabili po!" nakangiting tawag ko. Agad naman niya akong nilapitan para pagbentahan. Kanina pa akong alas sais kumain ng dinner kaya nagugutom na ulit ako ngayon. "Dalawa po."


Naghintay pa ako ulit ng kalahating oras dito sa tapat ng 7/11. Naubos ko na ang mga balut ba binili ko kanina pero wala pa rin siya!


Paano kung hindi nga talaga niya ako sisiputin? Bakit naman kasi bigla kong naisipang sumama sa kaniya?


Hindi ko siya matawagan dahil wala akong numero niya. Wala rin naman akong balak hingiin sa kaniya iyon. Kung sa mga social media naman, malamang ay hindi niya mababasa ang message ko.


Alam kong maraming nagme-message sa kaniya sa mga social media accounts niya kaya hindi na ako nag abala pang i-message siya roon. Ganon ka-sikat ang kuya mo!


"Sineryoso mo talaga?" bahagya akong napatalon sa gulat nang biglang may nagsalita sa tabi ko. "I'll drive you home."


"Hindi ako uuwi! Nakapag-paalam na ako!"


"At pinayagan ka naman?" tanong niya. Tinanguan ko siya bilang pagsagot pero mukhang hindi siya naniniwala. "Ano bang sinabi mo?"


"Pupunta akong Tagaytay..." sagot ko. ".. kasama si Aly."


"Then where is she? Bakit hindi na lang siya 'yung isama mo?" he asked.


"Bakit ang dami mong tanong? Halika na nga!"


Nauna na akong naglakad papunta sa isang kotse. Siya na ang nagbuhat ng bagahe ko dahil sinadya kong iwan 'yon sa kaniya. Natigilan naman ako dahil hindi ako sigurado kung ito ba ang sasakyan niya.


"That's not my car." saad niya habang binubuksan ang pinto ng kotse sa kabila. Mabuti na lang talaga ay huminto ako at hindi nagpatuloy.


"Nasaan 'yung bagahe mo? May dala ka ba?" tanong ko sa kaniya. Seryoso siyang nakatingin sa daan at naka focus lang sa pagmamaneho.


"Nasa likod."


Napangiti naman ako. "May gamit ka rin palang dala, e. Tapos ang dami mo pang tanong kanina."


Hindi siya umimik at nagpatuloy lang sa pagmamaneho. Hindi na rin ako umimik dahil baka mairita lang siya sa akin at bigla akong pababain sa gitna ng highway.


Pinagmamasadan ko lang ang mga nagtataasang gusali na nadaraanan namin pati na rin mga sasakyan sa paligid namin. Kahit gabi na ay marami pa rin palang sasakyan ang nasa labas.


Huminto kami saglit dahil kulay pula ang traffic light. Pinagmasdan ko naman si Blake habang may kinukuha sa backseat.


"Sleep." he said with a deep voice. "Malayo pa tayo sa pupuntahan natin."


"Paano ka?"


"Don't worry. Nakatulog ako kanina."


Tinanggap ko ang unan at kumot na binigay niya sa akin. Napaka bango ng mga iyon. Amoy Blake Donovan.


The Moon's DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon