Chapter 2

2.1K 79 3
                                    

Jema's POV

Nagluluto ako ng breakfast namin ng bigla akong niyakap ni Claire. At dahil 5 years old palang siya at maliit pa, Hanggang sa hita ko lang ang naabot niya.

"Mommy can you not go nalang po? One week ka mawawala at mamimiss ka ni Claire. Gusto ko po ikaw ang kasama ko kapag bumalik ulit ako sa hospital para sa check-up. Natatakot po ako mommy kapag hindi ikaw ang kasama ko." Naiiyak na sabi nito

"Baby ayaw din ni mommy umalis pero kailangan ko mag work para may pang bayad tayo sa hospital bills mo at para may pambili tayo ng food para maging healthy ka na. Kahit ayaw ko umalis at mag stay nalang dito para samahan ka sa check-up mo eh hindi pwede anak kasi kailangan mong gumaling. Saka andyan naman si tita Kyla para samahan ka eh. Wag na malungkot anak please?"

Si Kyla ang bestfriend ko. Nakilala ko siya pagkatapos mawala ni Deanna at simula noon ay tinulungan na niya ako sa pagpapalaki kay Claire lalo na kapag may may mga shoot kami sa malalayong lugar.

"Mommy promise po sayo ni Claire na magiging good girl na ako at lagi akong makikinig sa bilin ni Doc para gumaling na po ako at di na kayo mahirapan mag work." Sobrang bait talaga ng anak ko

"Ang bait bait naman ng baby ko. Promise ni mommy sa'yo na kapag nakabalik na ako, bibilihan kita ng favorite mong We Bare Bears na stuffed toy. Basta be a good girl always ha? Saka wag mo papahirapan si tita Kyla ha?"

"Opo mommy, promise po I'll be a good girl and hihintayin nalang po kita makabalik ulit dito. Alam ko naman po na kaya ka nagwowork ay para maging healhy na si Claire" sagot naman nito kaya napangiti ako

Binuhat ko si Claire papunta sa dining table para makakain na kami ng breakfast.

Isang nang kilalang photographer si Jema sa kompanyang pinagtatrabahuhan niya. After niyang maging assistant photographer for 2 years ay nabigyan ito ng chance na patunayan ang sarili sa isang sikat na magazine photoshoot na naging stepping stone para makilala siya at magkaroon pa ng maraming projects at maging succesful. Nagtatrabaho siyang mabuti para makaipon at mai pangbayad para sa surgery ni Claire.

Si Claire ang naging priority niya pagkatapos mamatay ni Deanna sa aksidente 6 years ago.

Bago maaksidente si Deanna ay nakita siya nito sa isang hotel room na walang damit at hindi maalala kung anong tunay nangyari. Ang tanging naaalala lamang niya ay ang bigla niyang pagkahilo after niyang pumunta sa party ng batch nila.

Inabot sa kanya ni Cy ang bote ng tubig nung makita nito na naihilo siya at pagkatapos non ay wala na siyang maalala at pagkagising niya ay wala na siyang damit at nasa loob na siya ng isang hotel room na kasama si Cy habang nakatayo sa pinto si Deanna na tumutulo ang luha. Tinangka niyang lapitan si Deanna ngunit humahakbang ito palayo.

Sinubukan niyang sabihin kung ano ang nangyari pero wala siyang maalala. At dahil dito ay tumakbo si Deanna palayo at sumakay sa kotse nito. Dahil sa sobrang galit ni Deanna ay mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan hanggang sa hindi niya namalayan na may paparating na isang truck kaya umiwas ito at naibangga sa poste ang kotse na kanyang minamaneho.

Sinabi sa kanya ng Doctor ni Deanna na sa sobrang lakas ng impact ay hindi nakaligtas si Deanna. Hindi na niya nakita si Deanna maging ang bangkay nito pagkatapos ng aksidente at sinabi nalang ng doctor nito na nag migrate na sa US ang parents ni Deanna kasama ang mga labi nito na pina-cremate nila.

Pagkatapos noon ay sinisisi na niya ang sarili niya sa pagkamatay ni Deanna. Nadepress si Jema at dahil doon ay napabayaan na niya ang kanyang sarili at lingid sa kaaalaman niya ay buntis na pala siya noon kay Claire

Nalaman na lamang niya na buntis siya pagkatapos siyang dalhin sa ospital dahil nakita na lamang siyang walang malay ni Kyla na noon ay bagong dating galing probinsya at uupa sa kabilang unit ng tinitirhan ni Jema. Pagkatapos ay sinabi na nga sa kanya ng doctor na nagdadalang tao nga siya at medyo delikado ang lagay ng bata dahil epekto ng sobrang stress at pagpapabaya ni Jema sa sarili.

Dahil sa nalaman ni Jema ay naging buo ang desisyon niyang magsimula ulit at magpaka tatag para sa kanila ng anak niya

Masaya kaming kumakain ng breakfast ng biglang dumating si Kyla sa pintuan.

Dali-dali itong pumunta sa table at umupo para kumuha ng pagkain na ikinagulat naman ni Claire at Jema

"Tita Kyla bakit parang gutom na gutom ka po? Dahan dahan lang dapat ang subo mo tita. Gayahin mo si claire para hindi ka po mabulunan."

"Napaka cute mo talaga Claire hehe Sorry gutom lang si Tita Kyla. Magdadahan dahan na ako sa pagkain" at nagbigay ng peace sign kay Jema

"Nako Kyla buti pa si Claire kesa sayo. Magdahan dahan ka kasi. Mamaya mabulunan ka niyan"

Ngumiti naman si Claire kay Kyla at pinisil ni Kyla ang pisngi nito Hindi maiwasang mag isip ni Jema habang nakikita niya ang anak at ang bestfriend niya na nagkukulitan.

Jema's POV

Kapag nakikita ko ang anak ko na nakangiti ay lalo akong nagiging masaya at lumalakas ang loob ko na harapin ang pagsubok kahit ako nalang mag isa.

Thank you Deanna dahil kung hindi dahil sa'yo hindi ako magkakaroon ng isang Claire na bubuo sa buhay ko.

Kung wala siya, siguro mas pipiliin ko nalang tapusin ang buhay ko noong mawala ka. Lagi kitang naaalala lalo na kapag ngumingiti siya.. Matalino din si Claire at masunurin.

Pero hindi ko parin maiwasan na sisihin ang sarili ko kung bakit siya nagkasaskit sa puso. Hindi ko alam na buntis na pala ako noon at hindi ko iningatan ang sarili ko. Sinabi sa akin ng doctor na delikado ang lagay niya ng dalhin ako ni Kyla sa ospital. Naipanganak ko si Claire pero nalaman ko na may sakit pala siya sa puso.

Pinapangako ko sa'yo Deanna na papalakihin ko ng maayos si Claire at gagawin ko ang lahat para maituloy na ang surgery niya para tuluyan ng gumaling si Claire. Sana ay mapatawad mo parin ako sa nangyari sa'yo at sa nangyari kay Claire.

Habang nakatulala si Jema ay nilapitan siya ni Claire at niyakap siya nito.

"Mommy diba kailangan mo na po mag ayos ng bag mo saka mga damit mo po. Baka malate po kayo sa traffic kapag di ka pa po nag ayos ngayon." Bigla namang natawa si Jema dahil kay Claire.

Tinapos na niya ang kanyang pagkain at umakyat sa taas para ayusin ang gamit niya. Pagkatapos niyang mag ayos ng gamit ay naligo na ito at nag ready sa pag alis.

Nang matapos si Jema ay niyakap niya ang anak at hinalikan ito sa pisngi at nagbilin din kay Kyla ng mga kailangan niyang gawin at mga gamot ni Claire pati narin ang oras ng check-up nito at umalis na si Jema upang pumunta sa hotel kung saan siya magsstay ng one week sa manila.

Pagkaalis ni Jema ay tinawag ni Kyla si Claire

"Dahil wala si Mommy Jema mo, Aalis tayo Claire. Saan mo ba gusto pumunta?"

"Tita Kyla pwede mo po ba akong dalhin sa park kung saan kami madalas pumunta ni Mommy?"

"Okay sige. Basta ubusin mo muna yang pagkain mo tapos papaliguan kita at aalis na tayo."

Bigla namang ngumiti si Claire at pumalakpak sa sobrang tuwa at pumunta agad ito sa C.R. para maligo.






Way Back HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon