Chapter 45

2K 98 3
                                    


Chapter 45


Deanna's POV


Nakalipat na ako ngayon ngayon sa katabing unit nila Jema at ngayon mas malapit na ako sa pamilya ko. Natawagan ko na din si Mom tungkol sa surgery ni Claire at sabi niya she'll update me once ready na ang lahat para din makalipad na kami papunta sa US para maipagamot na si Claire.


Kumpleto naman ang mga appliances sa unit ko pero kulang padin ng ilang mga personal na gamit kaya nagsabi ako kay Jema na pumunta kami ngayon sa Mall para mamili ng mga kailangan ko. Konti lang ang bibilihin ko dahil hindi na din naman ako magsstay sa Pilipinas.


One month nalang at kaialngan ko na din bumalik ng US at hindi ko padin nasasabi kay Jema ang plano ko na dalhin na sila doon para sama-sama na kaming pamilya dahil andon din ang business ko. Humahanap pa rin ako ng magandang timing para masabi kay Jema ang plano ko.


Hindi ko din kasi alam kung gugustuhin niyang tumira sa US kaya medyo kinakabahan ako kung hindi siya papayag at hindi ko din naman agad-agad mabibitawan ang mga trabaho ko doon. Sana lang pumayag si Jema para magkakasama na kami.


Nag prep na din ako dahil dun na ako kakain ng breakfast kila jema tapos ay aalis kami ng mga 10 am para mag bonding na rin kami at mamili ng mga gamit na kailangan ko. Mag ggrocery na din ako ng mga pagkain ko sa unit dahil wala din akong stock na pagkain.


Pagkatapos ko ay nagpunta na ako kila Jema. Siya ang nagbukas ng pinto. Niyakap ko siya at ngumiti naman siya sa akin.


"Pasok ka muna Deanna. Andyan si Claire sa sofa nanonood ng tv. Dito lang muna ako sa kusina para mag aayos ako ng pagkain natin. Tawagin nalang kita kapag okay na."


"Sama na lang ako sayo sa kusina love puntahan ko lang si Claire" sabi ko kay Jema


"Okay sige"


Nagpunta ako sa living room at nakita ko ang anak ko na nanonood ng tv. Sobrang focused siya sa pinapanood niya kaya hindi niya naramdaman na tumabi ako sa kanya.


"Hi Claire anong pinapanood mo?"


"Tita Iza!!" Excited niyang bati sa akin at niyakap niya ako


"Wow naman. Namiss mo na ako agad?"


"Opo tita Iza" sabi ni Claire na nakangiti


"Ready ka na ba later? Punta tayo sa mall"


"Yes po tita Iza hehe Kakain lang po tapos I'll take a bath na and magbibihis po ako ng magandang dress"


"Diyan ka lang muna ha. Tutulungan ko lang si Mommy mo mag prepare ng breakfast natin para mas maaga tayo makapag ayos at makapunta sa mall"


"Okay po tita Iza"


Pumunta ako sa kusina at nakita ko siya Jema na nag aayos ng pagkain sa dining table. Tiningnan ko muna si Claire na busy sa panonood ng tv bago ako lumapit sa kanya at nikayap ko siya habang nakatalikod siya sakin.


"Love anong niluto mo?"


"Nagluto lang ako ng hotdog saka egg para sa atin tapo nag prepare narin ako ng oatmeal at fresh fruits para kay Claire"


Nang maibaba niya ang pagkain sa table ay hinarap ko siya sa akin at hinalikan ko si Jema. Pagkatapos ng ilang minuto ay humiwalay na din ako. At nginitian ko siya. Hinampas naman ako ni Jema.


"Ikaw Deanna ah para-paraan ka din. Pasalamat ka at busy manood si Claire ng t.v. at nako kung hindi baka nakita na tayo non"


"Don't worry Love. Sinigurado ko naman na busy siyang manood bago kita halikan" sabi ko sabay kindat kay Jema.


"Nako mga galawan talaga eh no"


"Love gusto ko na agad mapa gamot si Claire para masabi na natin sa kanya yung totoo" sabi ko kay Jema


"Konting tiis nalang love. Sabi mo naman diba inaayos na ng Mom mo yung sa surgery niya. Maghintay nalang tayo okay?"


"Yes po. Pero gusto ko ng marinig na tawagin niya akong Dada"


"Malapit na Deanna. Konting panahon nalang"


"Kaya ko naman tiisin Jema basta ayokong may mangyaring masama kay Claire. Ayokong i risk yung kalagayan niya lalo ngayon. Mas okay na ako na nagbobonding tayo at nakakasama ko siya. Ano ba naman yung ilang buwan pa na hihintayin ko diba kung mas mabuti yon para sa kanya" at ako naman ang niyakap ni Jema


"Thank you sa pagbalik sa buhay namin ni Claire, Deanna"


"I love you Jema"

"I love you too"

"Tara na kain na tayo" sabi ko sa kanya

"Tawagin ko lang si Claire"


Pumunta si Jema sa living room at tinawag si Claire para kumain ng breakfast. Sama-sama kaming kumain habang nagkkwentuhan at tinanong namin si Claire kung anong gusto niyang gawin kapag pumunta kami sa mall.


Hindi naman mahirap si Claire kasama kapag pumupunta kami sa mall. Masaya na siya na nagtitingin lang kami sa department store or kaya naman ay kapag kumakain kami sa labas. Natutuwa na din siya agad kapag tumitingin kami sa mga bagong gamit at damit.


Sa totoo lang ay kinausap ako ni Jema nung huling binilihan ko siya ng maraming damit. Sinabi ni Jema na wag ko na daw ulit gagawin yon dahil hindi naman kailangan at marami pa naman siyang damit. May mga bagay daw na dapat mas pagtuonan ng pansin.


Gusto ko sanang i spoil si Claire dahil hindi ko nagawang bilihan siya ng mga gamit sa loob ng anim na taon pero alam ko din na tama si Jema dahil hindi rin maganda kung gagastos ako ng ganon kadami. Hindi problema ang pera pero hindi rin maganda na gumastos para sa mga bagay na hindi naman din palaging magagamit ni Claire.


Sinabi ko kay Jema na ako na ang maghuhugas ng kinainan namin habang nag aayos siya ng table. At alam kong papaliguan pa niya si Claire. Dahil nakaligo na din naman ako ay ako nalang ang maghuhugas para naman mas maaga kami matapos.


Pagkatapos ko maghugas ay nagpunta ako sa unit ko para magpalit ng damit at mag ayos na din. Mabilis lang ako dahil nakaligo naman na ako kanina. Sakto pagkatapos ko ay tapos na din si Claire at hihintayin nalang namin si Jema.




Way Back HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon