Chapter 51
Deanna's POV
Days passed and I can finally say that I'm the happiest. Lalo na ngayon at kasama ko ang pamilya ko. Naayos na din namin ni Jema ang passport ni Claire at yung maiiwang trabaho ni Jema kasi anytime pwede na kaming umalis. Hinihintay nalang namin na makahanap ng possible donor ng heart si Claire sa US.
Si Mom na ang nag aasikaso ng lahat ng kakailanganin namin doon. Nakipag usap na din siya sa ilang magagaling na doctor sa US para sa surgery ni Claire. Sinend na din sa kanya ni Celine ang lahat ng record ni Claire para makahanap na sila ng donor and I'm really thankful kasi napaka hands on ni Celine kay Claire.
Naghihintay nalang kami para makapunta na kami sa US. Kinakausap na din namin si Claire na malapit na ang surgery niya kaya kailangan niya maging strong and sobrang humahanga ako sa anak ko dahil sobrang tapang niya. Nakuha niya sa Mom niya dahil isa si Jema sa mga pinaka matapang na taong kilala ko or I can say na siya ang pinakamatapang na taong kilala ko.
Kinaya niyang mabuhay ng mag-isa kahit na bata pa siya. Nagawa niyang pag-aralin ang sarili niya at makapagtapos ng pag-aaral. Nagawa din niyang magbuntis ng mag-isa at maipanganak si Claire kahit wala siyang kasama sa buhay. Naalagaan niya si Claire kahit habang nagtatrabaho siya or may shooting.
Sa totoo lang ay kinakabahan din kami ni Jema sa surgery ni Claire pero knowing na matapang siya, hindi namin pwede ipakita na kinakababan kami. Kailangan namin palakasin ang loob niya at alam ko naman na hindi basta-basta ang doctor na kinuha ni Mom sa US.
Kailangan namin pumunta ngayon sa ospital para sa mga natitirang kailangan gawin kay Claire para malaman if fit ba siya sa mga surgery or kung may allergy ba siya, pati na ang mga possible na complications ay kailangan din i check para makasigurado.
I'm still hesitant kasi si Celine ang doctor ni Claire at pupunta kami ngayon sa kanya. Kasama ko si Jema at alam ko naman na nasaktan ko din si Celine. I still feel guilty everytime na makikita ko siya at maaalala dahil alam kong hanggang ngayon ay nasasaktan pa din siya.
Nag ayos na kaming tatlo para sa pagpunta namin sa ospital. Nagtext na din ako kay Celine to inform her na papunta na kami sa hospital. Sinundo ko si Jema at Claire sa unit nila at nagdrive na ako papuntang ospital.
Pagkadating namin ay dumiretso agad kami sa room ni Celine.
"Hi po doc pretty!" Masayang bati ni Claire sa kanya
"Hi sa pinaka cute kong pasyente" sagot naman ni Claire
Ngumiti naman siya sa amin ni Jema pero nakikita ko sa mata niya ang lungkot at sakit na nararamdaman niya.
"Claire kailangan mo mag undergo ng iba pang mga test ha? To make sure that you will be okay pagdating ng surgery. Don't worry kasi alam kong brave and strong ka okay?" Nakangiting sabi ni Celine
"Yes po doc pretty"
"Uhm Iza, Jema may naka assign na sa inyo na room hababg naghihintay kayo sa mga test ni Claire. Nasabi ko na din sa nurse na ihatid kayo don. Isasama ko muna si Claire para sa check-up niya" sabi ni Celine
"Thank you Celine. Thank you for everything" sabi naman ni Jema
"It's fine. You'll get through this. Malakas si Claire at alam ko na she'll be okay." Sagot ni Celine sa kanya
"Thank you Ced"
"No worries Iza. Just be happy and make this little girl and Jema happy okay?" Sagot ni Celine habang hawak ang kamay ni Claire
"Paano maiwan muna namin kayo ha. Tara na Claire?"
"Okay po doc pretty. Bye mommy, bye tita Iza!" Nakangiting sabi niya
Pagkadating namin sa room ni Jema ay napag usapan namin si Celine
"Sobrang bait talaga ni Doc Celine. Nagguilty ako Deanna kasi nasaktan natin siya" sabi ni Jema
"Ako rin love pero wala naman tayong magagawa. We just have to make it work para worth it lahat ng pain na naranasan natin at ng malalapit sa atin. "
"Kinakabahan ako sa magiging surgery ni Claire" halata ang takot sa mata ni Jema
"Hey, she'll be okay hmm?? I'll do everything just to make sure that she's okay"
"Di ko maiwasan na isipin Deanna"
"She's a strong girl like you and isa sa pinaka magagalin na doctor ang kinuha ni Mom sa US kaya try not to worry too much. Magdasal nalang tayo para sa surgery niya"
And I hugged her at pinagaan ang loob niya habang naghihintay kami ng result ng check-up ni Claire. Maya-maya ay tumawag si Mom
Mom: Hello Deanna, I just want to inform you na may possible donor na si Claire
Deanna: Really Mom??
Mom: Yes kaya you have to be here in the next few days. Nasa 80% din na match kay Claire yung donor kaya dapat makapunta agad kayo dito just to make sure that it fits.
Deanna: Okay Mom in 2 days aalis na po kami papunta diyan. Thank you so much Mom. I love you
Mom: Okay anak. Kahit ano basta sa inyo ng apo ko. Ayusin mo na lahat ng kailangan niya then pumunta na kayo dito
Deanna: Okay Mom
And I ended the call.
"Love may possible donor na daw si Claire" sabi ko kay Jema
"Talaga love??" Nagulat na sabi ni Jema
"Oo kaya we have to fly there para makapag undergo na ng surgery si Claire kung talagang match sila"
"Maraming Salamat kay God. Sabihin mo sa Mom mo na sobra sobra akong nagpapasalamat sa lahat ng tulong niya sa atin Deanna. Magkakaroon na ng normal na buhay si Claire"
"Yes love. Malapit na"
I can't wait to tell Celine ang balita. Sana okay ang lahat sa check-up ni Claire para makaalis na kami papuntang US
BINABASA MO ANG
Way Back Home
FanfictionThey vowed to keep their promise of forever, until a series of lies broke them apart. After everything that's happened between them, after all the heartaches they've felt, can they find their way back home?