Deanna's POV
Akala ko, perfect na ang lahat para sa atin.
Na hindi matatapos ang kasiyahan na siyang dahilan kung bakit gusto kong gumising sa umaga.
Na hindi mawawala ang taong kasama ko mula sa pagdilat ng aking mga mata sa umaga hanggang sa muling pagpikit ng mga ito.
Kaya pa ba nating tuparin ang pangako natin na habang buhay tayong magsasama? O hahayaan nalang natin ang tadhana na paglayuin tayo? O huli na ang lahat para satin?
Bakit hindi ka tumupad sa pangako mo?
Tama si dad, hindi ako dapat nagtiwala sa'yo..
Bakit nagbago ang tinitibok ng puso mo?
Bakit mo piniling saktan ako?
Nang dahil sa kasalanan mo, napalitan ng galit ang pagmamahal na naramdaman ko at kahit anong mangyari hindi ko na maibababalik ang pagkakataon.
Jema's POV
Hindi ko alam kung paano nangyari ang lahat.
Bakit sa isang iglap lang nawala lahat ng pangarap natin para sa isa't-isa.
Ang sakit parin hanggang ngayon.
Bakit mo kami iniwan na hindi man lang ako nakakapag paliwanag?
Paano ko kakayanin na ako nalang mag isa?
Kakayanin ko ba ang lahat ng pagsubok na hindi kita kasama?
Ikaw parin ang laman ng puso ko...
Ikaw parin ang hinahanap ko Deanna pero wala ka na sa tabi ko.
Wala na akong magagawa kundi tanggapin ang katotohanang iniwan mo na kami ng anak natin.
Sana maging masaya ka diyan sa langit at bantayan mo kami ni Claire.
Sana ay mapatawad mo ako sa lahat ng kasalanan ko.
Sa'yo at sa anak natin nalang ako kumukuha ng lakas.
Mahal parin kita Deanna,
Mahal na mahal.
BINABASA MO ANG
Way Back Home
FanfictionThey vowed to keep their promise of forever, until a series of lies broke them apart. After everything that's happened between them, after all the heartaches they've felt, can they find their way back home?