Chapter 15

1.6K 84 6
                                    

Chapter 15

Deanna's POV

I woke up earlier than usual today. Well ngayon ako pupunta ng laguna to spend time with Claire. Tumawag ako kay Celine kanina to let her know na pupunta ako doon. She's still busy sa mga reports na kailangan niyang tapusin at ipasa. Buti nalang nag file na siya ng 3 days leave next week para naman magkaroon kami ng quality time.

Nagpadeliver nalang ako ng breakfast kasi I'm too lazy to cook na din eh. After a few minutes ay dumating na din ito. Pagkatapos ko kumain ng breakfast ay naligo na din ako at nag prepare. Hindi naging mahirap hanapin para sa akin ang address na ibinigay ni Kyla kung saan sila nakatira.

After a few hours of driving ay nakarating na din ako sa mismong apartment na tinitirahan nila. Kumatok ako sa pinto at binuksan naman ito ni Kyla

"Uy Iza pasok ka muna. Nakaayos na si Claire and hinihintay ka nalang niya."

"Uhmm okay pero hindi ka ba sasama?"

"Ayun nga pala. May kailangan akong lakarin ngayon eh kakatawag lang sa akin ng boss ko. So ikaw muna ang bahala kay Claire ngayong araw"

"Kami lang dalawa? Ohh okay okay."

"Basta lagi mo lang siya babantayan at wag mo siya hahayaan makabitaw sa kamay mo kasi baka mawala siya eh malalagot tayo pareho sa mommy niya hahahaha!"

"Okay, I'll make sure to bring her back home safely"

"And isa pa, please wag mo siyang hayaang mapagod ha. Minsan kasi nawawala sa isip ni Claire na may sakit siya. Alam mo na typical na bata na gustong maglaro. Talk to her calmly and ipaalala mo sa kanya na hindi makakabuti sa kanya maglaro"

"Hayy.. baka malungkot siya. Pero we'll watch a movie nalang. I heard showing na ng Frozen 2 kaya yun nalang ang gagawin namin and kakain nalang kami"

"Okay sige. Medyo hindi siya mahilig sa mga fastfood ha. Pero from time to time ay pinapayagan naman siya kumain ng Mom niya sa Jollibee. Alam niya kasing hindi maganda yon sa health niya. Ikaw na ang bahala sa kanya. Saka alam mo naman ang number ng mom niya kaya call her nalang if something happens. I also told her na ikaw lang ang kasama ni Claire ngayon kasi may aasikasuhin ako"

"Yep. Thank you Kyla"

"And one more thing pala, siguradong nandito na ang mom ni Claire mamaya at baka siya yung abutan mo dito pagbalik niyo ni Claire. Kakasakay lang daw niya pauwi eh"

"Okay okay. Pano alis na kami ni Claire?" Lumapit naman sa akin si Claire na nakabihis na at may dalang mini bag. Siguro para sa meds niya and extrang damit.

"Yung meds niya may nakalagay naman na time sa lalagyan. So hindi ka malilito and alam naman ni Claire kung anong dapat niya inumin. Thank you Iza and please take good care of her ha"

"Will do. Thanks Kyla. Claire say goodbye na to tita kyla"

"Bye po tita Kyla hehe" she waved goodbye

Sumakay na kami ni Claire sa kotse at sinigurado ko na nakaayos ang seatbelt niya bago nag drive. Balak ko na pumunta kami ngayon sa mall para sana manood ng sine at kumain.

Pagdating ko sa mall ay naghanap nalang ako ng pwede naming kainin na dalawa. Dahil puro fastfood lang ang nandito ay tinanong ko siya kung saan niya gusto kumain and sinabi niya sakin na gusto niya nga daw sa jollibee.

Umorder na ako ng food namin ni Claire. Chicken and spaghetti sa kanya at ako normal na Chicken with rice lang ang inorder ko. Sa totoo lang nag ccrave ako sa ramen pero i don't think maeenjoy na niya yung ganong klase ng food kasi bata pa siya and baka hindi niya maubos ang isang order.

Way Back HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon