17

3 0 0
                                    

Ramdam na ramdam ko ang mga tingin ng mga tao sa paligid ko pagkapasok ko sa school. Hindi ko naman alam kung bakit.


"Aly!" sigaw ko nang maabutan si Aly sa tapat ng classroom namin.


Napalingon siya sa akin. Agad naman niya akong hinila papunta sa loob. "Bakit ka pinagtitinginan? Hindi naman baliktad yung damit mo, hindi ka rin naman madumi. Bakit?"


"Hindi ko alam." saad ko. "Hayaan na lang natin sila."


Pati mismo mga kaklase namin ay pinagtitinginan ako. Tuwing nahuhuli ko naman silang nakatingin sa akin ay agad silang iiwas. Mga siraulo.


"Balita ko may girlfriend na raw si Sir Ethan." dinig kong bulungan sa bandang likuran namin sa pila.


Napalingon si Aly sa mga iyon at bakas sa kaniyang mukha ang pagtataka. Hindi rin nagtagal ay nilingon niya ako at binulungan. "May girlfriend si Sir Ethan?"


Medyo nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin konba sa kaniya o hindi. Ang bili kasi sa akin ni Ate Gretta ay 'wag munang ipagsabi o 'wag ko sang maikwento ang tungkol sa kanilang relasyon. Baka raw iba ang isipin nila.


Estudyante pa lang si Ate Gretta samantalang teacher na si Sir Ethan. Parang Student-Teacher Relationship ang drama nila. Hindi ko alam kung okay lang ba 'yon dahil hindi naman estudyante ni Sir si Ate. Isa pa, graduating naman na si Ate ngayon.


"Ewan ko." sagot ko. "Bakit? Crush mo rin ba si Sir Ethan?"


Defensive namang sumagot si Aly sa akin with matching hampas pa. "Hindi ah! No way! May iba akong crush."


"Sige, sabi mo 'yan." natatawang saad ko.


Nagsimula nanaman ang mga bulong bulungan ng iba nang makitang naglalakad si Blake kasama ang mga kaibigan. Nagtama ang aming mga maya kaya agad akong umiwas. Bigla na lang akong nakaramdam ng hiya dahil na rin siguro maraming tao ang nakapalibot sa amin.


"Parang may secret relationship naman kayo." natatawang bulong sa akin ni Aly. "Nakita ko 'yon."


"Tumigil ka nga!"


Nagsimula na kaming magpractice magmartsa para sa graduation namin sa isang araw. May mga ibang estudyante rin dito na galing sa lower grade para manoon sa amin.  Vacant time siguro nila.


Nang bigyan kami ng break, pumunta kami ni Aly sa Cafeteria para magmeriyenda pero nang makarating doon ay wala rin kaming natipuhan na pagkain.


"Freyja!" napalingon ako sa sigaw na iyon. Paglingon ko ay nakita ko si Gabo kasama si Blake at ang isa pa nilang kaibigan ata.


Napansin ko naman ang mga tinginan at bulungan ng iba nang lumapit silang tatlo sa amin ni Aly. Iniisip ba nila na may gusto sa akin si Gabo? Ano naman sa kanila?


"Sabay na tayong limang kumain." pag aaya niya.


Nginitian ko naman siya. "Paalis na sana kami ni Aly kasi wala kaming mapili."


"Ah.. ganon ba? Mamayang lunch sabay tayo!"


Agad naman akong tumango. "Sige! Kita na kang tayo sa gate mamaya."


Nakailang paalam pa kami ni Gabo sa isa't isa bago kami nakaalis. Dumiretso na lang kami ni Aly sa classroom namin dahil mainit.


"Pumayag ka agad nang hindi ako tinatanong." saad ni Aly pagkarating namin sa room.


The Moon's DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon