07

6 1 0
                                    

"Ahhh!"


Rinig na rinig mula rito si ibaba ang sigaw ng mga kababaihang nakasakay sa zip line. Narito kami ngayon ni Blake sa Sky Ranch para mamasyal ulit.


"Zip line tayo!" pag-aaya niya sa akin. "Libre ko."


"Ikaw na lang." pagtanggi ko. "Takot ako sa heights."


Isang ngising aso ang gumuhit sa kaniyang mga labi. "Edi mas masaya!"


Ilang beses akong tumanggi sa kaniya pero masyado siyang makulit. Kinonsensya pa nga ako ng loko na pumuyag naman siya sa trip kong maligo sa ulan noong isang araw. Isang malaking ngiti ang nasa kaniyang mukha ngayon nang pumayag ako sa gusto niya.


"Isigaw mo lahat ng takot, sama ng loob, at problema mo rito. Gagaan 'yung pakiramdam mo."


Pabiro ko naman siyang inirapan. "Sasakit naman 'yung lalamunan ko."


"Masaya 'to!"


Inalalayan kami ng mga crew habang isinusuot ang mga kung ano man ito sa katawan namin. Si Blake ay nakangiti na parang hindi natatakot samantalang ako ay kabaligtaran ng kaniya.


"Ready?" he asked.


I nodded. "Wala nang choice, e. Naikabit na ito lahat sa katawan ko."


Unang itinulak ng isa sa mga crew si Blake. Medyo nawala ang kaba na aking nararamdaman ng makita siyang nag-eenjoy. Ang sigaw niya ay walang halong takot.


"Ready na po ba, Ma'am?" tanong nila sa akin. Isang tango ang isinagot ko sa kanila. Bumilnang sila ng tatlo bago ako itulak.


"Ahhh!" malakas na sigaw ko. Hindi gaya ng kay Blake, ang akin ay punong puno ng takot. "Punyeta! Tangina naman!"


Sigaw lang ako ng sigaw dahil sa takot. Isinabay ko na ring isigaw ang mga problema't sama ng loob ko sa mundo dahil naalala kong sinabi sa akin iyon ni Blake kanina.


Wala na akong pakielam kung pagtinginan ako ng mga tao mula sa ibaba. Ang mahalaga ay maisigaw ko lahat.


"Sabi sa'yo masaya, e." natatawang saad ni Blake nang makarating ako sa kabilang dulo. Hindi ko muna siya sinagot dahil sa pagkahingal. "Isa pa?"


"Ikaw na lang! Hindi na ako uulit pa!"


Hanggang sa makababa kami ay tinatawanan pa rin ako ni Blake. Parang ako na 'yung kaligayahan niya kung maka tawa siya!


"Saan tayo?" tanong ko sa kaniya. Hindi niya ako sinagot at saka hinila na lang papunta sa ibang rides. "Baby Bumper?"


Siya ang nagbayad para sa aming dalawa. Pinilit ko siyang sa iba na lang kami dahil napaka mahal non. Singwenta kada tao sa tatlong minuto! Pero wala siyang pakielam kung gumastos siya ng tatlong daan para lang sa sampung minutong saya naming dalawa.


"Ang daming mong pera! Ang sarap naman magpaampon sa'yo!" pang aasar ko sa kaniya. "Ampunin mo na kaya ako?"


Umiling ito sabay mahinang umiling. "Baliw."


Nag-enjoy naman kami sa ride na 'yon kaso hindi talaga maalis sa isip ko 'yung halaga ng binayad ni Blake para roon. Hindi worth it! Ang bilis lang ng sampung minuto!


"Gusto ko pa bumangga ng tao!" tumatawang saad niya. "Isa pa tayo!"


Agad ko naman siyang pinigilan. "Nahihibang ka na ba? Hindi worth it 'yung bayad mo!"


The Moon's DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon