"Patingin!"
Nandito kami ngayon ni Aly sa Sm North Edsa. Nabanggit ko sa kaniya ang tungkol sa pag follow sa akon ni Blake sa instagram kaya ngayon ay kinukulit na niya ako. Hindi ko pa nai-check kaya 'yon agad ang unang ginawa ni Aly nang magkita kami.
"Legit nga! Account nga niya!" saad niya. "Verified, oh!"
Sinilip ko iyon at nakitang siya nga ang nag follow sa akin. Uhm.. okay? Thank you? Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Parang wala naman dapat dahil follow lang naman. "Follow back mo nga."
Mahinang natawa si Aly. "Hindi mo pala siya fina-follow? Grabe! Ikaw lang talaga ang kilala kong walang epekto kay Blake."
"Wala naman talaga siyang epekto sa akin." saad ko. "Lalo na ngayon. Kaibigan lang ang turing ko sa kaniya."
Inaya ko siyang tumawid papunta sa Trinoma. Nang makarating doon ay agad kaming pumunta sa food court para kumain ng tanggalian.
"Freyja!" napalingon ako sa pamilyar na boses na iyon. Paglingon ko ay nakita ko si Gabo, nakangiti habang kumakaway sa akin. "Mag isa ka lang?"
Umiling ako sa kaniya. "Kasama ko si Aly, kaibigan ko. Nagoorder lang siya ng pagkain namin. Ikaw, mag isa ka lang?"
Tumango naman siya. "Oo, may binili lang. Kailan pala kayo nakauwi ni Blake? Pinuntahan ko kasi siya sa condo niya pero wala siya roon."
"Baka umuwi sa kanila." saad ko. "Kahapon lang kami nakauwi.
"Sige na Freyja, una na ako." pagpapaalam niya sa akin. "Kitakits na lang sa lunes sa school."
Nginitian ko siya. "Sige. Ingat ka!"
Nakaalis na si Gabo lahat-lahat ay wala pa rin si Aly. Binuksan ko muna ang phone ko at sakto naman nakita ko ang message sa akin ni Blake sa instagram.
@BlakeDonovan: Ang swerte mo naman. Ako pa ang unang nag follow sa'yo.
Mahina akong natawa. Nagtipa ako ng isasagot ko sa kaniya. Grabe! Hanggang dito ba naman ay mang aasar siya!
@moonlight0527: crush mo lang ako, e. umamim ka na kasi, blake.
@BlakeDonovan: Wow online! Nasaan ka?
@moonlight0527: secret. miss mo nanaman ako.
@BlakeDonovan: i miSs ü pHoEsCxz, Miss Moonlight 0527 :)
Napatawa ako bigla sa sinabi niya. Mahuti na lang at hindi masyadong napalakas dahil sure akong pagtitinginan ako ng mga taong kumakain dito.
@moonlight0527: HAHAHAHA NARIRINIG KO BOSES MONG PANGIT!
@BlakeDonovan: Walang pangit sa akin, Selene. Masyado akong biniyayaan bago ako bumaba rito sa lupa.
@moonlight0527: feeling mo. mukha kang lupa.
"Ang haba ng pila, grabe!" napaangat ako ng tingin sa boses ni Aly. Kararating niya lang habang bitbit ang tray ng pagkain namin. "Sino 'yung lalaking kausap mo kanina? Parang pamilyar, e"
"Si Gabo, kaibigan ni Blake." sagot ko. "Pamilyar siguro siya sa'yo kasi schoolmate naman natin siya."
Tumango naman ang babae. Parang may gusto pa siyang sabihin pero nanatili na lang siyang tahimik.
Napatingin ulit ako sa aking phone nang tumunog ito ng tuloy-tuloy. Messages lang naman iyon ni Blake. Hindi ko alam kung clingy ba siya o sadyang nang aasar lang siya.
BINABASA MO ANG
The Moon's Death
Teen FictionEveryone thought that Blake's life is perfect. He is famous. He is rich. He can get whatever he wants. They envy him for having that "perfect life" but they were wrong. Hindi perpekto ang buhay niya at hindi nila alam 'yon... maliban sa isang tao. H...