Chapter 39
Deanna's POV
Bawat oras na dumadaan habang nasa eroplano ako pabalik ng Pilipinas ay hindi ako mapakali. Buti nalang naikuha ako ni Ate Aly ng ticket kahit madalian. Business class na din ang kinuha ko para mas mabilis akong makabalik.
Hindi na ako makapaghintay na bumalik kay Jema at sa anak ko. Ngayon masasabi ko na din sa kanya lahat ng nangyari. Makakahingi na ako ng tawad sa kanya dahil hindi ako nagtiwala sa pangako niya.
Magkasama na naming papalakihin si Claire. Magiging isang buong pamilya na din kami. Makakasama ko nadin sila. Pagkatapos ng anim na taon na ninakaw sa amin ay magiging buo na ulit kami.
Pagkarating na pagkarating ko sa airport ay dumiretso agad ako sa unit ko at binaba ang mga gamit ko. Halos 9 am na din ng dumating ako sa unit ko and ayoko ng magsayang ng oras. Pinlano ko na lahat ng gagawin ko ngayong araw na to at kung paano ko sasabihin kay Jema ang lahat. Nagtext ako sa kanya kung pwede ba akong pumunta sa unit nila ngayon at sabi niya wala naman daw silang lakad.
Nasabi din sa akin ni Jema na nasa unit daw si Kyla dahil wala din daw itong trabaho. Tamang-tama at sumakto sa plano ko ang lahat. Konting hintay nalang Jema. Uuwi na rin ako. Uuwi na ako sa totoong nagmamay-ari ng puso ko at ikaw yon.
Sa totoo lang ay hindi ako nakakaramdam ng kahit anong pagod. Sinigurado ko din kasing magpahinga sa eroplano habang mahaba ang oras at para na rin sa pagbalik ko dito ay didiretso na din ako sa unit ni Jema.
Nag ayos ako ng sarili. Naligo ako dahil ilang oras din ang flight ko. Pagkatapos kong mag ayos ay sumakay na agad ako sa kotse para pumunta kila Jema. Hindi maalis ang ngiti sa mukha ko dahil makakasama ko na ulit ang pamilya ko.
Bago ako dumating sa kanila ay dumaan muna ako sa resto para bumili ng pagkain namin at hindi ko naman nakalimutan na bilihan si Claire ng favorite niya. Bumili din ako ng flowers para kay Jema at nagtext ako sa kanya na may dala na din akong pagkain para sa lunch.
Nang makarating ako sa unit ni Jema ay hindi na ako nagsayang ng oras. Kumatok agad ako sa pintuan nila at pinagbuksan ako ni Jema. Ibinaba ko muna ang mga dala kong pagkain at niyakap ko siya. Wala na akong pakialam kung magtataka siya o kung may makakita man sa aming dalawa. Basta gusto ko lang siyang yakapin.
"Uhmm Iza masyado na yatang matagal yung yakap mo?" Pagtataka ni Jema
"Andito na ako Jema. Nakabalik na ako"
"Oo nga andito ka na hahahaha pwede ka ng bumitaw at pumasok na tayo sa loob"
"Namiss kita Jema. Sobrang namiss kita"
"Halata naman sa yakap mo Iza Hahahaha Bumitaw ka na at pumasok na tayo doon sa loob para makakain na tayo"
"Uhmm Jema pwede bang pagkatapos natin kumain ay sumama ka sakin? May pupuntahan lang tayo. Iwan nalang muna natin si Claire kay Kyla?"
BINABASA MO ANG
Way Back Home
FanficThey vowed to keep their promise of forever, until a series of lies broke them apart. After everything that's happened between them, after all the heartaches they've felt, can they find their way back home?