10

5 1 0
                                    

"I bought fries and ice cream. Let's eat?"


Pagkatapos naming kumain kanina sa isang restaurant malapit dito sa tinutuluyan naming hotel ay bumalik din kami. Wala rin naman kasi kaming gustong puntahan at parehas kaming wala sa mood gumala.


Narito lang kami sa hotel room namin at nagpapahinga. Bago ako makatulog ay nakita kong abala si Blake sa kaniyang phone. Hindi ko alam kung nakatulog din ba siya.


"Anong oras na?" tanong ko sa kaniya pagkabangon. Tinignan naman niya ang oras sa kaniyang relo.


"5:00 o'clock." sagot niya. "Kanina pa sana kita gigisingin kaso ang sarap ng tulog mo."


Dinaluhan ko siya roon sa maliit na table. Inaalis niya ang plastic bag kung saan nakalagay ang mga binili niya. May burger din doon at iyon ang una kong kinuha.


"Magkano lahat 'to?" tanong ko sa kaniya habang binubuksan ang wallet ko. Nakita ko naman ang bahagyang pagkunot ng noo niya. "Bakit?"


"Libre ko na."


Dahan-dahan ko namang isinara ang aking wallet. "Okay. Sabi mo 'yan, ha."


Tahimik lang kaming kumakain. Hindi siya umiimik kaya hindi na rin ako umiimik. Nakakapagtaka nga dahil sa sobrang komportable na namin sa isa't isa, ngayon na lang siya ulit naging tahimik ng ganito


"Do you have any plans tonight?" I asked.


"Wala naman." tipid niyang sagot. "Gusto mo bang lumabas?"


"Dinner tayo mamaya roon sa isang restaurant na kinainan natin kagabi." pag aaya ko. "Sagot ko naman."


"Sure."


"Ang fancy kasi roon! Gusto ko lang suotin 'yung dress na dala ko."

Tila napukaw ko ang atensyon ng binata sa sinabi ko. "Dress? You wear dress?"


Napatitig ako sa kaniya. "Uh.. actually no. Bigay lang ni Ate Gretta 'yon noong 18th birthday ko. Gusto ko lang subukan."


"Let me see." pangungulit niya.


"Simpleng dress lang 'yon!" natatawang saad ko. "Nakuha ko 'yung atensyon mo nang dahil sa dress. Magtapat ka nga sa'kin, Blake. Bakla ka ba?"


"No, I'm not." diretsong saad niya. "Nang dahil lang sa dress, iniisip mo na bakla na ako? Hindi ba pwedeng gusto lang makita? Spoiler ganon habang di pa kita nakikitang naka dress."


"Sus!" asar ko. "Okay lang naman Blake, e. Tatanggapin pa rin kita bilang kaibigan."


"Bilang kaibigan..." naiiling na bulong nito. "Straight ako."


"Isa pa, wala namang masama sa pagiging bakla. Gusto ko kayang magkaroon ng kaibigan na ganon! Ang saya ng mundo nang dahil sa kanila!"


"I agree. Our world would be miserable without them."


Naghintay lang kami ng dilim bago mag-ready para sa dinner namin. Nauna akong naligo sa kaniya dahil matagal akong kumilos.


"What are you doing?"


"Nagpa practice mag make up." sagot ko habang seryoso sa paglalagay ng lipstick. Ito na lang kasi ang huli kong gagawin para matapos na ang look ko.



Kakalabas niya lang mula sa cr. Amoy na amoy ko ang kaniyang katawan kahit malayo siya sa akin. Amoy fresh.

"Bakit?" he asked. "Let me see."


The Moon's DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon