CHAPTER 17 - CASE

2.3K 86 3
                                    

AMARA

Gaya ng naging plano ni Nikkolai, iyon ang sinunod naming gawin. Nang makarating kami sa isang gas station, agad na sinalubong kami ng co-agents nilang nagpapanggap na gasoline boys. Kinatok ng isa ang salamin at nagpakita muna ng maliit na seal ng ORION sa kanilang braso bago sila pinagbuksan.

"These are the keys. Nakaparada sa likod ng convenience store ang dalawang motor."

"Copy," si Helion. Sinenyasan niya kami at lumabas na silang dalawa ni Farrei.

Agad silang nagtungo doon sa paradahan upang kunin ang dalawang motor. Hindi na namin sila hinintay pa at nagmaneho na papunta sa village kung saan nakatira ang mga Villaflor. According to the file, kokonti pa lamang ang nakatira doon at sa bandang dulo pa nito ang kay Hillary.

Nakakapagtaka lang. Hindi ko alam kung bakit iilan lang ang naninirahan doon sa lawak ng village na iyon samantalang ang katabing villages nito ay halos puno na ng mga homeowners. Is it exclusive? The files says no. Mahal ba ang pabahay? Again, the file says no. Kung tutuusin, mas mura pa ang house and lot doon compare sa ibang villages katabi nito. Imbestigahan na rin kaya namin?

"Nikkolai? May ibang report pa ba about sa village na kinatitirhan ng mga Villaflor?" tanong ko.

Medyo malayo na ito sa kung ano ang kasong hinaharap namin ngayon. There's just something wrong in this. Or baka nag o-overthink lang ako? Ito yung iniisip ko kagabi bago matulog kung di lang ako binuhat papuntang kama ng lalaking to eh di sana may naisip na 'ko kahit papaano!

"Other than the stuffs written on it, none. Why?" nagtatakang tanong niya. Lumingon siya sa gawi ko at sinusuri ng tingin. Medyo nangungunot ang noo ko dahil sa iniisip. Pwede kasing maging isa sa factors ng pagkawala ni Hillary ay ang village nila. Pero pwede ring hindi.

Damn! Sometimes overthinking can turn the plans into chaos. Isa sa mga kalaban namin bilang mga agents ay ang pag ooverthink. Dumarating sa point na namimissed-out na namin yung mga importanteng bagay dahil sa mga iniisip na hindi naman pala kailangan.

But also damn this gut feeling...

"What is it? Do you have something in mind?"

Kinagat ko ang labi ko. Simpleng mission lang ito pero ganito na agad ako umasta.

I shook my head to his question.

"Nothing. Let's just proceed to the plan."

Few minutes more, we arrived at the gate of the village. May anim na armadong guards ang nasa labas nito nang huminto kami para sa check point. Binuksan ni Marco ang bintana.

"Ano pong sadya nila? May gate pass po kayo?" tanong ng isa.

May kinuha si Nikkolai sa gilid niya at inabot ito kay Marco. It was a small green card with the words Villa Estrevina and some QR code behind it. Kinuha ito ng guard at binigay sa isang kasama. Nakita ko namang kumilos ang apat at nagcheck ng ilalim ng kotse maging ang trunk na binuksan ni Marco.

Hindi na ako kinabahan sa ganito. We're good at hiding stuffs in us. Ang maganda pa, hindi nadedetect ng metal detectors or ng scanners ang mga gadgets na nilalabas ng ORION. Kaya gayon na lang ang pagpapadala sa'kin ng OMEGA para mag espiya sa mga galaw at gamit ng kalabang organisasyon.

Napailing na lang ako. Isa pa yan sa mga gusto kong balikan. Humanda lang sa'kin ang OMEGA. Sisiguraduhin ko'ng mananagot sila sa ginawa nila sa kaibigan ko. Hindi ko alam kung paano ako magsisimulang balikan sila pero gagawan ko ng paraan. Malaman ko lang talaga kung sino ang pumatay sa mga magulang ko... I will serve justice on my very own hands.

The Billionaire's Wicked Scars | RBS 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon