12

5 1 0
                                    

"Sorry..."


Hindi ko na mabilang kung pang ilang beses na siyang humingi ng sorry sa akin ngayong umaga. Hindi ata siya nagsasawa. Ilang beses ko na rin namang sinabi na ayos lang dahil ayos lang naman talaga.


"Isa pang sorry, susuntukin na kita." saad ko. "Okay nga lang. Biglaan ang nangyari."


Maaga niya akong ginising kanina dahil nakatanggap siya ng tawag mula sa kaniyang ama. Nagkakaroon daw ng problema at kailangan niyang umuwi kaagad. Hindi na niya nasabi kung anong problema ang meron at naiintindihan ko naman iyon.


Nang makarating sa parking lot, agad niyang ipinasok lahat ng bagahe namin. Alas nuebe pa lang ng umaga pero tirik na ang araw. Pumasok na ako sa loob dahil hindi ko na kayang tiising ang init.


Nakakaranas din pala sila ng init dito sa Tagaytay? Ah, oo nga pala. Part pa pala ito ng Pilipinas.


"Seatbelt mo." pagpaaalala ko sa kaniya. Nagmamaneho na kasi siya nang hindi pa nakasuot ang seat belt.


Ngumiti siya sa akin. "Thank you."


Hindi siya umiimik at diretso lang ang tingin sa dinadaaman. Seryosong seryoso siya sa pagmamaneho. Parang ang heavy lang ng ambiance kaya naman may naisip akong paraan para mapagaan iyon kahit papaano.


"Pa-connect ha." pagpapaalam ko sa kaniya. Agad naman siyang tumango bilang pagsagot. "Hmm.. ano kayang maganda..."


Hirap na hirap akong mamili ng kanta. Hindi ko kasi alam kung anong genre ang tipo niya. Hindi naman siguro siya mapili sa genre, 'di ba?


Agad kong pinatugtog ang You Got It All ng The Jets. Ewan ko pero parang may kung ano talaga sa nga kanta noong 80's. Bagay na bagay kapag nasa roadtrip ka.


"I, I was the game he would play
He brought the clouds to my day
Then like a ray of light
You came my way one night
Just one look and I knew"


Naagaw ko kaagad ang atensyon ng binata. Napangiti ito bigla sa akin. "I love that song! You also like old songs?"


I smiled at him. Hindi ako sumagot sa tanong niya at sumabay na lang sa kanta. Halos kabisado ko na ata itong kantang ito dahil isa ito sa paborito kong kanta.


This song give me peace. I don't know why.


"You would make everything clear
Make all the clouds disappear
Put all your fears to rest
Who do I love the best"


Nakatingin lang sa akin si Blake habang kumakanta ako. Kung makatitig siya sa akin ay parang gusto na niya akong tunawin. Punong puno rin ng emosyon ang kaniyang mga mata.


Pinanlakihan ko naman siya ng mata. Delikado kasi ang ginagawa niya lalo na't nagmamaneho siya. Ayoko namang maging sanhi ng kamatayan ko pagkanta ko sa tabi niya.


"Don't you know, don't you know?"


Bigla kaming napatingin sa isa't isa nang sabay naming kantahin ang part na iyon. Napatawa rin kami pagkatapos dahil sa sobrang priceless ng mukha naming dalawa.

"You've got it all over him
You got me over him
Honey, it's true..."


Siya na ang kumanta sa part na iyon. Hindi ko alam na magaling din pala siyang kumanta. Sobrang talented niya talaga! Present siya lagi sa ayudang talento mula sa itaas!


Nakailang kanta rin kami. Puro jamming lang habang nasa daan. Hindi rin nagtagal ay nakaramdam na ako ng antok. Maaga niya rin kasi akong ginising kanina.


The Moon's DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon