CHAPTER 37 - ENEMY

2K 79 5
                                    


AMARA


"Farrei..." dinig kong sambit ng babae bago sumara nang tuluyan ang pintuan.

What the fuck? Anong ibig sabihin nito? Bakit niya binanggit ang pangalan ng kaibigan ni Nikkolai? Is he the one who commanded those men to kidnap me? 

Nanlamig ang katawan ko sa pagpipilit kong makakilos ngunit wala talaga akong magawa. Kahit anong pilit kong gumalaw, paralisado ang buong katawan ko. Kung saan-saang sulok ng isipan ko nanggagaling ang napakaraming tanong. Naguguluhan ako. 

Hindi... baka nagkakamali lang ako ng pandinig. Sa estado ng katawan ko ngayon maaaring ganoon nga. Maybe I misheard it. It's not Farrei. Matalik na magkaibigan sila ni Nikkolai at malabong magawa niya ito sa akin. 

I closed my eyes. Agad kong nakita ang masungit na mukha ni Nikkolai. His cold eyes can easily frost at the same time melt my insides, then his thin lips that can do wonders on me...

How is he? Ano na kayang nangyari sa kanya? Sinaktan kaya siya ng mga lalaking kumuha sa akin? Nasaan ako ngayon? Saan nila ako dinala? 

Nikkolai is probably looking for me now. May mga camera ba sa villa? Sa pagkakaalala ko ay parang wala. It was so secluded and it's far from the resort. Malabong mahanap niya ako'ng agad. 

Please search for me quickly, Nikkolai. I badly want to be with you now. 

Tumulo ang luha sa magkabilang pisngi ko. Natatakot ako sa kung anong maaaring mangyari sa akin ngayon. Papatayin kaya nila ako? Ano ba ang gusto nilang makuha sa akin at bakit kailangang dalhin pa ako sa kung saang lugar man ito? 

Iyong babae kanina sabi'y hindi nila ako sasaktan. Hindi nga nila ako sinaktan pero bakit kailangang kunin pa ako? Ano bang pakay sa akin ng nagpakuha sa akin? At bakit pati ang mga magulang ko ay binanggit din kanina? 

Who are these people? 

I was thinking too deeply that I didn't realize I fell asleep again. Nagising lang muli ako nang maramdaman ang liwanag na tumatama sa mukha ko. Nanghihina kong minulat ang mga mata at napansin ang sikat ng araw mula sa bintana ng kwarto. 

Dahil nakatulog ako, pakiramdam ko medyo maayos na ang katawan ko. Though I still can't move my whole body, ang mahalaga, may nararamdaman na ako. 

Dumako ang tingin ko nang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang babaeng may dalang tray at sa ibabaw nito'y pagkain. Base sa pagkakaalala ko sa bulto ng katawan ng babae kagabi ay siya rin iyon. 

The fair woman with blonde shoulder-length hair sat on my bed. She looks like we're the same age. Pinatong niya ang pagkain sa side table at lumingon sa gawi ko. 

"Good morning, Amara. Pinaghanda kita ng agahan para magkaroon ka ng lakas," masuyo niya akong nginitian.  

Her deep brown eyes held gentleness along with her thin brows and thin lips. Maamo at makinis ang mukha nito. May kutob akong hindi siya masamang tao.

Nangunot ang noo ko nang marahan niyang inalalayan ang katawan ko para makaupo. Tuyo ang lalamunan ko at nanlalambot ang ibang bahagi ng katawan ko. I feel like I can talk now than last night. Pinasandal niya ako sa headboard ng kama. 

"A... anong... kai...langan... niyo..." sakin. Nagtagumpay ang pagsusubok kong makapagsalita pero sa hina nito, hindi sigurado kung narinig niya ang sinabi ko. 

Sinundan ng mga mata ko ang kamay niya nang humaplos ito sa pisngi ko. Inayos niya ang buhok na tumatabing sa mukha ko at inilagay ito sa likod ng mga balikat ko. 

The Billionaire's Wicked Scars | RBS 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon