Chapter 28

1.7K 73 4
                                    


Chapter 28


Pumunta kami ni John Vic dun sa table sa may gilid ng place para makapag usap kami ng maayos. Para narin maging private ang pag uusap naming


"So Jema ano yung pag uusapan natin?"


"Uhmm Vic una sa lahat sorry kasi hinayaan ko pa na umabot ng ganitong katagal. Pero sorry kasi hindi talaga eh. Nag try naman ako na magustuhan ka eh pero hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sayo."


Nakita ko ang biglang paglungkot ng mga mukha nito


"Mahirap ba ako magustuhan Jema?"


"Hindi naman sa ganon Vic. Hindi ka mahirap magustuhan. Ako talaga ang may problema kasi hanggang ngayon siya padin ang nasa puso ko. Hindi ko kayang ipilit sa sarili ko na hindi siya mahalin. Siguro nga hindi ko na kayang magmahal ng iba at hindi mo problema yon. Mabuti kang tao at mabuti kang kaibigan pero sorry kasi hanggang doon lang talaga ang maibibigay ko"


"Nirerespeto ko naman ang desisyon mo Jema. Matagal na rin naman akong nanligaw and siguro hindi ko nga siya kayang palitan sa puso mo. Wag kang mag alala, titigil na ako. Friends pa din naman tayo diba? Saka pwede ko padin dalawin si Claire?"


"Oo naman. Friends naman talaga tayo eh. Saka pwede mo padin dalawin si Claire. Ikaw parin naman ang tito pogi niya eh" sabi ko habang nakangiti dito


"Salamat Jema at hinayaan mo akong ligawan ka pero siguro nga hanggang friends lang talaga. Hindi ko nama madedeny na nasaktan ako pero tatanggapin ko naman yung desisyon mo"


"Salamat sa pag intindi Vic. Pano tara na doon na tayo sa kanila"


Umalis ako at sumunod na ito sa akin para pumunta kung saan nandoon sila ate Mich. Maya-maya pa ay may bumusina na sa labas at sinabi ni ate Mich na andyan na daw sa labas si Iza at si Doc Celine


Sana kaya kong hindi maging awkward ngayong araw. Baka magtanong pa si Doc Celine. Nakakahiya pag nangyari yon. Kailangan ko lang naman mag pretend. Hindi naman siguro mahirap gawin yon.


Pinagbuksan sila ni Ate Mich at pumasok na si Iza at Doc Celine dito sa loob. May dala din silang ibang pagkain na para daw mamaya. Bumati naman sila isa-isa ng makita ako ni Doc Celine


"Uy Hi Jessica! Andyan ba si Claire?"


"Yes Doc sinama ko siya kasi walang magbabantay sa kanya sa bahay. Andon siya sa loob nanonood ng cartoons"


"Sige puntahan muna namin siya ni Iza. Namimiss ko nadin ang cutie patient ko eh" Nakangiting sabi nito


Maya maya pa ay kasama ng lumabas ni Iza at Doc Celine si Claire. Natutuwa naman ako dahil malapit na talaga ang anak ko sa kanilang dalawa. Nagyaya na din sila kumain ng late lunch dahil 2 pm na halos


Kumain naman kami ng sabay-sabay at medyo umiiwas naman sa akin si John Vic. Hindi ko naman siya masisisi dahil alam kong nasaktan ko din naman siya. Pagkatapos namin magpatunaw ay naligo na din kaming lahat sa pool.

Way Back HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon