Chapter 6
Tinangka ni Jema na lumapit sa kanya pero patuloy na umaatras si Deanna. Hanggang sa nagkaroon siya ng lakas ng loob magsalita.
"Wag mo kong lapitan Jessica. Sabihin mo sakin ang totoo, may nangyari ba sa inyo?"
"Patawarin mo ako Deanna. Hindi ko sinasadya. Hindi ko alam kung anong nangyari"
Nang biglang nagsalita si Cy
"Oo may nangyari samin Deanna"
Hindi na napigilan ni Deanna ang sarili niya kaya sinugod niya si Cy at sinapok ito
"Hindi ikaw ang tinatanong ko kaya manahimik ka. Hindi dahil lalaki ka at malaki ang katawan mo eh hindi na ako lalaban sa'yo"
"Sabihin mo sakin Jessica, pano mo nagawa sakin to?? Binigay ko naman lahat lahat sa'yo. Sinuway ko si Dad at pinaglaban ka pero bakit mo ginawa sakin to? Nahihiya ako sa sarili ko." Paghikbi ni Deanna
Nahihiya ako sa sarili ko kase.... kase hindi ko na iginalang ang magulang ko para lang ipagtanggol ka sa kanila. Umalis ako samin at sumama sayo dahil alam kong iba ka. Pati si Mom niloko mo?? Sabi mo hindi ka ganyang klase ng babae pero tama si Dad. Tinulungan pa tayo ni Mom pero eto ang igaganti mo sa kanya?? Ang sakit sakit Jessica. Iniwan ko ang lahat para sayo"
Hindi na magawang makapagsalita ng ayos ni Deanna dahil narin sa sobrang pag iyak niya. At hindi narin tumitigil ang pagpatak ng luha ni Jema pero hindi siya makapag salita.
"Binigay ko sayo lahat-lahat ng meron ako. Buong puso ko at kaluluwa ko Jema. Hinahanda ko narin yung plano para sa kasal na pangarap natin at humingi na ako ng tulong kay Mom pero ganito pala ang ginagawa mo habang wala ako?? Ano na ang mukhang ihaharap ko sa pamilya ko? Ilang beses kita pinagtanggol sa kanila pero totoo pala ang sinasabi nila. Ayoko na Jema. ang sakit sakit. Tapusin na natin to. Hindi ko alam kung kaya pa kitang patawarin sa ginawa mo."
At biglang naglakad si Deanna palabas ng kwarto. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Halos marinig na niya kung paano mawasak ang puso niya. Halos wala na siyang makita dahil napuno na ng luha ang kanyang mga mata.
Binilisan niya ang paglalakad papunta sa kotse ng marinig niya ang boses ni Jema.
"D-Deanna!! Wag kang umalis. Pag usapan muna natin to. Patawarin mo ako Deanna.."
Hindi na kaya ni Deanna ang mga nangyayari. Hindi siya makahinga. Gulong gulo na ang isip niya. Sumakay siya sa kotse at minabuting umalis nalang sa lugar na yon.
Habang nagmamaneho siya ay nakita niya ang kotse ni Cy na sinusundan siya kaya't mas binilisan niya ang takbo ng sasakyan.
Wala siyang pakialam kung sobrang bilis nito. Hindi na niya alam ang mga sumunod na nangyari. Nakita na lamang niya na may paparating na truck sa harapan ng sasakyan niya. At dahil gusto niyang iwasan ito ay iniliko niya ang kanyang sasakyan na bigla namang sumalpok sa poste sa tabing kalsada.
Sa sobrang lakas ng impact ay hindi na niya kinaya at nawalan ng malay.
Pag gising ni Deanna ay nakita niya na nasa loob siya ng ICU.
Nagulat naman siya nang malaman niya na nacomatose pala siya ng isang buwan at dinala siya ng parents niya sa US. Pagdating ng parents niya sa kwarto ay hindi na mapigilan ni Deanna na umiyak at tanungin kung nasaan si Jema.
"Dad, Mom, anong nangyari pagkatapos ng aksidente? Asan si Jema?"
"Anak, pagkatapos ng aksidente ay hindi ka na dinalaw ni Jema. Dahil sa tindi ng nangyari sa aksidente ay minabuti namin na dalhin ka sa America dahil mas maganda na dito ka namin ipagamot. Akala namin mawawala ka na samin Deanna. Nagdecide kami ng dad mo na dalhin ka dito para mas lumaki ang chance na mabuhay ka kesa ipagamot ka sa Pilipinas"
"Nung gabing naaksidente ka ay grabe ang nangyari sayo anak. Ilang oras din kaming naghintay noong dalhin kasa operating room. Buti nalang at magaling ang doctor na nag opera sa'yo kaya nailigtas ka niya ng gabing yon. Pero dahil sa damage na nangyari sa utak mo ay na-comatose ka. Dun kami nagpasya ng mom mo na dalhin ka sa US. Ginamit ko na ang connection ko para makahanap ng private plane kung saan ka isinakay. May dalawang doctor na nagbabantay sayo kung sakaling may mangyaring hindi maganda."
"Hindi man lang niya ako dinalaw kahit isang beses Dad?"
"Hindi anak. Ni hindi na namin nakita ang mukha ng babaeng yon pagkatapos kang isakay sa ambulansya. Nagpasya kami na ilayo ka sa babaeng yon dahil sa ginawa niya sayo. Minabuti namin na dito ka dalhin sa US at dito na tayo manirahan para narin kapag gumising ka ay makalayo ka na sa babaeng yon. Nabalitaan ko na hinatid pa siya ni Cy sa apartment niyo nung gabing naaksidente ka dahil naguilty ito sa nangyari sayo"
Dahil hindi mapaniwalaan ni Deanna ang sinasabi ng ama ay hiningi niya ang kanyang phone para tingnan ang social media accounts ni Jema
Sinearch niya ang pangalan nito sa facebook pero deactivated na ito. Pati sa Instagram ay wala na ang account ni Jema. Hindi niya alam kung bakit ganon nalang kadali para kay Jema na iwanan siya. Hindi man lang siya dinalaw o inalam kung anong nangyari sa kanya. Hindi man lang siya hinintay nito na gumising para magpaliwanag at sabihin kung anong totoong nangyari.
Unti-unti niyang tinanggap na hindi na nga siya mahal ni Jema at inisip na sumama na nga ito kay Cy. Sobrang sakit ng nararamdaman niya. Hindi niya alam kung paano magsisimula ulit ng wala si Jema.
Dahil nawalan na ng pag asa si Deanna ay minabuti niya na hindi na gamitin ang account niya at binuo ang desisyon niya na paniwalain ang lahat na wala na siya kagaya ng gustong mangyari ng parents niya.
Pinalitan niya ang kayang pangalan mula sa Deanna Alvizo at ginawang Izabella Wong.
At dahil sa nangyari ay nakilala niya si Ced. Si Ced ang naging kaibigan niya sa loob ng ospital. Naging mabuting magkaibigan ang dalawa sa loob ng 3 taon hanggang sa mahulog ang loob nila sa isa't-isa at naging magkasintahan
____________________________________________________________________________
Next update ay balik na ulit tayo sa present time hehe :-))
BINABASA MO ANG
Way Back Home
FanfictionThey vowed to keep their promise of forever, until a series of lies broke them apart. After everything that's happened between them, after all the heartaches they've felt, can they find their way back home?