01

16 2 0
                                    

Yakap.


Isang mahigpit na yakap ang iginawad sa akin ni Blake nang mag-umpisa akong manginig dahil sa takot. Akala ko'y kumalma na rin ako noong kalmado na rin siya pero mali ako.


"Selene..." mahina niyang saad. Halos pabulong lang iyon kaya hindi ko gaanong narinig. Ramdam ko rin ang kaniyang hininga na dumampi sa aking balat.


"Nasaan na ba 'yon— Blake?!" isang boses ng lalaki ang nagpahiwalay sa aming dalawa. Bakas sa mukha ni Blake ang pagkagulat nang makita ang lalaki. "S-sorry! Hindi ko alam!"


"It's not what you think." ani Blake.


Sinulyapan ko ang lalaki. Namumukhaan ko siya dahil sa kaniyang mga mata. Siya 'yung lalaking pinagtanungan ko kahapon kung saan ang classroom ni Ma'am Abigail!

"Hindi bro... o-okay lang." nauutal nitong saad. "Kanina ka pa namin hinahanap kasi tapos na 'yung 15 minutes na break."


Nakita ko namang sumulyap si Blake sa hawak niyang phone. Tinignan siguro kung totoong tapos na ang binigay sa aming break.


"Susunod ako."


Tumango ang lalaki. "Hihintayin na lang kita sa pila, bro."


Pinagmasdan ko lang ang lalaki na maglakad papalayo sa kinaroroonan naming dalawa. Ang kaninang yakap sa akin ni Blake ay wala na rin.


Ngayon pa lang nagsi-sink in sa akin ang lahat. Ang pagpunas niya sa aking mga luha, isang mahigpit na yakap, at ang pagtawag niya sa akin ng Selene.


Kilala niya ba ako? Paano niya nalaman 'yung pangalan ko? Tama kaya ang narinig ko?


"Let's go."


"Teka.." pagpipigil ko sa kaniya. Agad naman siyang humarap sa akin. Blangko ang mukha 'di tulad kanina. "Tinawag mo ba akong Selene?"


Sinikap kong tignan at basahin ang ekspresyon ng kaniyang mukha ngunit hindi 'yon nagbago. Blangko pa rin hanggang ngayon.


"Hindi." sagot niya. "Is that your name?"


Well I guess mali lang ang pagkakarinig ko. Paano niya nga ba ako tatawagin sa pangalan ko? Hindi niya ako kilala!


"Tara na sa Gymnasium. Baka mapagalitan pa tayo ng mga teacher."


Mabagal itong naglakad samantalang ako ay halos lakad-takbo na ang ginagawa. Nilingon ko siya mula sa likod ko nang senyasan niya akong mauna na.


Ayaw niya sigurong may iba pang makakita na magkasama kami. Pati rin naman ako ay ayokong may isipin ang iba.  Mas safe na hindi nila kami makitang magkasama para wala silang isipin na masama.


"Okay ka lang ba? Namumutla ka." iyon kaagad ang bungad sa akin ni Aly.  "Ang tagal mong nag cr!"


Oo nga pala. Iyon nga pala ang alibi ko sa kaniya para makapunta sa likod ng library.


"Okay lang ako." nginitian ko rin siya para mapanatag ang loob niya. Agad naman niyang kinuha ang kamay ko na parang mau gustong makita.


"Akala ko ginawa mo nanaman..." nag-aalalang saad nito. "Pero bakit malamig 'yang kamay mo? May narinig ka bang sumigaw? Nag-panick ka ba? Kung may problema ka 'di ba ang sabi ko sabihin mo sa akin?!"


Sa sobrang tagal na naming magkaibigan, alam niya na lahat ng problema at pinagdadaanan ko sa buhay. Palagi siyang nasa tabi ko. Alam niyang kaya kong gawin ang bagay na iyon.


The Moon's DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon