Chapter 44
Deanna's POV
Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam ako kay Jema na aalis ako ngayon para pumunta sa unit ko. Aayusin ko ang lahat ng gamit ko and I'll move out. Hinihintay ko nalang din naman na matapos ko yung end of the month and ibebenta ko nadin ang unit ko.
Bago ako umalis ay kinausap na namin ni Jema yung personnel and nasabi naman niya sa akin na may available unit pa sa floor nila jema. Siguro 2 units apart lang naman sa kanila kaya sinabi ko na kukuhanin ko na. Fully furnished naman na yung unit so wala na akong poproblemahin at lilipat nalang ako.
Pagkadating ko sa unit ay inayos ko nadin ang mga gamit ko. Nilagay ko na sa luggage ang mga damit ko pati narin ang ibang mga gamit ko dito sa condo ko. I'll just buy nalang yung mga other necessity ko bukas kapag pumunta kami sa mall nila Jema at Claire.
Sinigurado ko muna na lahat ay maayos sa unit ko bago ako umalis para nadin hindi mahirapan ang mga staff sa pagcheck nito once na ibenta ko na siya. Sinigurado kong wala na akong naiwan na gamit bago ako lumabas at ibaba sa kotse ang lahat ng mga inayos at inempake ko.
But before I move out, alam kong kailangan ko tong gawin. May part sa akin na nag hehesitate kung paano sasabihin kay Celine ang lahat. Pero alam kong kailangan niya malaman ang totoo. Kailangan niyang malaman na may pamilya na ako at hindi na ako babalik pa.
Alam kong masasaktan ko siya. Alam ko din na iniiwasan niya ako dahil simula nung naghiwalay kami ay hindi ko na ulit siya nakita at hindi na tinawagan. Masakit para sa kanya ang mga nangyari pero lahat naman kami ay nasaktan. Kailangan ko ng gawin ang tama at sundin ang puso ko.
Pumunta ako sa tapat ng unit niya para mag usap kami at magpaalam na din sa kanya dahil lilipat na din ako ng unit. Kumatok ako sa pinto niya at nagtext din ako na nasa labas ako. Maya-maya din ay lumabas na siya at pinagbuksan ako ng pinto.
"Pasok ka muna Iza" bati niya sa akin. Kilala ko si Ced at alam ko sa mga oras na to ay pilit ang mga ngiti na ibinibigay niya sa akin.
"Okay uhmm thank you Ced"
Umupo ako sa couch at nasa magkabilang dulo kaming dalawa. Walang nagtatangka na unang magsalita sa aming dalawa. Ilang minuto din ang lumipas ng magsalita si Ced.
"Ano yung gusto mong pag usapan natin?"
"Uhmm una sa lahat. My real name is Ma. Deanna Izabella Alvizo Wong. Yung Iza na nakilala mo yun ang totoong status ng pamilya ko. And ako ang Dada ni Claire. She's our daughter. Nag IVF si Jema noon and siya yung anak na hinihiling naming dalawa"
Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Celine. Alam ko naman na mahirap paniwalaan ang lahat. At kung ano ang nangyari. Hindi na niya nagawang magtanong kaya sasabihin ko nalang sa kanya ang lahat.
Ikinwento ko kay Celine kung paano ako napapunta dito sa Pilipinas. Ang problema ni Dad noon sa company niya, ang paglipat ko sa University kung saan nag-aaral si Jema, kung paano kami nagkakilala, ang pagtutol ni Dad sa relasyon naming dalawa, ang paglipat namin sa iisang apartment, ang pagtulong ni Mom at ang pagpunta namin sa doctor para sa IVF ni Jema, yung party at pagpapakita sa akin ni Dad ng picture ni Cy at Jema, ang nakita ko sa hotel, ang aksidente at kung paano nagsinungaling si Mom at Dad na patay na ako kay Jema.
"Paano nagawa ng Dad mo lahat ng yon?" Sabi ni Ced
"Hindi ko din alam. Kakabalik ko lang galing US at sinabi na sa akin ni Cy ang lahat. Inamin na rin ni Dad ang lahat ng ginawa niya"
"Alam na rin ba to ni Jema?"
"Kakasabi ko lang sa kanya lahat kahapon pagkauwi ko galing sa US"
"So I guess you're here to formally say goodbye?"
"Una sa lahat I'm sorry Celine. Sa 3 years na pinagsamahan natin minahal kita ng totoo. Naappreciate ko lahat ng pagmamahal na binigay mo sakin. I know at some point naging selfish din ako. Hindi ko akalain na magkikita pa kami ulit ni Jema at malalaman ko ang totoo sa kung anong ginawa ni Dad. I'm really sorry for hurting you. Alam ko hindi sapat yung word na sorry para mabawasan yung sakit na nararamdaman mo. Pero kailangan ko ng bumalik sa pamilya ko. Kailangan kong bumawi sa kanila lalo na kay Claire."
"You don't have to say sorry kasi nasaktan ka din sa nangyari. Wala kang kasalanan dahil hindi mo din naman ginustong malayo ka sa pamilya mo. I can't even imagine the pain that Jema went through nung akala niya patay ka na and it somehow made me feel guilty dahil yun ang mga panahon na masaya tayo sa US. I guess that's just the way it is. If it's meant to be then it will always come back to you"
Sobrang bait talaga ni Celine. Alam kong nasasaktan siya pero mas pinili niyang intindihin ang nangyari.
"Hindi ako magsisinungaling sayo Iza.. nasasaktan ako. But I just have to let you go. Una dahil sila ang pamilya mo at pangalawa dahil alam kong si Jema talaga ang laman ng puso mo. Wala akong pinagsisisihan sa lahat ng nangyari dahil kahit sa maikling panahon ay minahal kita at minahal mo ako. Napalapit na din sa akin si Claire at gusto ko din na magkaroon siya ng isang buong pamilya. Go back to them and make them happy dahil alam ko na yun din ang magpapasaya sayo. Lahat ng sakit na naramdaman niyo noon at itong sakit na nararamdaman ko ngayon, gawin mong worth it to Iza kaya kailangan maging masaya ka na dahil ang dami mo ng pinagdaanan para makarating dito. And don't worry because I'll be fine. Your happiness is my priority then and now I have to prioritize myself so I'm letting you go"
"Thank you Celine"
"Pero pano si Claire? Nasabi niyo na ba sa kanya?"
"Hindi pa dahil baka mabigla siya sa lahat ng nangyayari. Nagdesisyon kami na pagkatapos nalang ng surgery niya. Inaayos na namin yung magiging surgery niya sa US at nagpatulong na din ako kay Mom"
"That little girl deserves all the love in the world and masaya ako na makakapag pa surgery na din si Claire. Don't worry kasi I'm her doctor and aayusin ko lahat ng records niya para sa surgery niya sa US"
"Maraming salamat Celine"
"You just have to promise me that you will be happy with your family at magiging masaya na din ako"
"I promise Celine. Thank you for everything"
At niyakap ko siya bago ako umalis sa unit niya.
Sobrang bait talaga ni Ced.. one of the many things I admire about her.
Ngayon makakapag focus na ako sa pamilya ko. Makakabawi na ako sa kanila.
________________________________________________________
Sorry sa late update hehe Enjoy :-)))
BINABASA MO ANG
Way Back Home
FanfictionThey vowed to keep their promise of forever, until a series of lies broke them apart. After everything that's happened between them, after all the heartaches they've felt, can they find their way back home?