Hey, Loves <3
After how many months, nakatapos ulit ako ng story!
Sobrang saya ko dahil nakapagsulat uli ako ng panibagong istorta at natapos ko 'tong isulat. Ilang beses din kasi akong nag attempt na magsulat after ng TTOH pero hindi ko naitutuloy.
Gaya ng Isla Demovara Series na sinimulan ko noong february. Binalak kong umpisahan 'yon pero palagi akong nawawalan ng idea kung paano ko maisusulat 'yon. Maybe it's not the right time. Hindi muna siguro ako magsusulat ng series sa ngayon.
Isa rin 'yong story nila Elias at Olivia na isinulat ko noong December pagkatapos ng The Tears of Heaven. Hindi ko rin 'yon matapos tapos kaya naman i-un publish ko muna. Marami rin akong babaguhin doon gaya ng tittle pero the same pa rin ang plot. May mga nagtatanong din sa akin about dito sa story na 'to. Kung kailan ko isusulat 'yon ay hindi ko pa alam.
Kung umabot ka man hanggang dito, MARAMING SALAMAT!
Thank you sa pagbabasa ng aking istorya. Salamat sa pagsuporta. Hindi sapat ang thank you sa kasiyahang nararamdaman ko ngayon. Maliit na bagay man sa iba, malaking bagay na 'to sa'kin. Pangako, pagbubutihin ko pa sa susunod.
Lahat tayo ay may pinagdaraanan sa buhay. Walang mas mabigat at walang mas magaan na problema. Kung para sa'yo ay maliit na bagay lang ang dinaramdam ng isang tao, para sa kaniya naman ay sobrang bigat na 'yon. DON'T INVALIDATE THEIR FEELINGS. Hindi tayo pare-parehas ng nararamdaman. Let's just help each other and be strong together. Let's spread positivity in our world.
Kung ano mang problema ang pinagdaraanan mo ngayon, alam kong kakayanin mo 'yan. Tiwala lang at tatagan mo lang ang loob mo. Malalampasan mo rin ang lahat ng 'yan. Hindi tayo binigyan ng pagsubok sa buhay para lang sumuko agad bagkus para tayo ay mas lumakas pa.
Enjoy your life. Pahalagahan ang buhay at oras pati na rin ang mga taong nagmamahal sa'yo. Hindi ka nag-iisa sa journey na 'to. Kasama mo kaming mga nagmamahal sa'yo.
So, paano ba 'yan? Kitakits na lang sa susunod na istorya na aking isusulat :)
Mula sa puso,
vetcheza
BINABASA MO ANG
The Moon's Death
Teen FictionEveryone thought that Blake's life is perfect. He is famous. He is rich. He can get whatever he wants. They envy him for having that "perfect life" but they were wrong. Hindi perpekto ang buhay niya at hindi nila alam 'yon... maliban sa isang tao. H...