"May ganito pala rito?" namamanghang saad ko. "Sobrang lapit lang sa subdivision namin pero ngayon ko lang nalaman 'tong lugar na 'to!"
Masarap ang simoy ng hangin dito sa lugar na ito. Maraming puno at maririnig mo ang huni ng nga ibon.
Parang ganito rin ang paborito kong spot na lagi naming pinupuntahan ni Blake sa Tagaytay tuwing gabi. Ang pinagkaiba lang ay wala kang matatanaw na gusali dito. Parang dead end na nga ito.
"I always go here everytime I want to breathe. This place makes me at peace." nakangiting saad niya. "Kaya naisip kong dito kita dalhin dahil alam kong magugustuhan mo ang lugar na 'to."
"Sobrang nagustuhan ko! Sana nga nalaman ko ng mas maaga ang lugar na ito."
"Siguro, palagi tayong magkikita rito kung alam mo ang lugar na ito."
Dinama namin ang kapayapaan sa lugar na ito. Parehas kaming nakaupo sa blanket na nakalatag sa damuhan. Hindi pala kami nakabili ng pagkain namin. Sana lang ay hindi kami gutumin hanggang mamaya.
"So," panimula niya. "May plano ka na ba sa college?"
Napaisip ako bigla. "Actually, wala pa. Ang kukunin ko na lang sigurong kurso ay related sa art. Architecture na lang siguro."
"If that's what you want to do, I'll support you."
"Ikaw?" tanong ko naman. "May balak ka bang ituloy ang pagkuha ng Engineering?"
Marahang tumango ang binata bilang pagsagot. "Oo naman. Ipaglalaban ko iyon sa mga magulang ko kahit pa itakwil nila ako. Ayoko namang gawin ang bagay na hindi ko naman talaga gusto sa buong buhay ko."
Nginitian ko siya. Nakaka proud lang na desidido na siya sa desisyon niya sa buhay. "Naniniwala akong kakayanin mo 'yon, Engineer Donovan! Padayon!"
Mahina siyang natawa. "Sira! Baka ma jinx 'yon, ha!"
"Hindi 'yan!" giit ko. "Magiging Engineer ka balang araw. Matutupad lahat ng pangarap ko sa buhay! Naniniwala ako sa'yo."
Isang matamis na ngiti ang iginawad niya sa akin. "Salamat sa pagtitiwala, Architect."
"Hindi pa sure!"
Ilang oras din kaming nagpalipas ng oras. Sinusulit ko na ang bawat segundo na kasama siya. Hindi ko na rin kasi alam kung mararanasan ko pa ulit ito.
Dahil simula bukas, gigising akong hindi na siya kasama, kakain ako na hindi na siya ang kasalo, at matutulog na hindi siya ang huling makikita ko.
"Kumakanta ka pala." saad niya. "Hindi ko alam."
"Wala rin namang nakakaalam. Sila Mommy at Daddy, oo." sagot ko. "At saka, lahat naman tayo ay marunong kumanta."
"Magaling kang kumanta, Selene. Ang sarap pakinggan ng boses mo."
Pabiro ko naman siyang hinanpas. "Binobola mo lang ako, e! 'Wag ako, Donovan!"
"Seryoso nga!"
Tinignan ko siya ng diretso. "Ikaw rin naman. Una kitang napakinggan noong nagperform kayo sa school. Grade 8 ata tayo noon!"
"Hindi ko maalala."
"Intrams noong araw na iyon, ano ka ba!" pagpapaalala ko pa sa kaniya. "Ah basta! Kantahan mo na lang ako."
"Ayoko nga. Nahihiya ako."
Binigyan ko naman siya ng hindi makapaniwalang tingin. "Ikaw? Nahihiya? Ikaw lang ang kilala kong artista na mahiyain."
"Hindi ako artista."
"Hindi ako magsasawang tawagin kang artista kung hindi mo ako kakantahan ngayon."
Narinig ko ang pagsinghap ng binata. Napangisi ako nang makitang wala na siyang ibang choice kung hindi pagbigyan ako sa gusto ko.
"Sige na, Blake! Last na 'to, oh!"
Napakunot ang noo niya. "Hindi pa ito ang last, Selene. Maraming pang susunod."
"Maghihiwalay na tayo mamaya kaya pagbigyan mo na ako." giit ko. Napakamot namlang siya sa batok dahil wala na siyang ibang choice. "Sasabayan kita kung alam ko 'yung kinakanta mo."
"O kay gandang, pagmasdan
Ang iyong mga mata
Kumikinang-kinang
Di ko maintindihan."Parang hindi ako pamilyar sa kantang iyon pero alam ko na agad na maganda ito. Idagdag mo pa ang pagkanta ng binatang kasama ko. Sobrang lamig ng kaniyang boses. Sobrang gaan. Hindi nakakasawang pakinggan.
"Ang Iyong mga tingin
Labis ang mga ningning
Langit ay bumaba
Bumababa pala ang tala."Nagkamali ako. Alam ko ang kantang kinakanta niya ngayon! Narinig ko na ito ilang beses sa school!
"Ikaw Lang by Nobita?" pabulong lang 'yon para hindi ko masira ang moment. Narinig ni Blake ang tanong ko at tumango lang siya bilang pagsagot.
"Tumingin ka sa aking mga mata
At hindi mo na kailangan pang
Magtanong ng paulit-ulit..."Nginitian ko siya nang hindi niya inalis ang tingin sa akin. Nakikinig lang siya sa akin ng mabuti habang pinagpapatuloy ang kantang kaniyang sinimulan.
"... Ikaw lang ang iniibig."
Our eyes suddenly met. None of us let go of that stare. Tila biglang huminto ang mundo at tanging kami lang ang tao rito.
"At kung di kumbinsido'y magtiwala ka
Hawakan ang puso't maniwala na
Ikaw lang ang syang inibig..."I leaned on him while listening to him. He immediately grabbed me with his arms, lightly stroking my long, wavy hair.
"...Ikaw lang ang iibigin."
Hinding hindi ko makakalimutan lahat ng nangyari sa aming pagsasama. Nakagawa kami ng masasayang memories na magkasama sa saglit na panahon. Babaunin ko iyon hanggang sa pagtanda ko.
Ang memoryang iyon ay mahirap kalimutan at sobrang labong malilimutan ko pa.
"At sa iyong paglalambing
Ako ay nahulog din
Di ko alam kung ano gagawin
Di ko alam kung saan titingin."Magkatingin kami habang kumakanta siya. Magkatingin at nakangiti sa isa't isa.
Nang matapos niya ang mga linya na iyon, ako naman ang nagtuloy. Hindi ko aakalaing magiging bonding namin ang pagkanta. Hindi ko akalaing masaya rin palang kumanta.
"Halik sa labi
Tingi-nan natin
Di akalain, mahuhulog ka sakin."Hindi ko namalayang nakatayo na pala siya. Nakalahad ang kaniyang kamay sa akin kaya agad ko itong tinanggap. Tinulungan niya akong bumangon mula sa pagkakatayo. Naalala ko tuloy noong tinulungan niya akong bumangon dahil sa pagkakadapa ko sa building nila noon.
His arm slid to my waist. I took him by the shoulder and laid my hands on him. Habang kumakanta, ang beat non ay ang gabay sa aming pagsayaw. Iginiya niya ako at marahang isinayaw.
"Tumingin ka sa aking mga mata
At hindi mo na kailangan pang
Magtanong ng paulit-ulit
Ikaw lang ang iniibig."Sabay na kami sa pagkanta sa awiting iyon. Sabay naming dinadama ang sariwang hangin dito.
Kung may makakakita lang sa amin ngayon ay marahil iisipin nilang nababaliw na kami. Napangiti ako bigla. Talaga ngang sinusulit na namin ang mga oras na magkasama kami.
"At kung di kumbinsido'y magtiwala ka
Hawakan ang puso't maniwala na
Ikaw lang ang syang inibig
Ikaw lang ang iibigin ..."Nagtama ulit ang aming mga mata. At sa pagtama non ay sabay kaming ngumiti sa isa't isa.
"... Sinta."
BINABASA MO ANG
The Moon's Death
Teen FictionEveryone thought that Blake's life is perfect. He is famous. He is rich. He can get whatever he wants. They envy him for having that "perfect life" but they were wrong. Hindi perpekto ang buhay niya at hindi nila alam 'yon... maliban sa isang tao. H...