Chapter 26

1.7K 76 5
                                    


Chapter 26


Naging professional si Deanna at si Jema pagdating sa trabaho. Pero hindi maipagkakaila ang tension sa pagitan nilang dalawa. Pagkatapos ngayong araw ay magkakaroon muna sila ng 1 week break kaya napagkasunduan nila na lumabas lahat kinabukasan


Deanna's POV


"So guys uhmm napag isipan ng team namin na lumabas tayo lahat bukas. Bali isang private place sa Laguna na may pool at may sariling bahay parang outing na din.


Naayos na namin ang lahat kanina at nakapag inquire na kami dun sa mga private mini resort na pupuntahan natin sa Laguna and yung mga pagkain may na contact na din ako kung saan pwede mag order. Mag-uusap nalang tayo kung anong mga gusto niyong food na ipaluto para bukas. Wag kayong mag alala kasi sagot na ng company lahat ng gagastusin natin dito kailangan niyo nalang sumama" Narinig kong sabi ni Ate Mich na isang staff dito


"G ako diyan bebs" sabi naman ni Ate Fille


"Ikaw John Vic g ka ba?" Syempre kasama ako no. Pero bakit ako lang ang lalaki dito?


"Wag ka mag alala Vic kasama ko naman boyfriend ko so may makakausap ka naman doon" sabi ni Ate Mich


"Ako din isasama ko din ang asawa ko" sagot naman ni Ate Fille


"Hayys ang hirap talaga kapag babae lahat ng kasama mo eh"


"Jessica ikaw sasama ka ba?" Narinig kong tanong nito


"Uhmm hindi ko alam ate Mich eh. Alam mo naman si Claire" sagot ni Jema


"You can bring her Jema, I'll help you naman eh at I'm sure gusto din ni Claire yon" sabi ni John Vic


"Pwede bang pag isipan ko muna?"


"Ano ka ba naman Jessica bring her along nalang. Behave naman si Claire and dati nga dinadala mo pa siya sa shoot diba. Andito naman kami nila Fille at John Vic para tulungan ka" sagot ni Ate Mich


"Uhmm sige na nga sasama na kami ni Claire"


Biglang tumingin sa akin si Ate Mich


"How about you Iza? Sasama ka ba?"


"Uhmm I don't know if I can make it eh"


"Why may gagawin ka ba bukas?"


"Ahh wala naman pero balak ko kasi lumabas with my girlfriend tomorrow"


"Ohhh that's nice. Why not bring her along nalang din? Diba siya yung nagdala sayo ng pagkain last time? Yung pretty doctor?"


"Yes,yes that's her. Pero hanggang lunch pa kasi ang work niya tomorrow eh"


"Then habol nalang kayo Iza? I mean sumama na kayo kasi after the shoot naman babalik ka na din sa US diba? So let's all hangout na habang nandito ka pa"


How can I say no to them? Masyado silang mabait sa akin and nung unang araw palang ng shoot ay napagkasunduan na namin na ittreat nila ako as a normal person here kahit alam na nila ang status ko sa US


"Okay ate mich. Count us in. Habol nalang kami ha? I'll tell Celine about it"


"Okay Iza" at ngumiti ito sa akin


After shoot ay tinawagan ko si Celine


Celine: Hello babe? Bakit napatawag ka?


Deanna: Uhmm babe kasi inaaya ako ng mga staff dito. You know naman sila Ate Mich yung kinukwento ko sayo. They want us to join them bukas sa parang outing daw nila


Celine: uhh babe I think wala naman ako gagawin sa hospital bukas pero may kailangan lang ako daanan don so mga 11 I'll be out na


Deanna: Yes babe sabi ni Ate Mich sunod nalang daw tayo sa kanila?


Celine: Okay babe let's do that. Balak din naman talaga natin lumabas bukas diba


Deanna: Yes babe. I called to inform you lang and ask you kung okay lang


Celine: Okay lang naman babe. See you later nalang sa unit? I have to go na eh. Pinapatawag ako ng Head. I love you


Deanna: Okay babe take care ha


At ibinaba ko na ang tawag. So bukas nasa iisang lugar nanaman kami ni Jema, Celine, John Vic at Claire. I can say na mas lalo kaming naging awkard ni Jema after ng usapan namin sa kotse niya. Pero hindi namin pinapahalata sa iba dahil ayaw namin maapektuhan ang trabaho namin.


We tried to keep things professional between us. Alam ko at ramdam ko na she's being uneasy whenever I'm around. Alam kong nagulat din siya nung una kaming nagkita. Alam ko din na somehow iniisip niya din kung ako ba yung dating Deanna.


I'll be honest, nung nakita ko si Jema ay nagulo ulit ang mundo ko. Kasama ng lahat ng sakit na nararamdaman ko ay bumalik din lahat ng feelings ko sa kanya. Pero mali dahil andyan si Celine. Kaya I'm trying so hard na mag pretend na hindi ako ang dating si Deanna kundi si Izabella Wong.


Alam kong unfair kay Celine to kasi I'm not being perfectly honest to her about us. Humahanap lang naman talaga ako ng tiyempo eh. And iniisip ko kung kailangan ko ba talagang sabihin or itatago ko nalang. Aalis din naman ako at babalik sa US In a few months.


Wala naman sigurong mangyayari sa loob ng panahon na yon diba? Babalik na ako sa normal kong buhay. Na walang Jema, walang Claire at si Celine lang ang meron ako? Kaya ko naman bumalik don diba? Ang mag pretend na wala sila?


Minsan iniisip ko kung tama ba ang desisyon kong bumalik dito sa Pilipinas. Sandali pa lang ako nandito pero ganito na agad ang nangyari. Never ko talaga inexpect na magkikita ulit kami ni Jessica


Kahit may part sa akin na hinihiling na sana makita ko siya, hindi ko alam na mangyayari pa talaga to. Na pasyente ni Celine and anak niya. Na makikita ko si Claire sa park at mapapalapit ako sa kanya.


May reason ba kung bakit nangyayari lahat to? Anong purpose kung bakit nagkita kami ulit? Naguguluhan din ako sa lahat ng nangyayari.


Pero there is one thing that I'm very curious about. Bakit hindi kasama ni Jema at Claire si Cy? At bakit si John Vic ang nanliligaw ngayon kay Jema?


Anong nangyari sa kanilang dalawa??



Way Back HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon