"Where's your son, Belinda?"
Iyon kaagad ang narinig ko habang pababa sa dining area. If only I have choice, hindi ko na pipilitin pang makihalubilo sa mga kaibigan ng magulang ko.
I'm tired of being nice to others. I feel like I need to be perfect in their eyes. I feel like once I did something wrong, matinding parusa ang ibibigay sa akin ng aking magulang.
"Oh, there he is." she said happily. "Blake, son, come and join us!"
As usual, na sa'kin na ang kanilang atensyon. Growing up, ang atensyon ng mga tao ay nasa akin at sobrang saya nila Mommy dahil doon.
They want me to be like them even though I don't see myself being in the crowd, the center of attraction, nabubulag sa maliliwanag na ilaw na nagmumula sa mga camera. Ayoko non. I just want to live my life... simple and happy.
"Sobrang artistahin ng anak niyo ni Levin, Belinda! Pwedeng pumasok sa showbiz!" saad ng isang ginang, isa sa mga kaibigan ni Mommy.
Ngumiti naman si Mommy sa kanila. "Well, we are planning. He wants to be like us kaya naman sino kami para pigilan siya sa gusto niya, right?"
Kung pwede lang umirap ay kanina ko pa ginawa. Limitado lang ang pwede kong gawin sa harap nila. Ang ngumiti at sumang-ayon sa kagustuhan nila.
Gusto kong matawa sa sinabi ng aking ina. Alam nilang ayokong pumasok sa showbiz. Alam din nila sa sarili nila na pinipigilan nila ako sa bagay na gusto kong gawin.
"Really?" hindi makapaniwalang tanong ng isa pang babae. "Good choice, hijo. I know you will make it far lalo na you have the looks, the talent, and you're smart! Idagdag mo pa na ang mga magulang mo ay sikat na sikat!"
Pinilit kong ngumiti sa kanila. "Thank you po."
They expect me to be like them. They want me to be one of them. Never nilang tinanong kung gusto ko ba ang gusto nila. Never nila akong tinanong kung okay lang ba sa akin at kung masaya ba ako sa desisyon nila para sa akin.
Sobrang taas din ng expectation nila. They don't accept mistakes. Hindi ko alam kung anak ba talaga nila ako o kahit kailan man lang ba ay tinuring ba nila akong anak.
"Bakit ka nakasimangot?" Gabo asked me when he saw me walking. Gabo is my friend.
A lot of people envy me because I am living a 'perfect life' daw. But to be honest, I envy Gabo for having a happy life.
Parehas lang naman kaming anak ng isang artista pero never siyang pinilit ng magulang niya na sumunod sa yapak nila. They are always there for him. Sila mismo ang naghahatid at nagsusundo sa kaniya sa school, sila mismo ang kumukuha ng report card niya, and everytime may sasalihan si Gabo ay nandoon sila para suportahan siya.
Hindi ko maiwasang hindi ipagkumpara ang buhay niya sa buhay ko. I wish I am living the same life like him. I wish I have parents like his.
"Bakit pa nga ba sa tingin mo.." sagot ko.
Tinapik naman niya ang aking likod. His big smile flashed in his face. "Okay lang 'yan, bro! Magiging maayos din ang lahat."
I wish I can smile genuine like him. Iyong akin kasi... masyadong pilit.
"I wish."
"Ah— oo nga pala," pagbabago niya sa topic. "Saan ka magaaral sa Highschool?"
Napaisip naman ako bigla. "I don't have any plans yet. Baka sila Mommy na ang bahala roon. Sila naman ang nagdedecide lang para sa akin."
![](https://img.wattpad.com/cover/264543458-288-k172840.jpg)
BINABASA MO ANG
The Moon's Death
Teen FictionEveryone thought that Blake's life is perfect. He is famous. He is rich. He can get whatever he wants. They envy him for having that "perfect life" but they were wrong. Hindi perpekto ang buhay niya at hindi nila alam 'yon... maliban sa isang tao. H...