Chapter 30
Deanna's POV
Alam kong may nagbago sa amin ni Celine simula ng nangyari sa amin sa outing kagabi. Hindi siya nagsasalita pero alam kong may iba sa kanya. Habang nag ddrive ako ng kotse pabalik sa manila ay walang nagsasalita sa aming dalawa.
Nakatingin lang si Celine sa daan at hindi rin naman ako nagttry na magsalita pa. Kakausapin ko na siya pagkadating na pagkadating namin sa unit ko.
Dahil sa sobrang tahimik ay binuksan ko ang speaker sa sasakyan at nag play nalang ng random music para naman mawala ang tension sa loob ng sasakyan.
Mga 11 am ay nakarating na din kami sa unit namin. Nagpasya kami ni Celine na mag take out kanina sa madadaanan naming resto. Pagkadating namin sa unit ko ay inayos namin ang inorder namin at kumain kaming dalawa.
Celine insisted na siya na ang maghuhugas ng kinainan namin at siya na daw ang bahalang mag ayos non. I don't know why pero ang lakas ng feeling ko na hindi magiging maayos ang pag uusap naming dalawa. Pero I have to do this. Ayokong maging unfair pa sa kanya
"Uhmm Celine, let's talk after mo mag ayos? Kailangan natin mag usap"
Celine's POV
"Uhmm Celine, let's talk after mo mag ayos? Kailangan natin mag usap"
Dumating na ang araw na kinatatakutan ko. Eto na ba yon?
"Okay sige. Tatapusin ko lang to. Malapit na akong matapos"
"Okay punta ka nalang sa sala"
Kahit anong gawin ko ay hindi ko mahinto ang oras. Binabagalan ko ang paghugas ng plato pero alam kong hindi ko na maiiwasan to. Kailangan ko ng harapin ang lahat. Pagkatapos ko ay lumabas na ako at nakita kong nakaupo si Deanna sa couch. Umupo ako sa kabilang dulo nito.
"Ano yung gusto mong pag usapan?"
"Uhmm Celine I don't want to hide things from you. And I want to be honest with you as much as possible. Okay naman sana eh. Okay na ako nung nasa US tayo. Akala ko okay na ako. Pero nung nakita ko ulit siya hindi ko alam pero gulong-gulo ako"
"Si Jessica ba? Siya si Jessica diba?" Unang beses palang na nakasama namin si Jessica malakas na ang kutob ko.
Medyo nagulat siya sa sinabi ko
"Pano mo nalaman?"
"Iza 6 na taon na tayong magkakilala. Sa tatlong taon na yon naging sobrang close na natin sa isa't-isa. Hanggang sa naging tayo kaya mas nakilala kita. Akala mo ba hindi ko napapansin ang lungkot sa mukha mo sa tuwing tumitingin ka sa kanya? Na punong puno ng pangungulila yang mata mo? O akala mo hindi ko nakikita sayo yung sakit habang tumitingin ka sa kanya? At alam mo ba kung ano ang pinakamahirap? Na sa tuwing titingin ka sa kanya, sa likod ng lungkot, sakit at pangungulila nakita kong mahal mo parin siya"
BINABASA MO ANG
Way Back Home
FanfictionThey vowed to keep their promise of forever, until a series of lies broke them apart. After everything that's happened between them, after all the heartaches they've felt, can they find their way back home?