Chapter 7
Tahimik na nag rereminisce si Deanna sa kung anong nangyari sa kanila ni Jema until that one little girl caught her attention
Lumapit si Deanna at umupo sa tabi nito sa isang bench. Napansin niya na nakatingin lamang ang cute na batang babae sa mga ibang bata na naglalaro at nagtatawanan sa park. Hindi natiis ni Deanna na tanungin ang bata tungkol dito
Tumingin siya sa katabi niya at nagtanong
Deanna's POV
"Uhmm, bakit hindi ka nakikipaglaro sa ibang mga bata? Ang saya saya nila don oh bakit nakaupo ka lang dito sa bench? Ayaw mo makipag play sa kanila?"
Tumingin siya sakin na para bang nag aalinlangan kung sasagutin ang tanong ko o tatakbo paalis ng park pero after ilang seconds ay nagsalita din siya..
"Sorry po pero sabi sa akin ni mommy wag daw po ako makikipag usap sa hindi ko kakilala" sabi niya sakin na may halong takot sa mata
Napatawa ako ng sabihin niya sakin yon. Agad akong nakaisip ng paraan kung papano ko siya makakausap.
"My name is Izabella ikaw anong name mo?"
"............. my name is Claire po"
"Oh ayan dahil kilala na natin ang isa't-isa siguro naman hindi na ako stranger para sa'yo and makukwento mo na sa akin kung bakit hindi ka nakikipaglaro sa kanila"
Halatang nag isip si Claire ng sandali
"Bawal po makipaglaro si Claire sa kanila kasi sabi ni doc pretty bad daw po yun para sa heart ko"
Hindi ko maiwasan na maging curious sa kung bakit bawal kay Claire ang makipag laro sa ibang mga bata. Gusto kong malaman kung may sakit ba siya kaya hindi niya magawang mag enjoy. Makikita sa mukha niya ang lungkot habang pinapanood ang ibang mga bata na naglalaro. Bakit nasasaktan din ako kapag nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya?
"Ilang taon ka na Claire?"
"5 years old po" sabay pakita nito sa limang daliri sa kanyang maliit na kamay
"Kung natuloy sana yung magiging baby namin dati kasing tanda mo siya ngayon"
"Uhmm miss Izabella sorry po kung may naalala kayo dahil sakin. Nakita ko po na medyo naging malungkot kayo dahil don. Gusto niyo po ba kantahan ko kayo? Meron palaging kinakanta sa akin si Mommy bago po ako matulog"
"Talaga? Kakantahan mo ako? Saka you can call me Tita Iza nalang kasi mahaba yung name ko para sayo. Para di ka nadin mahirapan."
Hanggang sa nagsimulang kumanta si Claire
Wise men say
Only fools rush in
But I can't help falling in love with you
Shall I stay?
Would it be a sin
If I can't help falling in love with you?
Like a river flows, surely to the sea
Darling, so it goes
Some things are meant to be
Take my hand,
Take my whole life, too
For I can't help falling in love with you
Habang kumakanta si Claire ay hindi ko maiwasan na isipin si Jema dahil sa kinakanta niya. That song used to be our favorite song before. Palagi niya yon kinakanta sakin kapag naglalambing siya
BINABASA MO ANG
Way Back Home
FanfictionThey vowed to keep their promise of forever, until a series of lies broke them apart. After everything that's happened between them, after all the heartaches they've felt, can they find their way back home?