Chapter 37
Deanna's POV
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Si Dad lahat ang may plano kung bakit kami naghiwalay ni Jema? Bakit? Paano? Litong lito ang isip ko. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko.
"Sabihin mo sa akin kung anong buong nangyari. Siguraduhin mo na wala kang iiwan kahit isang pangyayari"
"Alam mo naman siguro na bago ka dumating sa buhay ni Jema ay mag bestfriend na kami diba. At nasabi nadin naman siguro niya sayo na gusto ko siya noon. Simula nung lumipat ka sa university ay pinapabantayan ka na ng Dad mo. Alam niya lahat ng kilos at galaw mo dahil nagpabayad siya para bantayan ka at ireport sa kanya lahat ng kinikilos mo sa loob ng university. Nung unang beses palang na magkita kayo ni Jema ay pina background check na siya ng dad mo at dahil hindi naman tago sa university na may gusto ako kay Jema ay nalaman yon ng Dad mo."
Pagpapatuloy niya
"Isang araw paglabas ko sa university ay may nag aabang sa akin na isang kotse at pinapasok ako sa loob dahil sabi ng driver ay gusto daw akong makausap ng Dad mo. Nung una ay nagtataka ako dahil bakit niya ako gustong makausap. Nung mga panahon na yon ay alam niyang nagkaka mabutihan na kayo ni Jema. Kasabay ng mga araw na yon ay nagkaroon ng problema sa business ng Dad ko. Nalugi kami Deanna. Naging problemado si Dad kung paano kami makakabayad sa lahat ng utang namin. Noong mga araw na yon ay inalok ako ng Dad mo na sirain ko kayo ni Jema dahil ayaw niya na magkatuluyan kayong dalawa. Nung una pumayag ako dahil mahal ko talaga si Jema. Yung mga litrato na pinakita niya sayo bago ka maaksidente lahat yon ay planado. Gustong makasigurado ng Dad mo na matutuloy ang plano kaya ginawa niya yon ng dahan-dahan at pinag planuhan ng maigi. Sinabi niya sa akin ang mga dapat kong gawin at ang kapalit ay babayaran niya lahat ng utang ng pamilya namin at inalok niya kami na manirahan dito sa US at bibigyan kami ng trabaho dahil na rin sa koneksyon niya"
Hindi ko kaya ang mga naririnig ko
"Ang tagal niyang hinintay yung graduation party nila Jema kaya din bigla ka niyang pinatawag nung araw na yon. Para masiguro na matatapos namin ang plano. Sinabi niya na dapat may mangyari sa amin ni Jema pero Deanna hindi ko kayang gawin kay Jema yon. May kasamang gamot na pampatulog ang pinainom kong tubig non kay Jema kaya nawalan siya ng malay. Kaya pinalabas ko nalang na may nangyari samin kahit hindi totoo dahil natatakot na ako non sa Dad mo. Nakaready na noon ang pag alis namin at sinabi niya na pwede na kaming umalis pagkatapos na pagkatapos ng araw na yon. Pero hindi niya akalain na maaksidente ka. Nung naaksidente ka ay si Jema parin ang sinisi niya kaya inilayo ka niya at dinala sa Amerika. Nung araw na yon gusto kong humingi ng tawad kay Jema dahil nakita ko kung paano siya masaktan nung naaksidente ka. Pero sinabi niya na ayaw na niya akong makita kaya umalis na din ako papuntang US"
Paano nagawa sa akin to ni Dad? Bakit? Ganon na ba talaga kahalaga sa kanya ang sarili niya at ang kompanya niya? Na nagawa niyang sirain ang buhay ko?
Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Walang kasalanan si Jema. Hindi niya ako niloko. Tumupad siya sa pangako niya. Ako ang nang iwan sa kanya at hindi naniwala sa pagmamahal niya.
"Walang nangyari sa amin Deanna kaya anak niyo ni Jema yung bata"
Anak ko si Claire. Binigay sa amin ni God ang kaisa isang bagay na hinihiling naming dalawa. Pinalaki niya ng mag isa ang anak namin. Itinaguyod niyang mag isa si claire kahit hirap na hirap siya. Wala akong nagawa para sa anak namin. Hindi ako nakatulong sa kanya. May sakit ng anak ko dahil sa trauma na inabot ni Jema.
Lahat ng ito ay dahil kay Dad. Ninakaw niya ang anim na taon na sana ay kasama ko ang pamilya ko. Inagaw niya sa akin ang pagkakataon na maging mabuting Dada kay Claire. Lahat ng nangyaring to ay dahil sa pagiging selfish niya. Kailangan kong bumawi sa pamilya ko.
Kailangan kong kausapin si Dad at sabihin sa kanya na alam ko na kung anong ginawa niya sa amin noon. Hindi ko alam kung kaya ko siyang patawarin sa lahat ng ginawa niya sa amin ng pamilya ko. Kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niya.
Sobrang sakit. Halo-halo ang nararamdaman ko. Ang dami kong regrets pero wala akong magawa dahil hindi ko alam kung ano ang tunay na nangyari. Pinagkait niya sa akin na malaman ang totoo. Pero alam kong mas masakit ang pinagdaanan ni Jema. Habang nagpapakatatag ako at pinipilit na buuin ang sarili ko at maging successful sa US ay nahihirapan siya sa pagpapalaki sa anak namin na siya mag isa. Nahihirapan siyang humanap ng pera pang gastos sa mga kailangan at gamot ni Claire.
Habang nagpapaka saya ako kasama ni Celine ay hirap na hirap siya sa pagtatrabaho at pag aalaga sa anak namin. Sobrang sakit na pinagdaanan namin lahat ng ito dahil sa kagagawan ni Dad na walang ibang inisip kundi ang company niya.
"Patawarin mo ako Deanna. Kailangan na kailangan ko lang talaga ng pera noon. Pero araw-araw kong pinagsisisihan ang mga nagawa ko"
Tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha ko pero naiintindihan ko siya kung bakit niya nagawa yon. Mabuti nalang at naging honest siya sa akin at sinabi niya ang totoo.
"Maraming salamat at sinabi mo sa akin ang totoo. Hindi ko masasabi na okay lang dahil sobrang daming nasira sa ginawa niyo ni Dad pero naappreciate ko na inamin mo sa akin ang lahat. Aalis na ako"
At tumayo na kami ni Ate Aly at sumakay sa sasakyan. Saan mo balak pumunta ngayon Deanna? Pakihatid nalang ako sa unit ko Ate Aly. Pwede ba isang favor nalang ate? Can you book me a flight para makaalis ako tomorrow pabalik sa Pilipinas? And pahiram ng isa mong kotse ate. Pupunta ako kay Dad ngayong gabi. Kailangan ko siyang kausapin.
"Okay Deanna sana maging okay na ang lahat. Gawin mo ang tama at bumalik ka sa pamilya mo. Bumawi ka sa kanila"
"Oo ate Aly. Maraming Salamat"
Kakausapin ko na si Dad. Kailangan nadin malaman ni Mom lahat ng ginawa niya sa pamilya ko. Hintayin mo ako Jema. Hintayin niyo ako ng anak natin.
BINABASA MO ANG
Way Back Home
FanficThey vowed to keep their promise of forever, until a series of lies broke them apart. After everything that's happened between them, after all the heartaches they've felt, can they find their way back home?