Chapter 41
Jema's POV
"Lahat ng nangyari ay pinlano ni Dad. Kaya ako bumalik sa US ay para alamin ang totoong nangyari 6 years ago. At si Dad ang gumawa ng paraan para paghiwalayin tayo"
Sandali lang. Hindi ko mapaniwalaan lahat ng sinasabi ni Deanna. Bakit ginawa ng Dad niya ang lahat ng to?
"Hindi ko maintindihan. Bakit ginawa ng Dad mo lahat ng to Deanna? Saka ano ba talaga ang totoong nangyari?"
"Noong una mo akong makilala diba sabi ko sayo ay sasabihin ko lahat ang tungkol sa akin kapag naging okay na ang lahat?" Sabi ni Deanna
"Oo pero hindi mo nasabi sa akin dahil sa nangyaring aksidente"
"Eto na yung panahon na malaman mo ang totoo Jema. Kung sino ako at kung anong nangyari sa atin 6 years ago"
Hindi ko alam kung kaya ko ba lahat ng malalaman ko ngayon.
"Nung lumipat ako sa university natin noon I used the name Deanna Alvizo. But my real name is Ma. Deanna Izabella Alvizo Wong. And yes anak ako ni Dean Wong na nagmamay-ari ng malaking company sa US. Yun ang dahilan kung bakit kahit kailan ay di mo nameet si Dad"
Ang ibig sabihin ay sobrang yaman pala talaga ng pamilya ni Deanna.
"Kinailangan namin na umuwi ng Pilipinas dahil nagkaron ng mahigpit na kalaban si Dad sa business niya that time. Naging delikado sa amin because his rival was a dirty player when it comes to business. Nag decide si Dad na sa Pilipinas muna kami tumira para hindi muna kami ma trace ng kalaban niya kaya binago ko din ang pangalan ko nung pumasok ako sa University at yon din ang dahilan kung bakit hindi ko agad sinabi sayo dahil baka madamay ka sa gulo"
"Nung araw na nakita mo ako sa bench sa dating lugar na madalas natin tambayan naaalala mo diba nung binasag ko yung camera mo? Akala ko kasi ay may spy na sumusunod sa akin na pinapunta ng kalaban ni Dad. Kinabahan ako non dahil baka ako ang maging dahilan para mahanap kami."
So yun pala ang dahilan kung bakit niya binasag ang camera ko noon. Kung bakit parang kinabahan siya nung akala niya ay kinukuhanan ko siya ng picture.
"Tapos naging tayo. Alam mo ba nung araw na nagsabi ako kila Mom and Dad na tayo na lumayas ako sa amin diba? Kasi hindi tayo matanggap ni Dad. Hindi ka niya gusto para sa akin dahil akala niya ay pera lang ang habol mo sa akin Jema"
"Kahit kelan hindi pera ang naging habol ko sayo Deanna. Kahit nung mga panahon na wala tayo at hirap dahil nag desisyon tayo na humiwalay at mamuhay ng sarili natin ay mahal na mahal kita Deanna at alam mo yan" sabi ko sa kanya
"Oo alam ko yon Jema at alam din yon ni Mom pero masyadong matigas si Dad. Gusto niya na lagi akong kino control sa lahat ng ginagawa ko dahil ang akala niya ay yon ang makakabuti para sa akin. Habang masaya tayong nagsasama non sa apartment natin hindi namin alam ni Mom na pinlano na pala ni Dad ang lahat. Akala namin ay unti-unti na siyang pumapayag sa ating dalawa pero nagkamali kami"
Hindi ko naiwasang maisip lahat ng nangyari noon.
"Matagal na pala niyang pinlano yung nangyari sa inyo ni Cy. Nung araw ng party diba pinabalik niya ako sa bahay namin, nung araw na yon may pinakita siya sa akin na pictures niyo ni Cy. Nakita ko sa isang picture na magkayakap kayong dalawa, sa isa naman ay buhat buhat ka niya at yung isa ay parang hinalikan ka ni Cy. Nilinaw sa akin ni Cy na pinagawa sa kanya yon ni Dad para kuhanan kayo ng pictures. That time ay bankrupt na ang negosyo nila kaya ang kapalit ay babayaran ni Dad ang lahat ng utang ng pamilya niya at aalis siya papuntang US"
"Teka lang.. so ibig sabihin kaya ka umiiyak nung tumawag ako sayo nung gabing yon ay dahil sa pictures?"
"Oo jema at nung time na yon narinig ko pang magkasama kayo ni Cy sa party kaya mas lalo kong naisip na niloloko mo lang ako. Pinapunta ako ni Cy sa hotel room niyo nung nawalan ka ng malay. Tinext niya sa akin ang address at nakita ko nga kayong dalawa pero sinabi niya sa akin na wala talagang nangyari sa inyo. Inutos ni Dad na dapat may mangyari sa inyong dalawa pero hindi niya daw kayang gawin yon sayo kaya pinalabas nalang niya na meron dahil takot din siya kay Dad at para sa pamilya niya. Walang nangyari sa inyo Jema. Lahat yon kasinungalingan"
At dito nanaman tumulo ang luha ko. Ibig sabihin wala akong kasalanan sa lahat? Hindi ako ang dahilan kung bakit siya naaksidente? Pero bakit ganon? Bakit ginawa ng Dad niya lahat ng yon?
"Nung araw na akala mo patay na ako, dinala ako ni Mom at Dad sa America dahil sa sobrang tindi ng aksidente. Sinabi nila sa doctor na sabihin sayo na patay na ako. Dun ako inoperahan at na comatose ako ng isang buwan. Pagkagising ko ay hinanap kita pero sabi nila na hindi mo daw ako dinalaw kahit isang beses. Chinceck ko ang sns mo pero deactivated na ang lahat. Dun na ako sumuko na hanapin ka dahil baka hindi mo na talaga ako mahal"
"Nag deactivate ako noon dahil sobrang down ako non Deanna dahil akala ko kasalanan ko kung bakit ka nawala. Hindi ko matanggap Deanna. Hindi ko kaya na ako ang dahilan bakit ka namatay at hindi ko kaya na wala ka na sa tabi ko. Na depress ako non at doon ako nakilala ni Kyla"
"Wala kang kasalanan Jema. Wala kang kasalanan sa lahat ng nangyari. Patawarin mo ako Jema dahil hindi kita hinayaang magpaliwanag. Patawarin mo sana ako dahil iniwan kita"
At nakita kong umiiyak na din si Deanna. Alam kong wala din siyang kasalanan dahil hindi naman niya alam ang lahat.
"Alam kong malaking oras ang nawala sa atin Deanna at hindi mo rin kasalanan ang lahat ng nangyari dahil kagaya ko ay wala ka ding alam. Biktima ka din dito Deanna. Para sa akin ay hindi na mahalaga kung anong nangyari noon dahil ang mahalaga ay andito ka na. Mabubuo na ang pamilya natin Deanna. Isipin mo nalang na kahit ninakaw sa atin ang anim na taon ay meron pa tayong mahabang oras na magkakasama ngayon dahil andito ka na. Nakabalik ka na. Mahal na mahal kita Deanna."
Deanna's POV
Hindi ko alam kung paano kaya ni Jema na hayaan nalang ang mga nangyari sa amin. Sobrang bait talaga niya at ngayon lalo kong napatunayan na napaka swerte ko dahil siya ang pinili kong mahalin at siya ang nanay ng anak namin na si Claire.
Sa sobrang pangungulila ko sa kanya ay dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya, hinawakan ang mga pisngi niya at hinalikan. Gusto kong iparamdam sa kanya ang pangungulila ko sa loob ng anim ba taon. At nung hinalikan niya din ako pabalik ay alam ko at nararamdaman ko kung gaano niya katagal hinintay ang panahong to..
Ang makabalik ako sa kanya.... sa kanila ni Claire..
BINABASA MO ANG
Way Back Home
FanficThey vowed to keep their promise of forever, until a series of lies broke them apart. After everything that's happened between them, after all the heartaches they've felt, can they find their way back home?