"Ang daya mo talaga, Blake! Hindi mo ako sinama pero siya, oo."
Naging maayos na ang lahat. Nawala na ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Ang magkaibigan ay nag-uusap doon sa kama ni Blake.
Tinignan ko ang temperature ni Blake kanina. Wala na itong lagnat kundi sinat na lang. Pagkatapos naming mananghalian kanina ay pinainom ko siya ulit ng gamot kahit ayaw niya.
"Makulit ka kasi." pang-aasar niya kay Gabo. "Kanina ka pa nanggugulo rito, ah? Wala ka bang balak umuwi?"
"Grabe ka talaga! Hindi pa ako nagtatagal dito!"
"Anim na oras ka na nagkukwento ng kung ano sa amin. Hindi mo na ako hinayaang magpahinga."
Nanlaki ang mga mata ni Gabo sa sinabi ng binata na tila ngayon lang niya napagtanto na kailangan nitong magpahinga. "Hindi ka pa naman mamamatay. Masamang damo ka kaya."
Hinayaan ko lang ang dalawa na mag-usap. Ako naman ay humiga lang sa aking kama at nag scroll lang sa social media. Nagpost din ako ng mga larawan ko kahapon mula sa Picnic Grove. Hindi ko na pinost ang larawan naming dalawa ni Blake dahil baka may makakakita.
Nag chat din kami ni Aly noong online siya. Nangamusta ulit at nagpakwento sa akin. Pinagbigyan ko naman siya para hindi na mangulit. Napatagal ang usapan namin at hindi ko na namalayan ang oras.
"Freyja," tawag sa akin ni Gabo. "Uuwi na ako. Salamat kasi tinuro mo kung nasaan si Blake ngayon."
"Wala 'yon!" nginitian ko siya. "Ingat ka sa daan. Sana hindi ka abutan ng dilim."
"Salamat."
Naka-ilang paalam pa siya sa amin bago tuluyang umalis. Ako na lang ang naghatid sa kaniya pababa sa lobby dahil gusto nang magpahinga ni Blake.
Pagbalik ko sa kwarto ay naabutan kong mahimbing na natutulog si Blake. Hindi siya natulog kanina para magpahinga dahil may bisita siya.
Napalingon ako sa kama ko kung masaan ang phone ko. Nagriring ito at nang tignan ko kung sino ang tumatawag ay si Tiya Morie iyon.
"H-hello?" kinakabahang sagot ko. Alam niya kayang hindi ko kasama si Aly ngayon? Paano kung alam niya? Anong gagawin ko?
"Hello pamangkin!" masyang bati niya mula sa kabilang linya. "Kamusta ang bakasyon niyo?"
Huminga ako ng malalim. "Ayos lang po, Tiya. Nagsasaya po kami."
"Nakita ko ang pinost mo sa account mo, hija. Hinihintay ko nga ring mag post si Alyssa ng kaniya."
"H-hindi po siya kumuha ng litrato kahapon, e." pagpapalusot ko. "Hindi naman po siya pala-picture."
"Ikaw din naman." saad niya. "Sigurado ka bang nag-eenjoy ka?"
"Opo, Tiya." sagot ko. "Bakit po pala kayo napatawag? Wala ka po sa opisina?"
"Maaga akong umuwi." narinig ko ang paghinga niya ng malalim. "Tumawag ako para ibalita sa'yo ang kaso ni Miguelito."
Kusa akong natigilan nang marinig ang pangalan na iyon. Matagal bago ako naka-recover sa pagkatigil sa kadahilanang hindi ko alam. Lahat ng emosyong nararamdaman ko noong araw na iyon ay unti unting nagsisibalikan.
Si Miguelito ang asawa ni Tiya Morie... noon. Si Miguelito rin ang may kasalanan kung bakit ako nagkakaganito ngayon.
"Freyja?" bakas sa boses nito ang pag-aalala. "Ayos ka lang ba?"

BINABASA MO ANG
The Moon's Death
Teen FictionEveryone thought that Blake's life is perfect. He is famous. He is rich. He can get whatever he wants. They envy him for having that "perfect life" but they were wrong. Hindi perpekto ang buhay niya at hindi nila alam 'yon... maliban sa isang tao. H...