Chapter 33
Jema's POV
Nagkakantahan lang kami sa loob ng kotse ni Deanna. Well mostly si Claire ang kumakanta at minsan sumasabay lang ako kapag tinuturo niya ako. Si Iza naman ay nakangiti lang sa buong biyahe. Minsan nag hhum din siya kapag alam niya yung kanta
Sobrang saya naming tatlo sa loob ng sasakyan. Sa totoo lang hindi ko din talaga maintindihan bakit ito ginagawa ni Iza. At isa pa hiwalay na sila ni Doc Celine. Ayokong tanungin siya ngayon. Dahil kahit selfish ako ay gusto ko lang maging masaya kami kahit isang araw lang.
Hindi ko maiwasang isipin na para kaming isang buong pamilya. Sobrang saya namin ngayon. And kalmado ng paligid, parang walang problema. Ako, ikaw at si Claire. Tayo lang. Tayo sa sarili nating mundo.
Bigla akong natigilan sa pag iisip ng biglang hinawakan ni Iza ang kamay ko. Napansin ko na naka red light pala at naka stop kami.
"Hey are you okay?" Tanong nito sa akin
"Ay sorry may iniisip lang. But yes I'm fine" sinabi ko at ngumiti sa kanya
"Let's just be happy okay? Saka na yang mga iniisip mo" nginitian niya ako
"Okay sige"
"Saka na ako mag eexplain kung anong nangyayari. Maging masaya muna tayo. Isipin mong ako siya. I look like her diba?" At hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko
Nagulat ako sa sinabi niya. Yun siguro ang nalaman niya nung sinabi sa akin ni Kyla na nakipag usap sa kanya tong si Iza. Bakit siya ganito? Ano bang balak niyang gawin? Pero ayoko ng mag isip. Tama siya. Sa ngayon kailangan masaya muna kami. At hinigpitan ko din ang hawak sa kanya
"Okay. Maging masaya tayo ngayon." And I smiled sweetly at her
Maya-maya pa ay nakarating na kami sa mall. Bumaba kami ng sasakyan. Hawak ko ang kanang kamay ni Claire at hawak naman ni Iza sa kaliwa. Kung titingnan para kaming isang pamilya.
Kinuha ni Iza ang bag na dala ko. Sinabi niya na siya na daw ang magdadala para hindi na ako mahirapan. Pa fall din talaga tong taong to.
Nagpunta muna kami sa Department Store. Gusto niya daw bilihan si Claire ng damit. Sinabi ko sa kanya na hindi na kailangan pero makulit parin talaga.
"Claire you should pick a dress. I'll buy it for you" sabi ni Iza kay Claire
"Tita Iza okay lang po. I still have dress pa po eh"
"Sige na baby. I want to buy you things. Diba sabi mo close na tayo. I want to give you gifts. Sige na pili ka na. Eto gusto mo ba to?" Sabi niya habang pinapakita kay Claire ang isang cute na dress
"Ang ganda po Tita Iza" sabi ni Claire na tuwang-tuwa
"Okay then we'll get this for you. Miss can you give me this one. And this one also. Pati na rin yung isang cute na dress sa likod. And also give me one full set of all that cute shirts sa likod."
Nagulat ako sa sinabi niya. Grabe naman tong si Iza balak ata bilihin lahat ng damit na meron dito. Nakita ko ang presyo at hindi biro lang.
"Hoy Iza. Grabe ka naman mamili. Madami pang damit si Claire sa bahay. Miss wait lang kakausapin ko lang tong kasama ko" sabi ko sa saleslady
"Iza magdahan-dahan ka naman sa pag gastos mo. Madami pang gamit si Claire sa bahay hindi naman kailangan to"
"Jema please let me? I want her to have all of this. Kahit ngayon lang. Saka it's not like you can stop me naman eh. So miss yes paki bigay sakin lahat ng sinabi ko. Make sure that the sizes are all fit to this cute little girl here okay?"
Sabi niya sa saleslady at wala naman akong nagawa
Grabe din talaga tong taong to. Hindi ba nauubos ang pera niya. Halos parang barya lang sa kanya kung bumili ng mga gamit.
"Uy Jema, sabi ko let's eat na"
Narinig ko nalang to sabay tinutusok ang tagiliran ko
"Oo na sige na halika na"
Tinanong ni Iza si Claire kung saan nito gustong kumain and as expected gusto niya sa Jollibee. Dun na din kami dumiretso at umorder na si Iza ng pagkain namin. Nakita ko kung paano himayin ni Iza ang chicken para kay Claire. Nakita ko kung paano sila nag eenjoy dalawa.
Hindi ko maiwasang panoorin kung paano si Iza sa anak ko. Pati sa pagpunas ng bibig niya at minsan sinusubuan pa niya ng sundae. Hindi ko alam na dadating ang araw na magiging ganito pa ako kasaya
Pagkatapos namin kumain ay nanood kami ng sine at umuwi na rin. Hinatid kami ni Iza sa unit namin. Nakatulog na si Claire sa biyahe kaya binuhat niya ito sa kwarto namin. Hinatid ko si Iza sa may pinto.
"Uhmm Jema, I want to tell you na nag enjoy ako sa lakad natin ngayong araw. Sana nag enjoy ka din" sabi niya at hinawakan ang kamay ko
"Nag enjoy ako Iza salamat"
"Sana hayaan mo akong gustuhin ka Jema. And I know it is so sudden but. I like you" sabi niya habang hawaka ang kamay ko. Hindi ko alam ang isasagot ko
"Jema I have to go now. Thank you"
"Sige Iza salamat ulit"
Deanna's POV
I can't stop now, I can't stop myself. I'm going to win you back and search for the truth. I'll tell you everything kapag nalaman ko na ang buong katotohanan. Konti nalang Jema. Sana mahintay mo ako and......
I still love you Jema. I still do
BINABASA MO ANG
Way Back Home
FanfictionThey vowed to keep their promise of forever, until a series of lies broke them apart. After everything that's happened between them, after all the heartaches they've felt, can they find their way back home?