"Nag enjoy ka ba?"
Parehas kaming nakaupo, hinaharap ang direksyon ng araw. Sabay naming pinapanood ang paglubog ng araw na siya ring senyales na malapit nang matapos ang araw na ito.
Senyales na kailangan na naming maghiwalay.
"Oo naman!" nakangiting sagot ko. "Super. Ikaw ba?"
Tumango siya. "Oo naman. Kahit papaano ay nakalimutan ko ang mga problemang pasan ko. Thanks to you!"
"Ano ka ba? Wala 'yon!" natatawang saad ko. "Parehas lang naman tayo ng dahilan kaya tayo pumuntang Tagaytay. Mabuti nga at dumating ka noong gabi na iyon."
"Mabuti na lang at nahintay mo ako, kamo." naiiling pa siya havang mahinang tumatawa. "Sisipot naman talaga ako sa tamang oras noong gabing 'yon because I'm scared that there's somthing happen to you. Nagkaroon lang ng kaunting problema sa bahay kaya medyo nataglan."
"Akala ko nga hindi ka darating non! Syempre, sino ba namang sasama sa isang babaeng ngayon mo lang nakilala? Feeling ko nga na-creepy-han ka sa akin noon kasi sunod sunod tayong nagkaroon ng interaction."
Matagal bago siya sumagot. "Matagal na kitang kilala, Selene."
Nanlaki naman ang mga mata ko sa kaniyang sinabi. "Huh? Paano? Katabi nga naming klase ay hindi ako kilala, ikaw pa kaya?"
Ipinatong niya ang kaniyang palad sa taas ng ulo ko. Aba, ginawa akong aso ng loko! "Iba ka kasi sa kanila. Ewan ko, hindi ko maipaliwanag."
"Baka crush mo ako?" bito ko. "Umamim ka na, Blake. Habang wala ka pang kaagaw."
"Baliw." natatawang sagot niya. Ginulo niya rin ang aking buhok mula sa itaas. "Tara na nga! Baka abutan pa tayo ng dilim."
"Mamaya na!" pagpupumilit ko. "Last na pagsasama na natin 'to, Blake. Bukas, balik na uli sa normal ang buhay natin. Hindi mo ba ako mamimiss?"
Natigilan naman ang binata. Hindi siya nagsalita at nakatitig lang sa aking mga mata.
"Ako kasi... oo." pag amin ko. "Sobra! Sa maikling panahon na nagkasama tayo, napalapit at nasanay na ako, e."
"Mauulit pa naman siguro 'yon." giit niya. "Babalik pa tayo roon sa paborito mong restaurant na kinakainan natin, 'di ba?"
"Matatagalan pa 'yon. Syempre magiging busy tayo sa sarili nating buhay lalo na kolehiyo na tayo."
"Clingy ka pala." he smirked.
"Kilig ka naman?"
"Pwede." mas lalong kumawak ang ngisi niya.
Binaliwala ko na lang iyon at nagseryoso na ulit. "Pero seryoso, mamimiss kitang kasama. Sobrang dami kong naranasan na hindi ko aakalaing mararansana ko pala. Salamat kasi ikaw 'yung kasama ko habang ginagawa ang mga bagay na 'yon."
Marahan siyang umiling. "Hindi, ako dapat ang nagpapasalamat sa'yo, Selene. Salamat at nakasama kita kahit sa maikling panahon lang. Salamat dahil pinasaya mo ako ng sobra."
He hugged me. Isang mahigpit at mainit na yakap mula sa kaniya. Ilang minuto rin kami sa posisyon na 'yon bago kaminkunalas sa isa't isa.
"Hindi ako makapaniwalang gigising ako bukas ng wala ka na." bulong niya.
"Basta, gagawin natin ulit ito, ha? Magsasama ulit tayo. Mangako ka!"
Ngumiti siya. "Promise."
BINABASA MO ANG
The Moon's Death
Genç KurguEveryone thought that Blake's life is perfect. He is famous. He is rich. He can get whatever he wants. They envy him for having that "perfect life" but they were wrong. Hindi perpekto ang buhay niya at hindi nila alam 'yon... maliban sa isang tao. H...