03

9 1 0
                                    

"Saan tayo?"

Kakatapos lang naming kumain ng almusal. Hindi muna kami umalis dito dahil wala pa kaming planong gagawin.

"Ewan ko." sagot ko. "Picnic Grove na lang kaya?"

Napansin ko ang bahagyang pagkunot ng kaniyang noo. "Gusto mong mag picnic tayong dalawa?"

"Balita ko may horseback riding doon. Gusto ko lang masubukan."

"Boring..." konento niya.

"Anong boring? Mukha namang masaya 'yon!" giit ko. "Iyon naman 'yung purpose kaya tayo nanditong dalawa. Para magsaya.. para makalimot sa problema."

"Wala naman akong problema." naiiling niyang saad. "Sinama mo lang ako sa kabaliwan mo."

Natawa naman ako sa sinabi niya. Naalala ko noong gabing pumunta kami rito ay may dala rin naman siyang bagahe. "Prepared ka nga sa pag punta rito, e."

Wala siyang nagawa kaya pumayag na lang siya sa gusto ko. Wala rin naman siyang plano kaya hinayaan niya na lang ako.

Umuwi kami sa Hotel na tinutuluyan namin para kunin ang kakailanganin naming gamit. Dumiretso kami pagkatapos sa isang Convenience Store para bumili ng kakainin namin. Dumaan din kami sa isang Fast Food Chain para mag take out ng kakainin namin mamayang tanghalian.

"Iwan muna natin 'yang mga 'yan dito sa sasakyan mo." saad ko. "Gusto ko na sumakay sa kabayo!"

Napangiti si Blake ng bahagya sa inasal ko. Narinig ko rin ang mahinang pagtawa nito. "Para kang bata."

Pabiro ko naman siyang inirapan. "Hindi ko pa kasi naranasan. First time ko 'to, 'no."

"I have to watch you double times then. I don't want anything bad happen to you while having fun."

Napangiwi ako sa sinabi niya. "Parang bata naman ako niyan. Hello Daddy!"


"Daddy.." he chuckled.

Naiiling pa siya habang mahinang tumatawa. Ano kayang iniisip niya?

"I'm still young to be a Dad."

Hindi gaanong maaraw ngayon kaya perfect talagang sumakay sa kabayo dahil hindi ako masusunog. Hindi ko alam kung normal lang ba 'tong panahon dahil nasa Tagaytay kami o baka uulan mamaya.

"Kuya 'wag mo akong iwan dito!" sigaw ko nang nakapasan na ako sa likod ng kabayo.

"Relax lang, Ma'am." saad naman ni Manong. "Mas lalong mahuhulog ka kung hindi ka po kakalma."

Si Blake naman ay nasa gilid, kalmadong nakasakay sa Kabayo habang pinagtatawanan ako. Mukhang aliw na aliw siya sa'kin ngayong nilalamon na ako ng kaba!

"Tuwang tuwa, ha." punong puno ng uyam ang aking boses.

"Nagpupumilit ka tapos kakaba-kaba ka rin ngayon." tumatawa pa rin ito. "Baka mahulog ka."

Nakailang ikot din kaming dalawa. Habang patagal ng patagal, nasanay na ako sa taas ng kabayo kaya unti unti rin akong kumalma.

"Yabang!" asar sa akin ni Blake. "Hindi na takot, ah!"

Nginisian ko siya. "Ako lang 'to."

"Ang saya niyo naman pong tignan, Ma'am, Sir." nakangiting saad ni Manong. Hindi talaga siya umalis sa gilid ko para umalalay sa akin dahil iyon ang gusto ni Blake. "Bagay na bagay kayo."

Nanlaki naman ang nga mata ko sa sinabi ni Manong. Magsasalita na sana ako pero naunahan ako ni Blake. "Talaga Kuya?"

"Oo, Sir! Isa kayo sa mga masasayang magkarelasyon na nakita ko rito!"

The Moon's DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon