20

3 0 0
                                    

Dumiretso kami sa isang restaurant kasama ang magulang ni Aly. Nag celebrate kami roon at kumain. Kung gaano kami ka close ni Aly ay ganon din ang magulang niya at si Tiya Morie.


"Parang kailan lang noong una silang nagsama." kwento ni Toya Morie. "Ang liliit pa nila noon!"

Natawa ako sa sinabi niya. "Grabe naman sa maliit, Tiya! Dalaga na kami non!"


"Oo nga po, teenager na kami noon ni Freyja noong nag transfer siya." dagdag pa ni Aly.


"Pero kumpara naman noon, mas malalaki na kayo ngayon." paliwanag sa amin ng mama ni Aly. "Sana hindi mawala ang pagkakaibigan niyo kahit magkahiwalay kayo."


Agad namang umiling si Aly. "Ma, hindi ako papayag na magkahiwalay kami ni Freyja. Kung saan siya, sasama ako!"


Tanghali na rin nagsimula ang ceremony kanina kaya alas sais na ng gabi noong natapos. Alas nuebe na rin kami nakauwi ni Tiya Morie sa bahay. Nadatnan din namin si Ate Gretta na kumakain habang nakatuktok sa kaniyang laptop.


"Akala ko hahabol ka?"


Napalingon si Ate Gretta kay Toya Morie. "Sorry, naging busy lang sa school. Sorry Freyja."

"Ano ka ba, Ate? Okay lang! Naiintindihan ko naman." nginitian ko rin siya. "Akyat na po ako sa taas. Magpapahinga na po ako."


Agad akong naligo pagkarating ko sa taas. Sobrang nanlalagkit na ako dahil sa pawis kaya iyon ang una kong ginawa. Medyo nagtagal pa nga ako roon dahil naeenjoy ko ang lamig ng tubig.


Habang nagpapatuyo ng buhok, binuksan ko muna ang phone ko. Tumambad sa akin ang isang groupchat sa messenger ko na gawa ni Gabo.


Gabrielle Alvarez: Tulog na ba kayo? Inom tayo :)


Aly Perez: Ano nanaman 'to?


Gabrielle Alvarez: Groupchat. Hindi mo alam?


Aly Perez: Marunong palang magphone ang aso?


Gabrielle Alvarez: Computer gamit ko :p


Aly Perez: Ay umamim.


Kaming tatlo lang ang online mgayon pero silang dalawa lang ang nagiingay sa gc. Puro asaran lang naman kaya hindi ko na pinansin.  Baka sakaling magka developan sila roon edi masaya!


Nang sinubukan kong mag back read ay nakita ko lahat ng mga picture namin kanina. Tinignan ko iyon isa-isa habang pinapatuyo pa rin ang phone ko.


Medyo marami iyon kaya medyo natagalan ako sa pagtitingin. Hindi ko napansing nag dm pala si Blake sa akin sa instagram.


@BlakeDonovan: Congratulations to us! Btw I love your smile kanina sa stage:)


@BlakeDonovan: Are you home?


@moonlight0527: congrats din. dami mong nahakot na medals kanina ha! and yup, kakauwi lang namin.


@BlakeDonovan: Do you have any plans tomorrow? I forgot to give my gift to you.


Doon ko lang din naalala na may regalo rin pala dapat akong ibibigay sa kaniya. Dala ko 'yon kanina pero bigla akong nahiyang ibigay dahil kasama niya ang parents niya.


Simple lang naman ang regalo ko sa kaniya since hindi ko pa gaanong alam ang mga hilig niya. Ibibigay ko sa kaniya 'yong painting na ginawa ko noong masa Tagaytay kami. Siguro naman ay magugustuhan niya iyon.


The Moon's DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon