Chapter 54
Deanna's POV
Pumunta kami ni Jema sa office ni Celine para idiscuss sa kanya ang paglipad namin papunta sa US. Umupo kami sa harap ni Celine.
"To be honest Jema and Deanna, bringing her to the US is the best option that we have. She managed to survive earlier but her heart is very weak. Kung maghihintay tayo ng donor dito, the fastest time we can find a donor is one week and the longest that she can hold on is just 3 days. This is a very risky move, masyadong delikado. Pero may kasama akong 1 doctor and 2 nurse to monitor her"
"We don't have a choice Celine. Kaya kailangan talaga natin na madala siya sa US as soon as possible" I said to Celine
"We just have to pray that she'll be okay hanggang sa makarating tayo sa US" sabi ni Celine
"We have to get ready now. In 3 hours kailangan nasa airport na tayo dahil andon na yung private plane na kinuha ni Dad para sa atin"
"Okay Deanna. Aayusin ko na lahat ng kailangan pati ang ambulansya na gagamitin mamaya para sa paghatid sa atin papuntang airport"
After 2 hours ay nakaready na kami lahat. Hindi namin maiwasan na maiyak ni Jema habang nakikita ang kalagayan ni Claire habang bumibiyahe kami papuntang airport. Ang daming nakakabit sa katawan niya na nagmomonitor sa kalagayan niya ngayon. She's very weak at kitang kita yon sa kanya. She's sleeping right now dahil na din sa mga gamot na ininject sa katawan niya kanina.
Nang maka board na kami sa private plane na kinuha ni Dad ay inayos na lahat ni Celine at ng kasama niyang doctor at nurse ang mga kailangan sa loob ng plane. Pati narin ang mga pang monitor kay Claire to make sure na stable siya.
Pagkatapos maiayos ang lahat ay nag ready na kami sa pag alis namin. Nakaupo kami ni Jema sa tabi ng kama kung saan nakahiga si Claire. Hindi pa rin tumitigil sa pag iyak si Jema. Naiyak din ako ulit habang nakikita ko silang dalawa sa ganitong kalagayan. I hugged her and she hugged me back while crying.
Nakita kong hinawakan niya ang kamay ni Claire
"Baby please hold on. Hindi ko alam kung kakayanin ko kung may mangyaring hindi maganda sayo. Andito na din si Dada sa tabi natin kaya kailangan mong lumaban okay? Marami pa tayong gagawin ng magkakasama. Magbabakasyon pa tayo, mag bobonding at marami pa. Kaya kailangan mong magpalakas. Malapit na din ang surgery mo"
I am silently praying habang tinitingnan ko ang mag-ina ko
"God please sana walang mangyaring masama kay Claire. She's been through a lot and her mom too. I can't bear to see them like this. Naniniwala ako na ikaw ang magbibigay sa kanya at sa amin ng lakas. Matatapos din ang lahat ng to."
After a few hours ay lumipad na din ang sinasakyan namin na private plane. Celine and the other doctor and nurses were monitoring her from time to time and as for me and Jema, we're looking at her helplessly.
"Jema, Iza you two should sleep. Baka magkasakit din kayo kapag hindi kayo nagpahinga. Simula nung dinala si Claire sa ospital wala pa kayong tulog. Wag kayong mag alala, we're going to monitor her hourly just to make sure that she's fine" Celine said
No one's POV
Kagaya ng sabi ni Celine ay nag decide si Deanna at si Jema na matulog muna habang nasa flight sila. Yakap-yakap ni Deanna si Jema habang natutulog silang dalawa.
Nakatingin si Celine sa dalawa at parang may kurot pa rin sa puso niya kapag nakikita niya si Jema at si Deanna na ganito. Masakit sa kanya na makita ang taong mahal niya na yakap ng iba. Inalis niya sa isip niya ito at lumapit sa tabi ni Claire
"You should fight for your life Claire. Don't let our sacrifices for your family go in vain. Kailangan mong lumaban para magkaroon na kayo ng isang buong pamilya. Kailangan mo pa maranasan na magkaroon ng family at maging masaya ng buo kaya kailangan mong magpagaling para sayo at para sa kanila"
The flight went on smoothly and in just 6 hours the most crucial moment of their lives will happen.
Nagising si Deanna at maingat na umalis sa tabi ni Jema at lumapit sa kama ni Claire. Hinawakan niya ang kamay nito. Ang tanging naririnig niya lang ay ang pag beep ng mga heart monitor at ang tunog ng respirator na nakakabit kay Claire.
"Baby kailangan mong maging malakas. Hindi namin kakayanin kapag may masamang mangyayari sayo. Please fight for us. We need to make up for the times na hindi niyo ako kasama. Icecelebrate pa natin ang bawat birthday, Christmas, New Year at lahat ng special occassion na magkakasama. I need to give you every kiss and hug that I should've given you in the past few years. Yung pangarap mong complete family eto na so please don't give up now okay?" At tumulo nanaman ang luha ni Deanna and she rested her head on Claire's bed and soon fell asleep.
____________________________________________________________________________
Sorry sa matagal na update hehe thanks sa mga naghihintay pa din at nagbabasa sa story na to :-)))
BINABASA MO ANG
Way Back Home
FanficThey vowed to keep their promise of forever, until a series of lies broke them apart. After everything that's happened between them, after all the heartaches they've felt, can they find their way back home?