Chapter 56

2.5K 103 48
                                    


Chapter 56


Jema's POV


"Doc bakit? Celine anong nangyari? Hindi pwede. Hindi pwedeng mawala ang anak ko"...


"Hindi pwede!!..."

.

.

.

.

.

.

.

.

Nang bigla akong makaramdam ng tapik sa balikat ko. Pagdilat ng mata ko ay napatingin ako kay Deanna na kitang kita ang kaba sa mga mata niya. Tiningnan ko ang paligid at nakita kong andito pa rin kami sa private room kung saan naghihintay kami ng balita sa operayon ni Claire.


"Jema anong nangyari? Bakit umiiyak ka at paulit-ulit mong sinasabi na hindi pwede? Nanaginip ka ba ng masama?"


"Deanna anong nangyari? Kamusta si Claire?" Nag-aalalang tanong ko kay Deanna


"Nasa operating room pa sila Jema hindi pa tapos ang surgery ni Claire. Lumabas lang ako kanina para bumili ng makakain natin dahil napansin ko na nakatulog ka na dito. Pagbalik ko bigla kong nakita na pawis na pawis ka at naiyak tapos paulit-ulit mong sinasabi na hindi pwede kaya I tapped your shoulder para gisingin ka kasi I feel like you're having a bad dream"


"Deanna.. napanaginipan kong wala na daw si Claire."


"Hey.. it was just a bad dream.. We just have to keep praying na maging okay ang surgery niya. May tiwala ako kay Celine at sa doctor na kinuha ni Mom para sa kanya. Let's just keep praying okay? Hindi ako papayag na may mangyaring masama kay Claire Jema." Sabi ni Deanna at niyakap niya ako


Wala na akong nagawa kundi higpitan ang yakap kay Deanna at isantabi ang takot na nararamdaman ko. Tama siya kailangan lang namin magdasal para maging successful ang surgery ni Claire.


"Hindi ko alam ang gagawin ko Deanna kung wala ka dito ngayon sa tabi ko. Sobrang natatakot ako"


Hinalikan ako ni Deanna at hinawakan ang magkabilang pisngi ko at tiningnan ako sa mata.


"I know Love.. you've been brave for too long. Ngayon hayaan mong ako ang maging matapang para sa pamilya natin. Walang mangyayaring masama kay Claire ha? Everything will be okay."


At niyakap ko siya ng mas mahigpit. Ayokong humiwalay sa mga yakap niya hanggang hindi pa natatapos ang surgery ni Claire. I feel safe in her arms. Sa tuwing yakap niya ako ay para bang magiging okay ang lahat.


We're both silently praying na walang mangyayaring masama kay Claire at makakasama pa namin siya ng matagal. Hindi ko na alam kung ilang oras ang nakalipas na ganon lang ang ginawa namin ni Deanna hanggang sa may kumatok sa pinto.


Pagbukas ni Deanna ay pumasok si Celine at ang doctor na nag opera kay Claire. Nakita kong seryoso ang mukha nilang dalawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 05, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Way Back HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon