08

5 1 0
                                    

"Ang saya!"


Naglalakad kami ngayon ni Blake pabalik sa sasakyan niya. Kakain muna kami sa isang restaurant bago umuwi pabalik sa hotel.


"Para kang bata." natatawang saad niya.


Pabiro ko siyang inirapan. "Tapos, ikaw 'yung tatay ko."


Nagpa-reserve na pala ang binata sa restaurant na kakainan namin. Medyo maraming tao kaya buti na lang talaga ay nagpa-reserve siya.


"Sure ka na r'yan?" takang tanong sa akin ni Blake nang makita ang inorder ko. "Akala ko ba gutom ka?"


"Gutom nga." saad ko. "Pero ito lang talaga 'yung feel kong kaninin ngayon. Steak."


Nagku-kuwentuhan lang kami ni Blake habang kumakain. Nasa may parang balkonahe kaming part at tanaw na tanaw mula sa amin ang Taal Volcano. Maganda ang view at mahangin din.


"Wanna wear my hoodie?" he asked.


"Hindi na. Okay lang sa akin 'yung lamig."


"Are you sure?" tanong niya ulit. Tumango lang ako bilang pagsagot. Nakasuot kasi ako ng dress pero nakalimutan ko namang dalhin ang jacket ko. Sa sobrang pagka-excite sa fireworks kanina ay nakalimutan kong nasa Tagaytay nga pala ako.


Naka akbay sa akin ang binata habang kami ay papunta sa parking lot. Nang matapos kaming kumain ay hindi na rin kami nagtagal doon.


"Inaantok ka na ba?" tanong ko sa kaniya. Siya naman ay abala sa pagkakalikot sa kaniyang sasakyan. "Uy, Blake!"


"Teka lang.." saad niya bago napaandar ang kotse niya. "Ano nga ulit 'yon?"


"Inaantok ka ba, kako."


"Hindi pa naman." sagot niya habang tutok sa pagmamaneho. "Bakit?"


"Inom tayo."


Nagahari ang katahimikan sa aming dalawa. Hanggang sa makarating kami sa isang 7/11 na malapit sa amin. Hindi na niya ako pinababa ng sasakyan at siya na lang daw ang bibili. Hinintay ko naman siya hanggang sa makabalik siya.


"Saan tayo?" he asked.


"Doon ulit sa pinuntahan natin kagabi." sagot ko. "Masarap tumambay roon dahil payapa."


Nakita ko ang bakas ng pagtataka at pag-aalala sa kaniyang mukha. "May problema ba, Selene?"


"Wala naman.." saad ko. "Gusto ko lang maging masaya... ng tuluyan."


"I'm always here for you. You can always talk to me if you want."


"Thank you."


Hanggang sa makarating kami roon ay wala kaming imik. Hindi nagsalita si Blake at parang pinagmamasdan lang ako. Pinapakiramdaman niya ako.


"Sobra talaga akong nagpapasalamat sa'yo, Blake." panimula ko. Uminom ulit ako ng beer bago magsalita. "Napansin kong ibang iba ako ngayon kaysa noon."


"Dahil ginusto mo." saad naman niya. "Desisyon mong magbago para sa sarili mo, Selene. 'Wag mong isiping ako ang may gawa niyan sa'yo dahil kasama mo lang ako sa journey mong ito."


Nginitian ko siya. "Hindi ganito 'yung ini-imagine kong mangyayari sa linggong ito. Ang plano ko ay mahiga at magmukmok lang sa kwarto ko. Hindi ko inaakalang maratanasan ko rin palang maging masaya. Kahit papaano, naranasan kong mabuhay ng walang inaalalang sakit mula sa nakaraan."


"You can have your own peace of mind and peace of heart whenever you want. It's your choice, Selene. Sa'yo nakasalalay kung kailan mo gustong iwanan lahat ng nangayari sa nakaraan."


He's right. Ako lang naman ang nagkukulong sa sarili ko sa nakaraan. Wala akong tiwala. "And I think this is the right time. Ilalabas ko na lahat. Kahit malaman mo... no judgement naman, 'di ba?"


He smiled. "No judgement. I'm here to listen."


Isang mahabang buntong hininga ang ginawa ko bago simulan mag kwento. "I was seven when I lost both of my parents. I was seven when I experienced being sexually abused by the husband of my aunt. Sa murang edad, naranasan ko lahat ng 'yon."


Hindi ko maiwasang hindi maiyak habang kinukwento ko sa kaniya ang mga 'yon. Pero ang iniisip ko na lang ay para sa akin din 'to. Pagkatapos kong mailabas lahat ngayong gabi, magmo-move on na ako.


Iiwanan ko na ang nakaraan ngayong gabing ito.


"And it was my birthday. Nangyari ang mga iyon noong kaarawan ko. Sa araw ng kaarawan ko na sana puro saya lang ang mararamdaman ko."


"I'm sorry to hear that..." he whispered.


"That night, I was sleeping peacefully. Nagpapahinga dahil naubos ang energy ko sa party. That night, I was sexually abused. Imagine? Seven lang ako non!"


He remained silent. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala at lungkot. Naging attentive lang siya sa kwento ko. Ako naman ay walang tigil sa pag-iyak habang nagku-kuwento.


"I was only seven years old when I experienced that." I cried. "Noong gabing iyon, iniligtas at pinagtanggol lang ako ng Daddy ko sa gagong 'yon. Pero... pero ang gagong 'yon ang kumitil ng buhay ng Daddy ko. Sa harap ng asawa niya, ng Mommy ko, at sa harap ko."


"Selene..."


"Nasaksihan ko ang pagkamatay ng Daddy ko, Blake. Kitang kita mismo ng dalawang mata ko. Sobrang sakit..."


Agad niya akong dinaluhan at saka niyakap ng mahigpit. May mga binubulong siya sa akin na hindi ko maintindihan dahil na rin sa pag-iyak ko.


"Hush now, Selene. Don't force yourself to remember all of your pains before kung hindi mo talaga kaya.."


"No, Blake. It's okay." umiiling kong saad. "Tanging si Mommy na lang ang meron ako noong panahon na iyon pero pati siya ay binawi sa'kin..."


"Selene.."


"Both of them... wala na. 'Yung lakas ko, 'yung pinakamamahal ko, binawi sa akin agad."


Naramdaman kong mas humigpit pa ang takap sa akin ni Blake. Pinunasan niya rin ang aking mga luha na patuloy pa rin sa pag-agos.


"Naging masaya rin naman ako pero parang may kulang pa rin. Sa mga oras na masaya ako, natatakot akong baka may kapalit. Tulad ngayon." saad ko. Unti-unti kong pinapakalma ang sarili ko. "Pero pinipilit kong isipin na ang sayang nararamdaman ko ngayon ay wala nang kapalit. Iniisip kong deserve ko ang kasiyahang nararamdaman ko ngayon."


"Yes, Selene." he said with a low voice. "You deserve to be happy. You deserve the happiness that you want. Pati na rin ang kapayapaan sa iyong puso na matagal mo nang gusto."


"We all deserve all of the happiness in this world."


Katahimikan ulit ang naghari sa aming dalawa. Nanatili pa rin siyang nakayakap sa akin habang ako naman ay pinapakalma ang sarili.


Nararamdaman ko na ang gaan ng pakiramadam ko matapos kong mailabas lahat. Ngayon ko lang na-open up ito sa iba. Si Aly kasi ay nalaman niya lang ang tungkol dito dahil kay Tiya Morie.


"Are there also times when... you think of committing suicide?" he asked while looking at me.


"Palagi." sagot ko. "Pero pinipigal ko ang sarili kong gawin ang bagay na iyon dahil sinasabi ko sa sarili ko na balang araw, magiging masaya rin ako. Na balang araw, magiging okay na rin ako."


"Please don't ever do that." he whispered. "Always remember that I'm here, okay? Ako na lang ang saktan mo 'wag lang ang sarili mo."

The Moon's DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon