"I'm just enjoying my life! Bawal ba 'yon?!"
Nagising ako sa malakas at galit na boses na iyon. Nakita ko ang galit na ekspresyon ni Blake habang may kausap sa kaniyang phone.
"Masisira? Edi mas maganda!" dagdag niya pa. "Hindi ko naman ginusto 'to in the first place."
Sumulyap siya sa gawi ko. Nakita niya akong gising na kaya nginitian niya muna ako bago umalis sa kwarto. Matagal bago ako bumangon dahiln sinusubakan kong kunin ang tulog ko ulit pero hindi ko nagawa. Nang magising na ng tuluyan ang aking diwa ay bumangon na ako para mag ayos ng sarili.
"Sorry." napalingon ako sa boses na nagmumula sa may pintuan. "Nagising ba kita?"
"Hindi naman." saad ko habang inaayos ang aking higaan.
"Let's eat. Nagugutom na ako."
Nag-ayos lang ako saglit bago kami bumaba para umalis. Pumunta kami sa Lugawan kung saan kami kumain noon para mag almusal. Mabuti na lang dahil nagc-crave ako ng lugaw ngayon.
"Gusto ko pa." bulong ko. "Hintayin mo ako, ha."
Natatawa naman itong tumango. "Takaw!"
Tinignan ko naman siya ng matalim bago umorder ulit ng lugaw. Tinanong ko pa nga siya kung gusto niya pero humindi siya. Okay! Basta ako, magpapakabusog lang ako.
"Picture-an kita."
Napatingin naman ako sa kaniya bigla. Ang pagkaing isususbo ko na sana ay naiwan sa ere. "Ayoko nga! Mamaya na!"
Hindi niya ako pinansin at saka itinutok sa akin ang phone niya. Bago pa ako nakapag-react ay nagflash na ang kaniyang phone. Tumatawa naman ito habang tinitignan ang litrato.
"Ang saya mo, ha. Baka maging kaligayahan mo ako niyan."
Naramadaman ko siyang natigilan bigla dahil sa aking sinabi. "Hindi pa ba?"
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Masyado iyong mahina kaya hindi ko gaanong narinig. "Ha? Ano 'yon?"
"Wala! Sabi ko oo kasi clown ka!"
Inabot ko naman siya para pabirong batukan. Nagkunwari naman akong nagalit sa sinabi niya. "Ayoko nang kumain. Bahala ka r'yan."
Wala siyang sinabi at patuloy akong tinawanan. Grabe naman 'tong lalaking 'to! Ako na nga ata ang source of happiness!
"Saan tayo?" tanong niya sa akin.
"Sa mall." tipid kong sagot. "Hindi ko feel maglibot ngayon. Punta lang tayo sa mall saglit at may bibilhin ako."
Nakita ko naman ang pagkunot ng kaniyang noo sa salamin. Tutok pa rin ito sa daan habang nagmamaneho. "Anong bibilhin mo?"
"Art supplies." sagit ko. "Baka meron. Gusto kong mag paint, e."
"You paint?" manghanag tanong niya. "Hindi ko alam 'yon, ha."
"Wala ka naman atang alam sa akin." saad ko. "Last week lang tayo nagkasama at nagkausap, no!"
As usual, nagku-kuwentuhan lang kami habanag nasa byahe. Paminsan minsan din ay inaasar ako ni Blake. Ano pa bang bago?
Pinilit ko siyang magpaiwan na lang sa parking. Saglit lang naman ako at mabuti na lang ay pumayag siya. Ako nanaman ang nanalo sa pagtatalo namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/264543458-288-k172840.jpg)
BINABASA MO ANG
The Moon's Death
Novela JuvenilEveryone thought that Blake's life is perfect. He is famous. He is rich. He can get whatever he wants. They envy him for having that "perfect life" but they were wrong. Hindi perpekto ang buhay niya at hindi nila alam 'yon... maliban sa isang tao. H...