Chapter 5
Pagkadating ni Deanna sa Park ay hindi niya akalain na hindi parin nagbabago ang itsura nito. Ibang iba sa inaasahan niya na baka hindi na ito katulad ng dati.
Dahil dito ay hindi niya maiwasang isipin si Jema at ang nangyari sa kanya noong umuwi siya sa bahay nila bago ang aksidente 6 years ago.
Flashback..
Deanna's POV
Dumating si Deanna sa bahay nila at sinalubong siya ng kanyang ina
"Oh Deana bakit napadalaw ka? May problema ba anak?"
"Wala naman mom. Pinatawag lang ako ni Dad kasi may sasabihin daw siyang importante."
"Ahh kaya naman pala anak. Kamusta naman si Jema anak?"
"Okay naman siya Mom. Hinihintay nalang namin yung resulta ng IVF procedure niya. Thank you nga pala mom dahil tinulungan mo ako sa pambayad sa naging procedure ni Jema. Alam kong ayaw ni Dad pero tinulungan mo parin ako at pilit mo siyang kinukumbinse na payagan nalang kaming magsama ni Jema."
"Wala yon anak. Alam mo naman na mahal na mahal kita at gagawin ko ang lahat para maging masaya ka anak kahit pa ayaw ng Dad mo sa naging desisyon mo. Nakikita ko naman na sobra kang napapasaya ni Jema. Wag ka mag alala at unti unti na din namang natatanggap ng Dad mo si Jema."
"Thank you ng sobra Mom. Di ko alam kung anong gagawin ko kapag wala ka" Saad ni Deanna sabay yakap sa ina
"Oo nga pala mom, asan si Dad?"
"Hay nako anak andon sa study room at may tinatapos pa daw siya para sa business. Mamaya na kayo mag usap at kumain na muna tayo"
"Sige po mom"
At sabay-sabay na naghapunan ang mag anak. Pagkatapos ng hapunan ay pumunta si Deanna sa kwarto ng parents niya
"Dad ano yung importanteng sasabihin mo sakin?"
"Deanna anak, alam mo namang una palang ay ayaw ko na kay Jema para sa'yo. Alam mong hindi ko gusto ang ugali ng babaeng yan. Pero dahil narin sa pagpilit ng mom mo ay unti-unti kong pinilit tanggapin siya para sayo."
"Dad hindi ko alam kung para saan ang pag uusap na to"
"Makinig ka muna sakin Deanna. Unti-unti ko ng natatanggap si Jema para sa'yo at pasensya na kung ginawa ko to pero pinasundan ko siya sa mga tauhan ko. Para makasigurado na hindi ka niya niloloko. Pero mas lalong inayawan ko ang babaeng yan pagkatapos ng nakita ko"
"Hindi kita maintindihan Dad"
"Buksan mo yang envelope na nasa harapan mo. Isa yan sa mga ebidensya na niloloko ka ng babaeng yan at may tinatagong relasyon sila ng sinasabi niyang kaibigan niya"
Nang buksan ni Deanna ang envelope ay nakita niya ang litrato ni Jema at ni Cy na magkayakap. Sa isang litrato naman ay masayang magka kwentuhan ang dalawa habang hawak ni Cy ang kamay ni Jema.Sa isang litrato naman ay tila hinalikan ni Cy si Jema at dito tumulo ang luha ni Deanna
"Dad paano nangyari?? Hindi si Jema to. Dad hindi to totoo"
"Dean totoo ba lahat ng mga litratong yan?" Tanong ng ina ni Deanna
"At ano naman ang mapapala ko kung gawa gawa ko lang ang mga litratong yan? Kitang kita naman na malandi ang babaeng yon."
"Hindi pwede to. Tatawagan ko si Jema Dad. Tatanungin ko kung totoo to"
Agad na tinawagan ni Deanna si Jema...
"Hello Jema?"
"Uy Deanna uuwi ka ba ngayong gabi?"
"Jema mamaya na yan. Nag eenjoy pa tayo dito oh. Hayaan mo na muna si Deanna"
at narinig ni Deanna ang boses ni Cy kaya lalo siyang nagalit at nagpasya na ibaba ang tawag Minabuti ni Deanna na ibaba muna ang tawag dahil sa sobrang galit niya.
Pinatay niya muna ang kanyang phone para mag isip. Iyak ng iyak si Deanna dahil hindi niya alam kung anong papaniwalaan niya.
Mas pinili niyang magpalamig muna ng ulo at sigurado siya na makakapagbitaw siya ng masasakit na salita kapag ngayon niya kinausap si Jema
Pagkatapos ng ilang oras ay tumawag muli si Deanna kay Jema para hayaan itong magpaliwanag ngunit si Cy ang sumagot ng phone nito
"Hello Jema?"
"Deanna ikaw ba yan?"
"Bakit nasayo ang phone ni Jema Cy?"
"Tulog na si Jema ngayon Deanna. Andito siya sa tabi ko"
"Anong sinasabi mo Cy?"
"Diba sabi ko naman sayo Deanna na ako talaga ang mahal ni Jema at hindi ikaw? May nangyari samin Deanna. Kung ayaw mo maniwala, pumunta ka sa address na itetext ko sa'yo" at binaba ni Cy ang phone
Hindi na matigil ang pagluha ng mata ni Deanna sa narinig niya. Hindi niya kayang paniwalaan ang sinasabi ng kanyang ama at ni Cy.
Dahil gustong gusto na niya marinig ang paliwanag ni Jema ay dali dali itong umuwi at pinuntahan nito ang address na binigay ni Cy.
Nagpaalam siya sa kanyang ama at ina bago tuluyang umalis.
Hindi alam ni Deanna kung anong gagawin niya. Ang dami daming tanong sa isip niya,
Paano kung totoo nga ang lahat ng mga litratong pinakita sa kanya ng kanyang ama?
Paano kung niloloko nga siya ni Jema?
Paano kung totoo ang sinasabi ni Cy na magkasama nga sila ngayon ni Jema?
Paano kung may nangyari nga sa kanilang dalawa?
Gulong-gulo ang isip ni Deanna, hindi niya alam kung anong magiging reaksyon niya. Handa nga ba siyang harapin ito kung totoo nga lahat ng nalaman niya?
Kaya niya bang mawala si Jema? Kaya niya bang tanggapin pa ito pagkatapos ng lahat?
Kaya niya bang bigyan si Jema ng isa pang pagkakataon kung hihingi ito ng tawad sa kanya?
O paano kung tuluyan na siyang iwan ni Jema para sumama kay Cy..
Parang sasabog ang puso niya sa kaba, galit, inis at sakit na nararamdaman niya. Hindi nagtagal ay nakarating na siya sa hotel na sinend sa kanya ni Cy.
Bawat hakbang ay para bang tumatapak siya sa mga basag na salamin. Gusto niyang tumakbo papalayo pero dire-diretso lang ang kanyang mga paa sa paglakad patungo sa kwarto kung saan nandoon si Jema.
Tinangka niyang buksan ang pinto at laking gulat niya ng hindi ito naka lock.
Ang susunod na nakita niya ay ang talaga namang sumaksak sa puso niya. Nakita niya si Jema na tanging kumot lang ang bumabalot sa katawan nito.
Ang mga damit niya ay nagkalat sa sahig. At nakita niya si Cy na nakaupo sa dulo ng kama.
Biglang bumuhos ang luha ni Deanna na kanina pa niya pinipigilan.
_____________________________________________________________________________
Continuation of Deanna's flashback sa next chapter :-))
BINABASA MO ANG
Way Back Home
FanficThey vowed to keep their promise of forever, until a series of lies broke them apart. After everything that's happened between them, after all the heartaches they've felt, can they find their way back home?