18

5 0 0
                                    

"May problema ba?"


Wala na gaanong tao rito sa school nang pinayagan na kaming umuwi. Medyo nagpahuli rin ako para makausap si Blake.


Bakas sa kaniyang mga mata ang pagtataka. "Wala naman. Bakit?"


"Wala." huminga muna ako ng malalim. "Hindi lang ako sanay sa silent treatment mo sa'kin."


Lumapit naman siya sa akin at kinuha ang kamay ko. "Ayoko lang na pag-usapan ka ng iba nating schoolmates, Selene. Alam kong hindi ka sanay at ayaw mong maging center of attraction."


"Akala ko... may problema. Hindi ganiyan 'yung Blake na nakilala ko, 'no!"


"Nag iingat lang." ngumiti siya sa akin. "Tara? Ihahatid na kita. Baka maabutan ka pa ng dilim."


"Paano ka? Baka hanapin ka sa inyo." medyo nag aalangan pa ako lalo na at aabutan talaga siya ng dilim sa magmamaneho pauwi sa kanila.


"It's okay. Kaya ko naman."


"Graduating pa naman tayo! Lapitin tayo ng disgrasya!"


Mahina siyang natawa sa akin. "H'wag kang magpaniwala na mga ganiyan. Pustahan, makakarating pa tayo sa araw ng graduation natin."


"Pero baka may makakita sa atin—"


Hindi na niya hinayaang matapos ang sinasabi ko. "Kaunti na lang ang tao, Selene. Ang mga narito ay wala nang pakielam sa atin."


Agad niya akong pinagbuksan ng pinto nang makarating kami sa tapat ng kaniyang kotse. Masyado siyang mabilis maglakad kaya naunahan niya ako.


"How's your day?"


"Okay lang naman. Napagod kaka martsa at kakaakyat sa stage." kwento ko. "Tapos alam mo ba? May mga nagtatanong sa akin kung totoo raw ba 'yung chismis sa atin. Iniiwas ko naman agad ang topic na 'yon."


"Bakit?" tanong niya. "Sabihin mong totoo kapag tinanong ka ulit."


Agad ko naman siyang tinignan ng masama. Sinamahan ko pa iyon ng hampas. "Siraulo ka talaga! Edi mas lalong pag-uusapan tayo! Sobrang uncomfortable kaya!"


"I'm just kidding! Ang sakit mong mamalo, ha!" madramang saad niya.


Hanggang sa labas lang ng subdivision namin niya ako hinatid para diretso na siya sa kanila. Naglakad na lang ako hanggang sa bahay namin.


Kinabukasan, ganon pa rin ang nangyari. Ramdam ko pa rin ang mga tingin ng iba naming kaklase. May mga bulong din akong naririnig.


Ito na ang huli naming practice para sa graduation namin bukas. Half day lang kami ngayon para naman daw makapagpahinga kami.


"Ano ba talaga kayo ni Blake?" tanong sa akin ng isang babae. "Kayo ba? As far as I know, hindi ka naman ganon kainteresado sa mga tao."


"Paano mo naman nasabi?" tanong ng kaibigan niya.


"I just feel it." maarte niyang sabi. "We're classmates noong Grade 8 hanggang 10. She's just always with her friend and never nakihalubilo sa iba."


"But now, she's even friends with Gabrielle and Blake." isa pa niyang maarteng kaibigan ang nagsalita. "O baka naman isa sa kanila ang boyfriend mo?"


Hindi ko alam kung anong purpose ng mga ito ngayon. Hindi ko rin alam kung bakit hayok na hayok silang malaman kung ano bang koneksyon ko kay Blake. Masyado na ba silang bored sa buhay nila? Ni hindi ko nga sila kilala!


The Moon's DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon