"Akyat lang po muna ako sa taas."
Tumango sa akin si Tiya Morie habang kinukuha ang kaniyang bag sa kotse. "Sure sweetie. Magpahinga ka na muna."
Nang makapasok sa aking kwarto ay agad akong humilata. Ang sakit ng paa at likod ko! I badly need a massage!
Next time na siguro. Masyado ko nang naabala si Tiya Morie ngayong araw para abalahin ulit siya.
Kinuha ko ang phone ko para gamitin. Nang mabuksan iyon ay bumungad sa akin ang message sa akin ni Blake sa instagram. Tungkol iyon sa oras at kung saan kami magkikita para mag simba bukas.
Nakita kong online siya kaya pinindot ko ang camera mula sa itaas. Gusto ko siyang tawagan na lang dahil tinatamad na rin akong mag type.
"Napatawag ka?" tanong niya sa akin nang sagutin niya ang tawag ko. "Nakauwi ka na?"
"Oo." sagit ko. "Wala ka raw sa condo mo. Nabanggit sa akin ni Gabo kaninang nagkita kami."
"Nandito ako ngayon sa amin. Actually, nagkausap na kaming lahat kagabi. Nasabi ko na kahat sa kanila pati na rin ang gusto ko and it turned out good."
Napangiti ako sa sinabi niya. "That's great! Mabuti naman at natanggap nila?"
"Parents ko hindi pa, sila Lolo, oo." sagot niya. "Pero wala na silang choice. Finally, nakahanap na rin ako ng kakanpi sa buhay."
"I'm happy for you." dagdag ko. "Matutulog ka na ba?"
Napansin ko kasing nasa bathroom siya ngayon at nakasuot na ng pantulog. He also has a cute headband on his head para hindi maging sagabal ang hair sa kaniyang face.
Tumango ang binata. "Maghihilamos pa lang tapos hihiga na. Hindi nuna ako matutulog kasi online ka."
Napangiwi ako sa sinabi niya at napatawa. "Huh? Desisyon ko? Siraulo ka talaga! Matutulog na rin naman ako pagkatapos kong kumain."
"Oo, desisyon mo." natatawang saad niya. "Sige na, matutulog na ako. Kitakits na lang bukas."
Tumango ako sa kaniya. "Oo, sige. Matulog ka na. Bye!"
"Bye!"
Hinanda ko ang pantulog na aking susuotin mamaya pagtapos kong maligo. Kailangan kong maligo para maalis lahat ng dumi sa katawan ko. Ang init din kasi ngayon kahit gabi na.
Nang matapos ako ay sakto namang kumatok na si Tiya Morie sa pinto para tawagin akong kumain. Pinagbuskan ko naman siya at pinatuloy sa loob.
"Halika na, Freyja. Kakain na tayo." malambing niyang saad. "Oo nga pala, nandito ang nobyo ng Ate Gretta mo."
Napakunot ang noo ko. "May boyfriend si Ate Gretta? Kailan pa, Tiya?"
Nagkibit balikat ito. "Hindi ko rin alam. Kailan lang din noong nalaman ko. Ang sabi sa akin ni Gretta ay isang Teacher."
Hindi na ako hinintay ni Tiya Morie dahil kailangan niyang asikasuhin sila Ate Gretta at ang bisista. Mabilis lang ang pagpapatuyo ko sa aking buhok. Hindi ito ganon ka tuyo pero hindi rin naman ganon ka basa.
Rinig na rinig ko ang mga halakhak mula sa baba pagkalabas ko mula sa aking kwarto. Habang pababa sa hagdan ay nakita ko na agad ang boyfriend na sinasabi ni Tiya Morie ni Ate Gretta.
Napakunot pa nga ang aking noo dahil medyo pamilyar siya sa akin kahit nakatalikod. Saktong pagkaharap niya ay nagtama ang aming mga mata.
BINABASA MO ANG
The Moon's Death
Teen FictionEveryone thought that Blake's life is perfect. He is famous. He is rich. He can get whatever he wants. They envy him for having that "perfect life" but they were wrong. Hindi perpekto ang buhay niya at hindi nila alam 'yon... maliban sa isang tao. H...