Chapter 14
Jema's POV
Kakatapos lang namin sa shoot at meeting ng makabalik ako sa hotel. Tatawagan ko si Kyla para itanong kung cleared na ba si Claire para lumabas ng ospital. Sinabi sa akin kanina na ako daw ang napili na maging photographer para sa isang malaking photoshoot na gagawin after ng 1 week break namin.
Tinawagan ko si Kyla at pagkatapos ng ilang ring ay sumagot na din ito
Jema: Bes kamusta na? Cleared na ba si Claire?
Kyla: Oo bes, actually nag aayos na kami ngayon and kakaalis lang ni Doc Celine at nung girlfriend niya. Binilihan ni Iza si Claire ng fave plushie niya saka strawberries at iba pang fruits
Jema: Oo she texted my number kahapon kung saan nga daw mahilig si Claire at bibilihan nga daw niya ng gift. Ayaw ko nga sana pumayag pero mapilit siya. Nakakahiya na nga sa kanila ni Doc Celine eh
Kyla: Hindi mawala ang ngiti sa mukha ni Claire kanina nung binigay ni Iza yung mga pasalubong niya. Nagbigay pa siya ng kiss sa cheeks na satin lang niya ginagawa hahaha
Jema: Well that's a sign na she's getting along well with doc celine's girlfriend. Ano nga pala ang sabi ni Doc?
Kyla: Ay oo nga pala Jema sabi ni Doc Celine ay kailangan daw bumalik ni Claire next week kasi they'll run few more tests pa daw to make sure na okay siya. Pero hindi naman daw kasing dami ng normal na tests nito sa check-up
Jema: Okay okay. Kasama niyo naman na ako next week dahil babalik ako this weekend and may pahinga naman ako ng 1 week bago magsimula yung isa pang photoshoot. Balita ko nga malaking project daw yon and ako yung napili kanina sa meeting para maging photographer dun sa project na yon.
Kyla: Mas okay yan bes para mas mabilis kang makaipon. Tungkol saan naman daw ang shoot?
Jema: Ang nasabi lang sa akin ay shoot daw yon para sa isang succesful business woman doon sa US pero Filipino siya. And malaking project daw dahil yun daw yung 1st time niya na i reveal ang mukha niya sa public. And kami yung napili niya na mag cover ng story niya para ilagay sa magazine
Kyla: ohh ang galing naman. Medyo na curious din tuloy ako kung sino siya. Akalain mo isa ka sa mga mauunang makakilala sa kanya. Hindi natin alam baka super succesful niya pala sa US. Magpapicture ka ha Hahahahaha
Jema: Baliw ka. Hindi ko pa nga rin siya nakikilala eh. Pero nung sinabi sa akin sa meeting yung project ay na curious din talaga ako. Pero mamemeet ko naman siya so okay na
Kyla: Pagbalik mo nga pala this weekend ay lilipat na din tayo sa Manila. Medyo hassle na kasi mag drive lalo na at napapadalas na ang balik ni Claire sa ospital
Jema: Yes hinihintay ko lang din ang paycheck ko para makapag down na ako dun sa apartment natin. Saka mas makakabuti yun sa atin dahil nasa manila din naman ang work mo at madalas dito din ang shoot ko.
Kyla: Oh sige na bes. Bibiyahe pa kami pauwi kaya mag babye na ako sayo
Jema: Okay sige. Ingat kayo ha? Uuwi naman ako this weekend
Sabi ko at nag end call Buti nalang masasamahan ko si Claire sa check-up niya next week. Sa totoo lang ay inisip ko ng kumuha ng unit sa manila para mas malapit sa ospital and sa trabaho ko. Nakahanap na rin ako ng maayos at medyo mura na unit para lumipat kami.
Siguro next week ay lilipat na kami. Hinihintay ko nalang yung paycheck ko after ng shoot na to. Pagkabalik ko din this weekend any mag eempake na ako ng gamit namin pati na rin si Kyla
Nagpapahinga ako sa hotel ng biglang tumunig ang phone ko. May message ako from Iza
From: Iza
Hi Jessica uhmm gusto ko lang sana itanong kung pwede kong dalawin si Claire this weekend? I mean isasama ko lang siya gumala then babalik din naman kami agad
To: Iza
Ohh okay. Pero hindi ba nakakaabala sayo yon? I mean meron ka naman sigurong work and baka may lakad kayo ni Doc Celine?
From: Iza
May duty pa rin si Celine sa ospital this weekend dahil tatapusin na niya lahat ng reports niya para makapag leave siya ng 3 days next week and as for me, wala akong trabaho kasi kakauwi ko lang ng Pilipinas at sa US ako nakatira. Andito lang ako for a project na mag sstart next next week so free pa ako
To: Iza
Ay ganun ba?? Sure ka ba na isasama mo si Claire? Baka maistorbo ka niya and baka hassle sayo
From: Iza
Yep. I'm sure and besides ang behave lang naman ni Claire. I just want to spend time with her bago man lang magstart ang project ko
To: Iza
Okay sige. Isama mo nalang din si Kyla para alam niya yung mga dapat gawin kung sakaling may emergency.
From: Iza
Okay. Thank you Jessica
After ko basahin ang text ng girlfriend ni Doc Celine ay nag shower na ako habang hinihintay ang pagkain na inorder ko sa baba. Nagpa room service nalang ako dahil gusto ko na din munang magpahinga.
Sa tingin ko ay naging close na nga si Claire at si Iza. Hindi ko din alam kung bakit pero ang casual ko lang makipag usap sa kanya sa text kahit kahapon lang naman ang unang beses na nakapag usap kami. Alam ko naman din na she's a nice person kaya pinapayagan ko siya at pinagkakatiwalaan kay Claire.
I hope I can meet her next week para narin makapag thank you ako ng personal para sa lahat ng ginagawa niya para sa anak ko. Sa totoo lang ay sobrang laki na din ng utang na loob ko kay Doc Celine.
Napaka bait niya ang lagi niyang inaasikaso ng mabuti si Claire. She always say na trabaho niya daw yon pero alam kong malapit na din talaga ang loob niya sa anak ko. Sinabi niya pa na favorite patient niya daw si Claire.
Sobrang nagpapasalamat ako kay God dahil ang daming taong tumutulong sa amin ng anak ko. Andyan si Kyla, si John Vic, si Doc Celine at nadagdag pa si Iza. Sobrang daming blessings pa din ang natatanggap namin kahit may mga problema at isa yon sa mga dahilan kung bakit hindi nawawala ang faith ko kay God.
At isa pa si Deanna. Pakiramdam ko ay binabantayan niya kaming dalawa ni Claire. I really miss her. Anim na taon na pero parang kahapon lang nung nagkakilala kami at naging mag kasintahan.
Parang kahapon lang din nung pumunta kami sa doctor para sa IVF procedure. Kung mabibigyan lang sana ako ng isa pang pagkakataon para makita ko siya...
Kahit imposible ay umaasa ako na sana makita ko ulit siya, makasama ko siya at mabuo ang aming pamilya.
BINABASA MO ANG
Way Back Home
FanfictionThey vowed to keep their promise of forever, until a series of lies broke them apart. After everything that's happened between them, after all the heartaches they've felt, can they find their way back home?