Umagang umaga ay natataranta na ako at hindi malaman kung anong gagawin. Paano ba naman? Nang magising ako ay napansin ko ang nanginginig na si Blake. Inaapoy siya ng lagnat at hindi ko alam ang gagawin!
"Kasalanan ko 'to, e..."
Nagpa room service na lang ako para sa agahan naming dalawa. Gusto ko sanang ipagluto siya ng mainit na soup para gumaan ang kaniyang pakiramdam pero wala namang gamit dito sa kwarto namin.
Tinignan ko rin ang aking mga gamit kung nadala ko ba ang mga gamot ko. Mabuti na lang at naidala ko iyon at may natirira pang paracetamol. Ito naman ang pinapainom sa akin tuwing may lagnat ako noon pa lang kaya ito na lang din ang ipapainom ko kay Blake.
Hindi nagtagal ay dumating na ang agahan namin. May soup doon dahil isa iyon sa nirequest ko. Agad ko namang ginising si Blake para makakain na't makainom na rin ng gamot.
"Blake, gising na."
Ramdam ko ang init ng katawan niya nang hawakan siya mula sa kaniyang kamay. Unti-unti rin siyang dumilat pagkatapos ng ilang beses na paggising sa kaniya.
Hirap siyang bumangon dahil sa sama ng pakiramdam. Hindi rin siya nagsalita at hinayaan akong tulungan siyang bumangon.
"Kumain ka para makainom ka ng gamot." saad ko. "Sobrang sama ba ng pakiramdam mo?"
"Oo.." namamaos ang kaniyang boses.
Umupo ako sa gilid niya para masubuan siya ng maayos. Kusa naman siyang ngumanganga tuwing susubuan ko siya. Hinang hina talaga siya ngayon.
"Kasalanan ko talaga 'to, e." paninisi ko sa sarili. "Sana hindi na lang kita pinilit maligo sa ulan kahapon!"
"Don't blame yourself. It's okay."
Umiling ako. "Hindi 'to okay. Nang dahil sa akin, nagkasakit ka!"
Pinilit niyang ngumiti. "Gagaling din ako."
Pagkatapos kumain ay tinanong ko siya kung kaya niya bang tumayo para pumunta sa cr. Wala kasing tabo o kahit anong bagay na pwede kong lagyan ng tubig na ipangpupunas sa kaniya.
"Kailangan pa ba 'to?" tanong niya. Nakaupo siya sa isang stool sa gilid ng bath tub.
"Oo para maalis 'yung init sa katawan mo." saad ko. "Kaunting tiis lang."
Gamit ang bimpo, pinunasan ko siya ng maligamgam na tubig. Nag insist siya na siya na lang ang magpupunas pero hindi ako pumayag. Kailangan ko siya alagaan ngayon.
Nang matapos ay pinilit ko siyang magpalit ng damit. Alam kong hindi niya na kaya dahil sa tindi ng sama ng pakiramdam niya pero pinilit ko pa rin siya para maalis ang init ng katawan niya mamaya.
"Water please." nanghihinang utos niya sa akin nang mainom na ang gamot. Ibinigay ko iyon at hinintay hanggang sa maubos niya ang nasa baso.
"Magpahinga ka na."
"Sorry hindi tayo makakapasyal ngayong araw."
Malungkot ko siyang nginitian. "Huwag kang mag sorry sa akin dahil kasalanan ko kung bakit ka may sakit ngayon."
"Don't blame yourself sabi, e." saad niya. "Paano ka ngayon? Anong gagawin mo?"
"Aalagaan ka."
Hindi rin nagtagal nang makatulog ang binata. Napagpasyahan kong umalis muna saglit para makabili ng pagkain namin mamayang tanghali. Mabuti na lang at may mga jeep di kalayuan dito sa Hotel.

BINABASA MO ANG
The Moon's Death
Fiksi RemajaEveryone thought that Blake's life is perfect. He is famous. He is rich. He can get whatever he wants. They envy him for having that "perfect life" but they were wrong. Hindi perpekto ang buhay niya at hindi nila alam 'yon... maliban sa isang tao. H...