Chapter 29
Deanna's POV
Kahit nagkakantahan na silang lahat ay hindi parin maalis sa isip ko yung kanina. Naguguluhan ako. Nahalata din siguro ni Celine na wala ako sa sa sarili ko. Pagkatapos nang kantahan at konting inom ay pumasok na kami ni Celine pati narin si Jema dahil baka daw magising si Claire na wala siya sa tabi nito.
Walang nagsasalita sa aming dalawa. Sa tuwing tumitingin ako kay Celine ay nginingitian niya lang ako at ganon din naman ang sinusukli ko sa kanya. Nung humiga kami ay niyakap niya lang ako at nagsabi ng I love you at natulog na siya. Alam kong may mali. Alam kong ayaw niya lang ako pilitin na magsalita. Ang dami kong tanong pero hindi ko siya magawang tanungin. Ano ba talaga ang nasa isip mo Jema?
Habang lagi akong malapit sayo lalong gumugulo ang nararamdaman ko. Napaka unfair ko kay Celine. Hindi niya deserve to. Sa loob ng 3 taon ay wala siyang ginawa kundi mahalin ako.
Lahat ng kailangan ko ay binigay niya. Wala siyang pinakita sa akin kundi pagmamahal. Napaka understanding niya na umabot sa point na sinabi niyang naiintindihan niya kung hindi parin ako maka move on sa nangyari.
Naiinis ako sa sarili ko. Deserve niya naman ang buong puso ko. Lahat ng pagmamahal ko pero bakit hindi ko parin maibigay ng buo? Bakit may parte parin sa puso ko na si Jema ang nagmamay-ari? Akala ko sa loob ng anim na taon ay okay na ako pero nung nakita ko ulit ang mukha niya bakit parang apektado pa rin ako?
Bakit nalulungkot pa rin ako??
Bakit may kurot pa rin sa puso ko??
Bakit mahal pa rin kita??
Kailangan ko ng kausapin si Celine. Sasabihin ko na sa kanya ang totoo. Hindi pwede na ganito. Mas magandang maging honest ako sa kanya. At kung anong maging desisyon niya ay tatanggapin ko.
Sa sobrang gulo ng isip ko ay lumabas ako ng kwarto at nakita kong walang tao sa sala. Nasaan si John Vic?
Paglabas ko sa bahay ay nakita ko siyang nakaupo sa terrace sa may pool. Nakatingin lang siya sa malayo
"Bakit andito ka mag-isa?"
"Oh Iza ikaw pala yan. Di ka rin makatulog?"
"Oo eh bakit ka andito?"
"Madami akong iniisip"
"Gusto mo bang mag kwento?"
"Nireject na ako ni Jema" Ano tama ba naririnig ko?
"Bakit? Anong problema?"
"Sinabi niya na iisang tao lang daw ang laman ng puso niya. At kahit anim na taon na ang nakalipas yun padin daw ang mahal niya." Sabi nito na halata ang sakit sa mata niya
"Sabi niya wala naman daw mali sa akin pero nasa kanya dahil hindi na niya kayang magmahal ng iba. Na kahit anong mangyari isang tao lang daw ang mamahalin niya"
"Paano mo ba nakilala si Jema Vic?"
"Naging assistant photographer siya noon sa company namin. Halos bago lang din ako non. Nung una nakita ko na maganda siya pero usap-usapan sa department namin noon na may anak na daw siya. Ang daming chismis sa kanya noon dahil sabi ay iniwan daw siya ng tatay ng bata. Sa totoo lang ay minsan dinadala niya noon si Claire sa shoot. Halos 3 taon palang si Claire non. Palagi siyang humihingi ng pasensya dahil wala daw magbabantay sa anak niya sa bahay nila dahil may trabaho din ang bestfriend niya at wala na siyang mga magulang. Kapag tinatanong naman siya ng iba kung nasaan ang tatay ng bata ay sinasabi niyang wala na daw ito at iniwan na sila"
Nagulat ako sa lahat ng sinabi ni Vic. Ibig sabihin iniwan ni Cy si Jema nung nabuntis niya to?? Pero diba mahal niya si Jema at gusto niya noon na maagaw to sakin?
"Nung una akala ko ay awa lang ang nararamdaman ko kay Jema. Alam mo ba Iza sobrang hirap ng pinagdaanan ni Jema noon? Papasok siya na dala niya si Claire at lahat ng mga gamit nito. Nagpapahatid lang sila sa kakilala nila noon dun sa Laguna kung saan sila nakatira. Dala-dala niya lahat ng gamit ni Claire pati narin ang Camera at lense niya. Sa tuwing magsisimula ang shoot ay iiwan niya si Claire na nakaupo lang sa isang silya habang nagtatrabaho siya. Tapos kapag may mga saglit na break ay papakainin niya to. Minsan nga pag natatagalan si Claire tapos kailangan na mag resume ng shoot hindi na siya nakakakain"
Bakit naiiyak ako sa lahat ng naririnig ko??
"Hanggang sa naging malapit na kami kay Jema pati narin kay Claire. At sa tuwing may project kami ay sinusundo ko siya noon sa bahay nila sa Laguna at doon nagsimula ang nararamdaman ko sa kanya. Sinabi ko noon na manliligaw ako sa kanya pero lagi siyang tumatanggi sa akin. Naging makulit ako at sinabi sa kanya na bigyan niya ako ng chance. Hindi ko siya ippressure na magustuhan din ako basta bigyan niya lang ako ng chance na patunayan ang sarili ko"
Hindi ko na naiintindi ang ibang sinasabi ni Vic sa akin. Dahil ang nasa isip ko lang ay malaman kung bakit umalis so Cy at bakit niya iniwan si Jema
"Siguro ako lang yung makulit at ipinilit ang sarili ko sa kanya. Tanggap ko naman ang desisyon niya Iza. Masakit lang talaga sa akin"
"Irespeto mo nalang ang desisyon niya. Tama naman ang ginawa niya na sabihin sayo ang totoo. Kesa naman paasahin ka niya."
"Naiintindihan ko naman Iza. Salamat"
"Paano akyat na ako ha baka magising si Celine na wala ako sa tabi niya"
"Sige Iza salamat sa pakikinig"
Umakyat ako sa taas at humiga sa tabi ni Celine. Pagkahiga ko ay niyakap ako nito. Niyakap ko din siya pero nakatingin lang ako sa kisame.
Kailangan kong malaman ang totoo. Kakausapin ko si Celine bukas pag uwi namin sa manila. Sasabihin ko na sa kanya ang lahat. Kailangan kong gawin to para maka move on ako
Kailangan ko din makausap si Kyla kung ano ang nangyari kay Jema at kay Cy noon..
BINABASA MO ANG
Way Back Home
FanfictionThey vowed to keep their promise of forever, until a series of lies broke them apart. After everything that's happened between them, after all the heartaches they've felt, can they find their way back home?