Chapter 24

1.6K 80 5
                                    


Chapter 24


Nasa site na ng photoshoot niya si Deanna. Dumating siya 2 hours ahead sa naka schedule. Ayaw niya kasing nalelate or nagpapahintay sa iba dahil pinakaayaw niya sa lahat ang nang aabala ng ibang tao dahil para sa kanya ay napakahalaga ng oras.


Mas pinili niya din na pumunta ng maaga dahil simula nung lumabas sila nila Ced at Jema pati nadin si Claire ay palagi na niyang iniisip ang dalawa. Hindi alam ni Deanna kung sasabihin na ba niya kay Ced ang gumugulo sa isipan niya o hahayaan nalang muna niya na ganito ang lahat dahil hindi din naman alam ni Jema na siya si Deanna.


Naupo na lamang si Deanna sa dressing room habang hinihintay ang iba pang staff pati na ang mga photographer at make-up artists na mag aayos sa kanya. Nag scroll nalang muna siya ng mga sns. Maya-maya pa ay may staff na pumunta sa kanya


"Miss Izabella Wong, you came here earlier than usual. Andito na yung mga make-up artists na mag aayos sayo and mag aassign ng mga damit na gagamitin mo for this shoot"


"Ohh okay, Uhmm wala naman din kasi akong gagawin din kaya nagpunta na din ako dito ng maaga at isa pa ayoko naman ma-late sa unang shoot natin diba. Nakakahiya kung mangyayari yon at hindi siya magandang example. Dapat maging professional ako.Thank you"


Pumasok na ang mga make up artists sa loob ng dressing room at inayusan na si Deanna. Pagkatapos ng isang oras ay naka ayos na ito at nakabihis na rin. Nang may kumatok sa pinto at pumasok ang isa pang staff


"Miss Izabella Wong nasa kabilang room na po ang photographer at naka ready na for today's shoot. We have to go there and start para nadin makapag early pack-up tayo for today kung walang delays"


Lumabas na si Deanna kasama ang staff at nagpunta sa lugar kung saan magaganap ang shooting ngayong araw. Pagpasok nila ay biglang nagsalita ang staff


"Guys today we'll be doing a photoshoot for Miss Izabella Wong and this is the first time that she'll reveal her face in public. And take note, she's the heir of one of the biggest company sa US na pag aari ni Mr. Wong if you know him"


Deanna's POV


Narinig ko ang bulungan nga ibang mga staff na para bang gulat na gulat sila at stunned na sila ang unang nakakita sa akin as "Izabella Wong" na tagapagmana ng sikat na si Mr. Dean Wong


"Hi I'm Izabella Wong and nice to meet all of you"


Hindi nawawala ang pagka shock sa mukha nila and I looked all of them one by one and I saw that one face na ikinagulat ko rin


Si Jessica.


Bakit ba lagi kaming pinaglalapit ng tadhana?? Pilit ko ng iniiwas ang sarili ko sa kanya pero bakit ganito? So natupad na pala talaga niya ang pangarap niyang maging isang sikat na photographer. That explains why wala siya last time na check-up ni Claire


"Hi Jessica, it's nice meeting you again. What a coincidence right?" Sabi ko rito


"Uhmm yes, yes... nice meeting you again din"


"Why are you always tensed pag nagkikita tayo? Para bang lagi kang gulat na gulat"


"Ohhh I'm really sorry. May naaalala lang kasi ako sayo. Sobrang kamukha mo kasi siya"


"Baka nagkataon lang hahaha Lagi nilang sinasabi na may kamukha daw ako eh"


"Yep. Imposible din naman na ikaw siya"


"Why? Is she someone whom you've known so well? An ex maybe? " I said


Nakita ko sa mukha niya ang pagkagulat niya


"Just joking. We can be professional naman sa shoot na ito, and I can't really consider us as close padin naman. I'd prefer kung ituturing nating model and photographer ang isa't-isa" Hindi ko alam bakit nagagalit pa rin ako sa tuwing nakikita ko siya


"Yes okay. I'm sorry"


Nagsimula na ang shooting and nung una medyo awkward pa ako kasi hindi naman talaga ako model and this is all new to me. Kitang kita din kay Jema kung papano niya i maintain ang pagiging professional sa trabaho pero sa tuwing break ay halatang awkward ito


It was lunch time nung magyaya ang mga staff na kumain muna pero bigla kong nakita si Ced na may dalang take-out food sa isang resto


"Babe what are you doing here? Akala ko busy ka sa hospital. Hindi ba hassle sayo na pumunta ka pa dito?"


"I have a few hours off and I really want to see you on your first day here sa shooting niyo. Saka dinalahan kita ng food kasi alam kong tamad ka kumain" sagot naman ni Ced


"Tara na babe kain na tayo hehe Thank you!"


Nung papalabas kami ay nakita ni Ced si Jema


"Uy Jessica ikaw pala ang naka assign na photographer sa shoot ni Iza? Tingnan mo nga naman oh. Ang liit talaga ng mundo hahahaha Pano kain muna kami ha?"


Pumunta kami sa dressing room at doon kumain. Maya maya pa ay nag start ulit ang shoot. Sabi ni Ced ay manonood muna siya kahit 1 hour lang. Mga 2 pm na ng umalis si Ced at nagpaalam ito sa amin


"Jessica ikaw na ang bahala dito kay Iza ha? Sumbong mo sa akin pag pasaway yan hahaha"


Celine's POV


Ngumiti lang ito ng maliit. Hindi ko alam kung bakit kapag kay Iza ay ganito si Jessica. Kapag naman sa mga check-up ni Claire ay hindi namn siya ganito. Hindi ko alam kung anong mali sa kanya


Pagkasakay ko sa sasakyan ay hindi ko maiwasang mag isip. I've known Iza for 6 years now. And masasabi ko na kilala ko siya. And yung expression niya sa tuwing makikita niya ang mom ni Claire, may iba eh. May mali.


Nakikita ko sa mata niya ang pinaghalong inis at para bang galit or something na hindi ko maintindihan. Hihintayin ko nalang na mag open si Deanna sa akin and I won't pressure her na magsabi sa akin kung bakit siya ganon sa Mom ni Claire. 



Way Back HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon