06

6 1 0
                                    

TW // Death, Gun, Abuse







"Happy birthday, Selene!"


"Thank you po, Mama!"


Sariwang sariwa pa sa akin ang lahat. Ilang taon na ang nakalipas pero narito pa rin ito at gumugulo sa aking isipan.


It was my 7th birthday. Gusto ko lang ng simpleng celebration but my parents insisted na bonggahan na. Ang dahilan nila ay ang edad ko at dahil din daw only child lang ako.


Randam na ramdam ko ang pagmamahal mula sa kanila. Lahat ng gusto ko ay binibigay nila. Palagi nila akong sinusurpresa lalo na tuwing may achievement akong nagawa. And in return, ginagawa ko ang best ko para matuwa sila sa performance ko sa school.


"Blow your candle na, anak." masayang saad ni Mama sa gilid ko. Ang mga mata ng bisita ay nakatingin sa akin. Ako ang center of attraction, ako ang bida ngayon.


Nginitian ko silang lahat bago hipan ang kandila sa cake. Nang mawala ang apoy sa maliit na kandila ay nagsi-palakpakan ang lahat. Hinalikan din ako nila Mommy at Daddy sa pisngi ng sabay.


"Thank you, Daddy. Thank you, Mommy."


"Anything for you, baby." nakangiting saad ni Daddy. Sabay sabay kaming pumunta sa aming mesa para kumain. Ang mga bisita ay inaasikaso nila Mommy at Daddy samantalang ako ay nakaupo lang.


"Bakit ayaw mong makihalubilo sa mga bata, Freyja?" tanong sa akin ni Tiya Morie na kararating pa lang. Kasama niya ngayon sila Ate Gretta, ang anak niya, at si Tiyo Miguelito, ang asawa niya."


"Happy birthday, Freyja." bati nito sa akin. "Ito ang regalo namin ng Tiya Morie mo."


"Ito rin 'yung akin." seryosong saad ni Ate Gretta. Napakalamig niyang tao sa totoo lang. Siya na nga lang ang pinsan na mayroon ako pero sa tingin mo hindi pa kami magkakasundo. "Happy birthday."


"Thank you, Po." saad ko. "Saluhan niyo na po kami rito nila Mommy."


"Akala ko hindi na kayo makakahabol, Moises Riann!" natatawang bati ni Mommy sa kanila. Nakita ko naman ang pag ngiwi ni Tiya Morie sa narinig. Ayaw niyang tinatawag siyang ganon ni Mommy.


"Tumigil ka nga, Ate! Nakakahiya!"


Nasa iisang mesa lang kaming anim. Sila ay naguusap samantalang kami ni Ate Gretta ay tahimik na kumaian lang. Isa sa pagkakaparehas namin ay ang pagiging tahimik. Gaya niya ay hindi rin ako komportable sa maraming tao.


"Let's go to your room, Freyja. I don't think kaya ko pang magtiis dito." bulong niya sa akin pero mukhang narinig iyon ni Tiya Morie.

"Let her enjoy, Gretta. It's her birthday!"


Umiling ako. "It's okay, Tiya. Nahihiya rin po ako sa mga bisita, e."


"Pero kailangan mong makihalubilo sa mga bisita mo. Baka kung anong isipin nila."


"Okay lang, Morie." nagsalita rin si Mommy. "Kami na lang bahala ni Vicente sa mga bisita."


Tatlong taon ang agwat namin ni Ate Gretta. Palagi kaming nagkakasama pero bibihira lang kaming magkausap. Tulad ko ay wala rin siyang kapatid at pinsan sa father side niya. Parang kailangan nga talaga naming piliting magsama.


"Gusto mo bang magbukas ng regalo?" tanong ko sa kaniya. Simula nang makaakyat kami rito sa kwarto ko ay wala kaming imik na dalawa.


"Sure."


The Moon's DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon