"1...2...3... smile!"
Pagkarating na pagkarating namin nila Tiya Morie ay marami na ring mga tao rito sa venue kung saan gaganapin ang graduation namin.
"Si Aly, Freyja, nasaan na raw?" tanong ni Tiya Morie sa akin. "May regalo ako sa kaniya!"
"Parating na raw po." sagot ko. Nakailang text na rin sa akin si Aly na hintayin ko raw siya sa labas ng venue. "Sa labas po muna ako. Masyadong mainit dito, e"
Tumango sa akin si Tiya sa akin at hinayaan na akong umalis. Nang makalabas ako ay nakita ko agad si Blake. Kasama niya ngayon ang magulang niya. Pinapalibutan sila ngayon ng mga tao para magpa picture.
Napangiti ako nang makitang nakangiti si Blake. Alam kong genuine ang sayang nakikita ko sa kaniyang mukha ngayon. Masaya ako para sa kaniya.
"Tara na, magpa picture na tayo sa kanila!" rinig kong sigaw nung isang babae sa gilid ko. "Artista na 'yan, oh!"
Naibaling ko ang atensyon ko sa phone ko nang tumunog ito. Text iyon mula kay Aly. Malapit na raw talaga sila.
"Hi." napaangat ang tingin ko. Bumungad sa akin ang nakasimagot na si Andrei. "Bakit nandito ka pa sa labas?"
"Hinihintay ko si Aly." sagot ko. "Sinong kasama mo?"
"Si Mama at Papa. Pinauna ko na siya sa loob dahil hinihintay ko rin si Gabo." sagot niya. "Samahan na kita rito."
Tinanguan ko siya bilang sagot. Nilingon ko ang kaninang kinatatayuan nila Blake pero wala na sila roon. Wala na rin gaanong mga tao sa paligid namin. Baka pumasok na sila roon.
"Wow hinintay talaga ako!" natatawang saad ni Aly nang makarating siya sa kinaroroonan namin ni Andrei. Kasama niya ang kaniyang Mama ngayon. "Uy, Andrei! Hi!"
"Hello."
Agad naman akong nagmano sa mama niya. "Hello po, Tita."
"Ang ganda mong bata, Freyja! Mas lalo kang tumangkad!" saad nito. "Nasaan si Morie, Freyja?"
"Nasa loob po." sagot ko. "Tara, pasok na tayo."
Nagpaiwan muna si Andrei roon dahil hihintayin niya raw ang kaniyang pinsan. Dumiretso kami agad kay Tiya Morie tulad ng gusto ng mama ni Freyja.
"Grabe! Apat na mga beteranong artista ang nandito ngayon!" manghang saad ni Aly. "Papicture tayo!"
"Nahihiya ako." natatawang sagot ko. "Kila Blake pa nga lang kanina ay pahirapan na dahil dinudumog sila."
"Nagkita na kayo ni Blake?" tanong niya sa akin.
Umiling ako. "Hindi niya pa ako ata ako nakita pero ako oo."
Halos lahat ng tao ay napatingin sa isang babae at lalaking kakapasok lang ng venue. Base sa narinig ko sa mga bulungan ay artista rin sila. Lumapit ang dalawa sa magulang ni Blake, 'di kalayuan sa amin.
"Hoy aso!" napalingon kaming dalawa sa sumigaw. "Hindi ka ikaw, Freyja. 'Yang kaibigan mo ang tinutukoy ko!"
"Epal ka talaga kahit kailan!" iritang saad naman ni Aly. Hinila ko siya papalapit kay Gabo. "Anong problema mo?"
"Sa labas muna tayo." saad niya. "Picture tayong lima nila Blake at Andrei."
Hindi pa man kami nakakasagot ay hinila na niya kami palabas. Naabutan namin sila Blake at Andrei na naguusap.
BINABASA MO ANG
The Moon's Death
Teen FictionEveryone thought that Blake's life is perfect. He is famous. He is rich. He can get whatever he wants. They envy him for having that "perfect life" but they were wrong. Hindi perpekto ang buhay niya at hindi nila alam 'yon... maliban sa isang tao. H...